Chapter 42: Downpour

54 3 1
                                    

"SARU? Did you find Tito Ken?" 

Hindi ako makagalaw para lingunin si Jared. Sumunod din pala siya sa akin. May narinig ba siya? Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko nang lingunin ko siya. Kumunot ang noo niya. 

"Natatae ka ba? Bakit ganyan ang mukha mo?"

Nautot naman ako bigla. Natawa siya. Bwesit! Kainin na ako ng lupa. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o maglulupasay na naman sa kahihiyan. Strike two ka na naman sa utot na iyan Shana Fujisawa! Huhuhu.

"N-Nahanginan lang ako," pagdadahilan ko. 

Ngiti ngiti naman siya. Parang sinasabi niya na tanggap niya ako kahit nakakahiya ako, 

"Shana-chan? Jared-kun? What are you doing here?" 

"Tito Ken,  masakit yata ang tiyan ni Shana." 

"Eh, really? Daijobou desu ka Shana-chan?" 

Tumango ako kay papa pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko pagkatapos ng narinig ko kanina. Napansin ba ako ni Papa kanina? Napakaraming katanungan sa isipan ko. Totoo ba na may kinalaman si Papa sa pagkamatay ng mga magulang ni Jared? Sa tingin ko mga magulang ni Jared ang tinutukoy ni sir Leandro.

"Tito, nagpa-reserve po si Tristan for everyone." 

"Is that so? That's too bad may emergency kasi sa shop. Hahabol nalang ako," malungkot na ginulo ni papa ang buhok ko. "Gomenasai Shana-chan. This is for your future as well." 

Alam kong may iba pang ibig sabihin si papa sa sinabi niya. 

"Tochan, kahit saglit lang," pigil ko sa kanya. 

Ngumiti siya. "I'll be back." 

Gusto ko siyang  sundan pero parang may bumubulong sa akin na hayaan ko muna si Papa at baka makasagabal lang ako sa gagawin niya. 

"Mag-CCR ka pa ba Saru?" tanong sa akin ni Jared maya-maya. 

Inirapan ko siya. "Hangin nga lang iyon." 

"Give me your hand." 

Wala sa sariling sumunod ako. May inabot siyang kahon sa akin. Luh. Ano na naman ito? Isang silver ring ang tumambad sa akin nang buksan ko iyon. 

"Engagement ring 'to?" 

"Tss.  Asa." 

Sinimangutan ko siya.  "Napulot mo na naman?" 

"It's a couple ring," nag-iwas siya ng tingin sa akin saka tumikhim. Inangat niya ang kaliwang kamay at nasa palasingsingan nga niya ang singsing na kaparehas ng binigay niya sa akin. 

"Ang sweet naman ng irog ko," panunukso ko sa kanya. Pulang-pula naman ang tainga niya.  Ngumuso ako ng pabiro. "Isang kiss naman diyan." 

"Tsk," pinisil niya ng malakas ang nguso ko. Tinampal ko naman ang kamay niya. He smirked at me and walk ahead. Humabol ako.

"KJ naman nito para--" 

"Thanks for your gift Saru," he smiled evilly at me saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. 

Namumulang sumunod ako. Hinawakan ko ang mga labi. Smack lang binigay. Sayang.  Humabol ako sa kanya ulit saka hinawakan ang kamay niya. Hindi siya tumingin sa akin pero hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Naks. Holding hands para sweet. Hahayaan ko muna ang sarili ko ngayon na mag-enjoy. Haharapin ko kung anuman ang narinig ko kanina pagkatapos. 

"Fujisawa, tito Ken came here and he said he can't come with us. Nagkita ba kayo?" bungad sa akin ni Tristan.

I nodded. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon