Chapter 25: Trap

165 13 30
                                    

Shana

NAG-AALANGAN akong sumilip  mula sa labas ng student council office. Natatakot akong bumalik. May dala na akong juice na pampalubag loob kay Jared. Binilhan ko na rin ang iba pa. Hindi naman na siguro siya galit. Oo nga, kaya dapat na akong pumasok at baka mas lalo pa akong pag-initan ng lalaking iyon kapag hindi ako bumalik. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng office. 

Kaya ko to! Ganbatte! 

"Juice everyone?" masiglang bungad ko.

Katahimikan ang sumalubong sa akin. Okay. Parang nababalutan yata ng kung anong maitim na ulap ang buong paligid. Anyare? Walang sinuman ang nagsasalita. Maging ang madaldal na si Tristan ay nakatulala. Sina Jared at Winston naman ay magkaharap. Nakatayo si Winston sa harapan ni Jared na masama ang tingin sa lalaki. Oh well, ano ba ang bago? Ganon naman talaga tumingin si Jared most of the time.

Tumikhim ako at masiglang nagsalita ulit. "May dala akong bottled juice! Libre ko ito kaya kunin niyo na."

Si Tristan ang unang nagsalita. "Wow! Ang bait mo talaga Fujisawa. Tamang-tama at medyo nauhaw ako sa nangyari."

Napansin kong siniko siya ni Dave. Inabutan ko sila ng orange juice. Apat ang binili kong orange flavor tapos isang strawberry at guyabano. 

"S-Salamat Fujisawa," tila nahihiyang wika ni Harry. 

Ngumiti ako sa kanya saka nagpunta kay Jared. Ngumiti ako ng alangan sa kanya at nag-peace sign. Ibinigay ko sa kanya ang orange juice. "Peace na tayo, sorry na kanina."

Walang imik na inabot niya ang ibinigay ko. Lumapit naman ako kay Winston at ibinigay ang guyabano flavor sa kanya. 

"Pinili ko talaga iyang guyabano flavor kasi pampadagdag lakas. Nahihiya kasi ako sa iyo dahil mukhang napagod ka sa pagtuturo sa akin." 

Ngumiti si Winston. Infairness, ang gwapo rin nitong si Winston kung ngumiti. Akmang aabutin na sana niya ang juice nang biglang magsalita si Jared.

"I want that flavor," parang hari na utos niya sa akin.

Umiling ako. "Para to kay Winston. Saka baka hindi mo magustuhan ang lasa nito." 

"Kahit hindi ko gusto hindi ko gustong mapunta iyan sa iba. Sa akin lang dapat iyan, hindi ba Winston?" seryosong wika niya. 

Lol. Anong meron at gusto niya talagang ipaglaban ang guyabano? Napipilitang ibinigay ko nalang sa kanya ang guyabano at ipinalit ang hawak niyang orange juice kanina. Ibinigay ko iyon kay Winston at nahihiyang ngumiti.

"Masarap din naman iyan Winston. Pasensiya ka na," sinulyapan ko si Jared. "May mga timang lang talaga minsan."

"It's okay."

Binalingan ko si Jared na hindi maipinta ang hitsura habang umiinom ng guyabano juice. 

"What the hell is this flavor Saru?" tila masuka-suka na siya.

Lihim akong nagdiwang. Buti nga sa kanya. Nitong mga nakaraang buwan na naging alila niya ako, napansin kong may pagkapihikan si Jared sa pagkain minsan. 

"Pangit ang lasa hindi ba? Sinabi ko naman kasi sa iyo," may tonong paninisi na sabi ko. Pero masarap kaya ang guyabano. Maarte lang talaga ang bakulaw na ito. 

"Sinabi ko bang masama ang lasa?" inis na asik niya.

Umismid lang ako. Ang sarap niyang kunan ng picture dahil mukha siyang shunga ngayon. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Winston. 

"Someone from the student council is coming," anunsiyo niya. 

"See you guys," paalam ni Dave at binuksan ang pintuan papuntang fire exit. Lalayas na siya.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon