Chapter 35: Christmas

144 10 38
                                    

MAY pagtatanong na tiningnan ko si Jared. Totoo ba ang sinabi ni Winston? Ano ang dahilan niya? Binundol ako ng kaba sa aking dibdib dahil sa narinig.

"This is nonsense," inis na sabi ni Jared sabay alis. 

"T-Teka lang Jared!" habol ko sa kanya. Nilingon ko sina Tristan na tumango sa akin.

"Ikaw na ang bahala sa kanya," wika ni Winston. "Mukhang pinag-init ko yata ng husto ang ulo niya."

Ang bilis niyang maglakad kaya kandahabol ako sa kanya. Kahit nang makahabol na ako ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Galit ang makikita mo sa mukha niya.  Ang dami kong gustong itanong. Sasali ba talaga siya sa mafia? Pero masyado iyong mapanganib. Nakakatakot ang maaring mangyari sa kanila kapag natuloy. Bakit niya ba gustong sumali? 

"Bakit nakatayo ka lang diyan?" Seryosong untag niya sa akin. Nasa loob na pala siya ng sasakyan niya. 

"P-Pero papano sina--"

"Your father is waiting for the ingredients."

Wala na akong magawa kundi ang sumakay. Wala kaming imikan habang sakay ng kotse. Napapasulyap ako sa kanya habang seryosong nakatingin lang siya may bintana. Umiimik lang siya kapag kausap niya ang driver.

Gustong-gusto ko na siyang kausapin habang nasa grocery store kami pero parang nakapalibot yata sa buong aura niya na bawal siyang kausapin kaya hindi ko magawang makapagsalita. Hanggang sa pabalik na kami sa bahay ay nanatili pa rin kaming tahimik. 

Naiintindihan ko naman siya pero hindi ko mapigilan ang hindi masaktan. Parang kasing wala siyang balak na isali ako. Pero ako na rin ang nag-explain sa sarili ko. Maaring ayaw niya munang pag-usapan. Hahayaan ko nalang siya na mag-open mamaya. 

"J-Jared, handa akong makinig kung ready ka--"

"We're here," anunsiyo niya. Nasa bahay na pala kami. 

Bumuntong-hininga ako saka tumango. Masayang sinalubong kami ni papa. Excited na raw kasi siyang magluto. Tinulungan na rin kami nina tita Dalisay at Sunshine kahit panay lang ang selfie ni Sunshine. Napansin ko pa ang hashtag niya sa post:#sobusy at #pagodfortheXmaspreparation. 

"Pinsan, iyang boyfriend mo may kapatid ba siya?" tanong sa akin ni Sunshine habang nag-aayos kami ng pinamili. 

Umiling ako. Tila nanghinayang naman si Sunshine saka bumulong kay tita Dalisay na nasa tabi. This time si Tita na naman ang nagsalita. 

"Jared iho, mabuti naman at naipakilala ka na sa amin nitong pamangkin ko," nakangiting umpisa niya.  "Alam  mo kasi, alam mo naman ang pamangkin ko na iyan. Mana siya sa mama niya na napakamahiyain. Gusto ko nga iyang maging kagaya ko. Tingnan mo iyang anak ko na si Sunshine. Confident saka achiever."

"Mukhang talented nga ho ang anak niyo," nakangiting sabi ni Jared. Humagikhik naman ang mag-ina saka nag-high five sa harapan namin. Nagsalubong ang paningin namin ni Jared. Umiwas siya ng tingin. Hindi ko naman siya huhusgahan kung anuman ang nangyari.

Sabagay, hindi pa naman namin lubusang kilala ang isa't-isa. Alam kong nag-aadjust pa kami sa relasyon namin.

"Jared-kun, can you help me with the ham?" pakiusap ni papa sa kanya.

Akmang ako na ang gagawa pero pinigilan ako ni Papa. "Mag-bonding muna kayo ng pinsan at tita mo Shana-chan. Kami na ni Jared-kun ang bahala. Doon na kayo sa living room."

Napatango nalang ako saka sinulyapan silang dalawa bago lumabas ng kusina.

JARED

"MAHILIG ka ba sa ham?" tanong ni tito Ken sa akin.

I just shrugged. "Fine with me."

Ngumiti siya saka tinitigan ako habang naghahalo ng special ham sauce niya raw. Medyo naiilang ako sa titig niya. Did he know that we're not okay with his daughter? I gulped. Sinulyapan ko si Shana sa may living room. She looks bothered by something. It's my fault. I don't think I can involve her with my problem especially with my plan. I don't want to taint her.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon