Chapter 6: Ghost 1

186 16 0
                                    

Madilim ang pasilyo na iyon ng St. Therese pero kailangan iyong linisan ng janitor na si Andoy. Iyon ang pinakahuling lugar na lilinisan niya sa araw na iyon. Sa totoo lang kinikilabutan talaga siya sa pasilyong iyon. Marami kasi ang nagsasabing may gumagalang multo roon. Matagal ng naipatayo ang paaralan. Bago pa dumating ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naipatayo na ang St. Therese. Ang balita niya ay maraming sugatang sundalo ang nagtatago dito sa panahon ng pananakop ng hapon. May ibang doon na binawian ng buhay habang ginagamot. Iyong iba ay nagpaparamdam pa rin hanggang ngayon ayun sa mga naririnig niyang kwento.

Pilit niyang binaliwala ang anumang naramdaman. Kailangan niyang matapos ang trabaho niya at hindi niya iyon matatapos kung pangungunahan siya ng takot.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng mop nang biglang may kung ano siyang boses na naririnig. Napahinto siya sa ginagawa at nagpalinga-linga. Wala namang tao. Kinilabutan siya. Anong ibig sabihin ng naririnig niya? Guniguni niya lang ba?

Nagpatuloy siya sa paglilinis ng sahig pero lalo lamang lumalakas ang boses. Mula iyon sa isang tagong sulok ng pasilyo na natatabingan ng halaman. Takot man ay pinipilit ni Andoy na tingnan kung saan nanggaling ang naturang tinig. Hinawi niya ang mga dahon ng halaman para lamang magimbal sa nakita.

"M-Multo! M-Multo! A-Aaaaaah!"

"AAAAAAAAAAAAAHHHH!" malakas na sigaw ko at ni Sierge.

Natawa naman si Ridge mula sa pagbabasa ng isang forum comment sa website ng St. Therese. Nakakatakot ang binabasa niya. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko sa balat.

"S-Sino ba kasing g-gumagawa ng kwentong iyan at pati janitor natin dinadamay?" kunway inis na tanong ni Sierge.

"Totoong nangyari ito. Noong isang araw nangyari ang binabasa ko ngayon. Alam niyo bang nagkasakit si Andoy pagkatapos? Kaya nga si Mang Lito ang pumalit sa kanya."

Oo nga. Napansin ko ngang si Mang Lito ang naglilinis sa lugar ni Andoy. Kung ganoon... Kinilabutan ako. Ibig sabihin totoo iyong kwento? Ayaw ko na yatang dumaan sa Callan hall. Doon kasi nagpakita ang multo. May limang lumang building ang Saint Therese at tatlo doon ang sobrang luma na. Iyong Callan ang pinakaluma sa lahat kaya hindi na siya masyadong ginagamit masyado at pansin ko ginagawa nalang storage room ang ibang rooms. Iyong iba naman ay ginawang club office ng ibang school club ng Saint Therese. Maganda din naman kasi ang aesthetic ng building. Pero ngayong narinig ko iyong kwento ayaw ko na yatang dumaan doon. Matatakutin pa naman ako sa multo. Si Papa kasi panay ang kwento sa babaeng malaki ang bibig--kuchesake-onna-- saka iyong multo sa CR na si Hanako-san.

"Ang mabuti pa huwag na nga nating pag-usapan ang tungkol sa mga multo. Malaki na tayo para sa mga ganyan!" padabog pa na tumayo si Seirge at binato ng hawak na lapis ang monitor ng laptop. Ginantihan naman siya ng bato ni Ridge ng malaking paint brush. Laptop kasi ni Ridge ang binato nito. Sapol. Hihi. Buti nga.

"Shana! Hinahanap ka na naman ng gwapo!" sabi ni club member.

"Sino raw?" 

Wala akong pakialam kung sinong gwapo na naman ang naghahanap sa akin.

"Iyong gwapo noong isang araw."

Mabilis na akong tumayo. Alam na kung sino.

"Ano?" bungad ko kay Winston.

"Ibigay mo raw ito sa vice-president." may iniabot itong papel sa akin at folder. Seryoso lang ang mukha niya.

Ako talaga? Well, ano pa nga ba Shana? Kailangang sundin ang mahal na hari. Mahirap na at baka bugbugin ka. Walang imik na umalis ako sa harapan ni Winston.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon