Chapter 26: Change of Heart

189 13 20
                                    

"SARU, wake up."

Naalimpungatan ako nang gisingin ako ni Jared mula sa pagkakahimbing sa balikat niya. Ibinaba niya ako at muntik pa akong mapaupo kung hindi niya ako nasalo at nahawakan. Nakatulog  pala ako habang buhat niya. 

"Nasaan na tayo?" inaantok na tanong ko.

"We're here in front of your house."

Kinusot ko ang mga mata ko saka iginala ang tingin. Nasa harapan na nga kami ng gate namin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. 

"Pumasok ka na and stay away from trouble Saru," utos niya sa akin.

Inaantok na pinagmasdan ko siya. Napansin ko ang mga butil ng pawis mula sa noo niya. Dahil yata iyon sa pagbubuhat sa akin. Kinuha ko ang panyo ko sa bag at mabilis na pinahiran ang noo niya. 

"Pinagpawisan ka pa masyado sa pagbubuhat sa akin—"nabitin ang anumang sasabihin ko nang magtama ang paningin namin. Mukhang nagulat rin siya sa ginawa ko dahil namumula ang mukha niya. Nawala ang anumang antok ko at hinila ang kamay ko. "S-Salamat."

"Ang b-baho ng panyo mo."

Mabilis ko iyong inamoy. "Ang kapal! Hindi naman mabaho ang panyo ko 'ah. Amoy pabango ko kaya ito. Bahala ka nga sa buhay mo!"

Paika-ika akong nagmartsa papasok ng kabahayan. Pero bago pa ako pumasok sa loob ay nilingon ko muna siya. Wala na siya sa harapan ng gate. Napasimangot ako. "Hindi naman mabaho ang panyo ko 'ah."

Pagpasok ko ng bahay ay nakita kong naghahanda na si papa ng dinner namin. "Good evening tochan!"

"Konbanwa Shana-chan! Let's eat dinner—what happened to your knee?!" 

Noon ko lang naalalang may gasgas pala ang tuhod ko. Lagot! Seryoso na ang mukha ni Papa. Inalis niya ang pink niyang apron at sinuri ang tuhod ko. 

"Bakit may sugat ka? Hindi ba sinabi kong lumayo ka sa gulo Shana? Noong isang araw, pinalampas ko iyong sugat mo sa ulo pero ngayon dinagdagan mo pa. Mou iraira suru.

Napayuko ako sa huling sinabi niya. Galit na si Papa. Sino ba naman ang hindi mafufrustrate pag nasasaktan ang anak? "Gomenasai, tochan." 

Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay tinawag si Nila at inutusan itong kunin ang first aid kit. Pinaupo niya ako sa sofa namin. Mahinahon na ang mukha niya ngayon. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano. 

"Pasensiya ka na kung nagalit ako Nana-chan, alam mo namang ayokong nasasaktan ka."

Nakonsensiya tuloy ako. Nitong mga huling buwan, palagi nalang akong nasa peligro. Nakalimutan ko na yata si Papa. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako kahit noong bata pa ako. Saka masyado kasi akong iyakin kapag nagkakasugat. Nitong huli lang ako medyo nagiging matapang ng very layt.

Inililis ni papa ang manggas ng polo shirt niya at nagsimulang gamutin ang mga sugat ko. Lumabas tuloy ang mga tattoo niya sa braso. Oo, hindi kapani-paniwala pero maraming tattoo si Papa sa katawan. Pero infainess, ang gaganda ng mga designs. Iyong nasa mga braso niya, dalawang dragons na napapalibutan ng cherry blossoms. Simula pagkabata may tattoo na siya sa katawan at noong tinanong ko siya kung bakit siya may tattoo, tumawa lang siya at sinabing masyado siyang artistic noon. Kaya naman, hindi talaga ako naniniwala na masasamang tao iyong may mga tattoo kasi ang bait-bait kaya ng papa ko kahit weird minsan. Napangiti ako pero napalitan iyon ng ngiwi nang pahiran ni Papa ng gamot ang balat ko. 

"Sana wala ng kasunod ito Shana-chan!" paalala ni Papa pagkatapos. Tumango naman ako. 

"Saan mo ba nakukuha ang mga sugat mo? Sumasali ka ba sa mga awayan?" 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon