Chapter 47: Revenge

48 1 0
                                    

SHANA

Be careful.

I smirked when I read uncle Jirou's message. Inilagay ko ulit ang cellphone ko sa bulsa saka ibinalik ang paglalaro ko sa pendant ng kwentas ko. Hinubad ko ang pendant non—ang singsing na ginawa kong pendant bilang palatandaan ng misyon ko. Inihagis ko iyon sa ere saka sinasalo. It's funny, it's light but it feels so heavy at the same time.

"Don't you think it was kinda risky to show yourself to Jared Montemayor like that?"

Nilingon ko si Thorn na nakatayo sa likuran ko. Kagaya ng dati ay blanko lang ang mukha niya. I smiled coldly. "I was surprised to see him but it's part of the plan anyway. Why should I delay it?"

"I see. Just give us your next plan, boss."

Initsa ko ulit ang singsing sa ere at sinalo iyon. "The next plan is to end this game."

Yumuko siya. Iniwan ko siya sa loob ng hotel at lumabas. Kararating ko lang pero hindi ako mapakali. Ang weird sa pakiramdam na nakabalik na ako ulit ng Pilipinas lalo na sa Laguna. Hindi ko na namalayan kung saan ako nagpunta. Ang alam ko lang ay nagrenta ako ng sasakyan at nagdrive patungo sa isang lugar. A place that I left for years. Our house.

Malayo palang ay tanaw ko na ang pamilyar na gate ng bahay namin.

I parked the car few meters from our house. Binuksan ko ang bintana ng bahagya para mas masilip ko ng maigi. Ganoon pa rin ang hitsura non. Hindi ko alam kung sino na ang nakatira sa bahay namin ngayon. Pero mukhang naalagaan namang mabuti iyon. Ganon pa rin ang hitsura ng bahay namin pero mas nagsilakihan ang puno sa gilid at mayayabong na rin ang mga halaman sa may gate.

Parang kailan lang ay nakikita ko si Papa na nag-aantay sa akin sa may gate minsan kapag hindi siya busy sa flower shop.

"Gaga ka ba Nila? Syempre ayoko naman sa lalaki na iyon kasi mukhang poor."

"Ikaw Sunshine napakasama ng pag-uugali mo!"

Tila may pumitik sa puso ko nang marinig ang mga pamilyar na mga boses. Bahagya akong yumuko habang dumaan sila sa gilid ko kahit alam ko namang hindi nila ako mapapansin.

"Mas masama ang ugali mo gaga ka bakit hindi mo na kasi ibigay sa amin ni mommy ang flower shop? Kami naman ang kamag-anak ng mga may-ari non."

Hindi ko na marinig ang sinagot ni nila dahil pumasok na sila. The flower shop. Nagulat ako sa narinig. Bukas pa rin ba iyon?

Hinamig ko ang sarili ko. Sisilip lang ako ng saglit. Natagpuan ko ang sarili kong nagdadrive ulit papunta ng Hanami Blooms. Tila may sariling isip ang mga paa ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaharap sa shop. Tila may bumara sa lalamunan ko. It's still running. Who's behind it? Si Nila? Sina Sunshine at tita Dalisay?

Pinigilan ko ang sarili ko na pumasok. Saglit lang ako nakatanaw sa shop at umalis na din. I can't show myself right now. I need to work fast and end this mess.

'This is your life, Shana. Embrace this life forever.'

Iniwaksi ko ang anumang naalala kong sinabi ni Shin. Bago pa masira ang araw ko ay umalis na ako palayo. Paalis na ako nang biglang may magsalita sa gilid ko.

"Tama ako, dito kita makikita."

Lumingon ako para makita ang taong iyon. Si Jared Montemayor nasa tabi niya si Julia.

"S-Shana?" hindi makapaniwalang nakatingin si Julia sa akin.

Damn.

JARED

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon