Chapter 17: One Meter Distance

174 10 19
                                    

"ANO friend? Ipa-good job na natin iyang si Macey?" bulong sa akin ni Julia habang ako naman ay nakatingin lang kina Jared at Macey na magkahawak ang mga kamay. Para kaming tanga na nakatago sa may gilid ng halaman upang hindi kami makita ng dalawa. 

Nakangiti si Jared sa harapan ni Macey. May gusto ba siya kay Macey? Tila nagwawala ang lahat ng cells ko sa katawan sa naisip. Okay relax Shana. Alam ko naman na plastic iyang si Jared at kung sino-sino lang ang nginingitian para sabihing mabait siya. Tama. Hindi ako dapat basta-basta nagpapadala sa mga ganyan. Saka bakit nga ba ako masyadong affected. May gusto nga ako kay Jared pero hindi naman ibig sabihin non ay hindi siya pwedeng magkagusto sa iba. Tama. Tama. Ang galing ko talagang mag-isip. Sugoi Shana! Banzai to your coolness! Cool tayo. 

Isang batok ang pumukaw mula sa pag-iisip ko mula sa hinayupak kong kaibigan. "Ano ba Julia?!" asik ko sa kanya. 

Tinuro niya ang halaman sa gilid namin. Kalbo na ang kalahating bahagi niyon. Hindi ko na namamalayang tinatanggal ko na pala ang mga dahon!  Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa kaba. Lagot ako kay Mang Lito, ang school gardener slash janitor namin. Mahal na mahal niya pa naman ang mga halaman niya. 

"B-Bumili kaya ako ng glue at ibalik to lahat?" parang tangang suggestion ko.

"Gage! Sumibat na nga tayo kung ayaw mong makatay ni Mang Lito."

Mabilis akong tumango sa sinabi ni Julia. Para kaming ninja na tumalilis paalis sa lugar na iyon. Habol ko pa ang hininga ko pabalik ng classroom namin na biglang tumahimik pagdating namin ni Julia. Bumalik ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ng mga classmates ko. 

"Huwag mo ng pansinin ang mga iyan," tapik ni Julia sa balikat ko. Umupo na siya sa tabi ko. Tahimik lang ang lahat for the first time in history sa section namin. Para kaming nasalanta ng bagyo sa sobrang tahimik. 

Nagkatinginan naman kami ni Julia. O.A siyang umubo bigla tapos tumawa na parang loka-loka. 

"Grabe iyong napanood kong Korean movie friend! Alam mo ba na nakulong iyong lalaki kasi napagbintangan siyang pinatay niya iyong bata na sinundan niya lang naman dahil sa Sailormoon na bag," sinenyasan niya ako na mag-react. Kaya para tumango-tango rin ako na parang timang.

"O-Oo nga napanood ko rin iyon. Napaiyak nga ako sa ending kasi kawawa iyong anak niya na naiwan."

"Tama! Tapos mabuti nalang iyong teacher nagsabi ng totoo sa huli na na-pressure lang talaga siya kaya niya pinagbintangan ang lalaki at talagang ginusto naman niya talaga ang nangyayari sa kanila." 

Pinagdilatan ko si Julia sa sinabi niya. Ano ba naman ang babaeng ito. Mali-mali ang pinagsasabi. "Julia ibang movie na iyong huli. Si John Lloyd na ang bida doon."

Natigilan siya. "G-Ganoon ba? Pareho lang iyon. Iisa lang ang moral lesson ng movie. Dapat hindi tayo nanghuhusga ng tao lalo na at hindi naman natin alam kung ano talaga ang kwento nila."

"Tama!" sabat ng kaklase naming si Leonora Benedetta Marcianna o LBM for short. Nagulat kaming lahat sa pagsingit niya dahil kilala namin siyang hindi umiimik sa klase. "Saka ano naman kung gangster si Shana? A-Ang cool kaya ng mga gangsters sa Wattpad!"

Napangiwi ako. Mukhang nasobrahan yata itong si LBM sa pagbabasa. Papano naman nagiging cool ang pagiging gangster? Kahit kailan hindi naging masaya ang karahasan. Char! No to violence pa rin ako! Ang galing ko talaga!

Nagkanya-kanyang opinyon ang mga classmates ko bigla kaya naman umingay ulit ang classroom namin. Iyon ang naabutan ng teacher namin na agad kaming sinermonan. Nagparinig pa si Ma'am na dapat daw naming disiplinahin ang mga sarili namin at huwag sumasali sa mga walang kwentang grupo sabay tingin sa akin. Pero atleast hindi na ilag ang ibang kaklase ko sa akin pagkatapos. Magaan na ang kalooban ko buong maghapon. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon