Chapter 44: Test

26 2 1
                                    

"What the hell are you doing?"

Ngumisi si Pietro sa akin.

"Let's just say, I wanted to survive."

Iniwasiwas na niya ang patalim sa akin. Kinabahan ako. Nababasa ko sa mata niya ang panganib. Seryoso nga siya sa sinasabi niya. Napangiwi ako dahil humapdi ang sugat ko sa braso.

"Just let me kill you princess, so stop moving!" Kasabay non ay sumugod sa akin si Pietro.

I grabbed his hand and pushed him to the ground. Ang kaso bigla niyang nahila ang paa ko.

 
"Ugh," sambit ko nang tumama ang katawan ko sa lapag.

Bago pa ako makahuma ay sinugod na naman niya ako gamit ang patalim. Muntik na akong matamaan kung hindi pa ako mabilis na nakaiwas. Mabilis akong tumayo at sinipa ang kamay niya. Tila hindi niya inaasahan iyon dahil nabitiwan niya ang patalim at napatingin sa akin. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makabawi. I grabbed his neck using my arm and slammed myself on the ground with him. Napaubo siya. Kinuha ko ang kutsilyo sa tabi at itinutok ko sa leeg niya.

"One move and you're dead," banta ko. My heart is beating wildly. 

Clap. Clap.

"Good job Shana!"

Napalingon ako sa nagsalita. Anong ginagawa niya dito?

"Shin?"

Ngumisi siya. "I think you're ready now."

"Anong ibig sabihin nito?" Galit na sita ko sa kanya.

Tumawa naman siya.

"Chill, I just asked Tomo-sensei to test your skill."

Nasa tabi niya si Tomo-sensei at seryosong tumango sa akin.

"P-Please, please forgive me Shin-sama," mahinang sabi ni Pietro. Nakatutok pa rin ang kutsilyo sa kanya kaya lumayo ako sa kanya. Pinilit nitong tumayo. Ramdam ko ang takot niya kay Shin.  

Lumapit si Shin sa amin. Nakangiti. Bigla naman lumuhod si Pietro sa harapan ni Shin. Sinipa siya ni Shin habang nakapamulsa. Bumagsak si Pietro pero kahit nahihirapan ay tumayo pa rin ito.

"Poor thing. You should've thought it through before you betrayed the clan."

I blinked because I'm very confused. Who is this Pietro guy? 

"I-I will do my best. Just give me another chance!" Takot na takot na sabi ni Pietro. Naiintindihan ko siya kahit ako kay nakakaramdam ng takot sa aura ni Shin ngayon. Malayo iyon sa nakakasama ko araw-araw na laging nakangiti.

Sumenyas si Shin kay Tomo-sensei.  Binuksan naman ng butler namin ang isang box na may lamang baril. Kinuha ni Shin sa akin ang hawak kong kutsilyo at inabot sa akin ang baril matapos ikasa na ikinagulat ko. "If you want to get stronger you know what to do."

Napailing ako saka awkward na tumawa. "Shin akala ko ba practice lang to?"  

"Oh, yes.  Pero that man is actually a traitor in our clan. He caused a lot of deaths to our members.  We're punishing him for them." 

Nakagat ko ang mga labi ko sa nerbiyos. Seryoso ba siya? Saka kaya ko bang pumatay? "H-Hindi ba pwedeng bigyan nalang natin siya ng pagkakataon ulit?"

Tumango si Shin napansin niya siguro ang pag-aalalangan ko. "Sabi mo eh."

Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit si Shin kay Pietro saka may ibinulong. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Shin pero bakas sa mukha ni Pietro ang takot.

"Let's go, cousin. I am hungry," nakangiting balik sakin ni Shin. Bumalik na sa dating masayahin ang hitsura nito.  

Tumango ako.   Hawak ko pa rin ang baril kaya ibibigay ko sana iyon sa kanya.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon