Chapter 18: Confrontation

175 11 27
                                    


KAHIT denial ako na wala akong pakialam sa nakikita ko ay hindi ko mapigilan ang masaktan. Ayoko ng ganito. Napayuko nalang ako upang hindi sila makita. Relax lang girl. Jowa mo? Bat ka may kirot kirot na nalalaman? Gusto ko ng umalis doon pero hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Dalawang pares ng sapatos ang nakita kong lumapit sa akin. 

"May payong ka na nga binasa mo pa rin ang blazer ko."

Nag-angat ako ng tingin. Nakatitig sa akin ng matiim si Jared. Seryoso ang mukha niya pero mukhang hindi naman siya galit. Hindi ako sumagot. Bumuntong-hininga naman siya at yumuko upang kunin ang payo sa tabi ko. 

"J-Jared?" tawag ni Macey sa kanya mula sa likuran. 

Tila walang narinig si Jared na ibinigay ang payong sa akin. Inalis niya ang blazer sa akin at pinitik ang noo ko. "Sa susunod huwag mo ng babasain ang blazer ko."

Tumango ako.  

"Let's go." 

Hinila na niya ako papuntang Sherlock Building. Sinalubong naman kami ng mga estudyante at may towel pa talaga silang dala. Okay, para lang kay Jared. Hindi ako kasali. Asa naman ako. Mabilis namang kinuha iyon ni Jared at iginala ang tingin. Napatingin ako kay Mang Lito na nakayuko sa may gilid. 

"Bakit niyo ako ipinatawag?" pinaraanan niya ng kamay ang basang buhok. Napasinghap ang ibang estudyante lalo na ang mga kababaihan sa ginawa niya. Ang hot. Pati ako napalunok. Kita mo iyan Lord? Ganyan dapat sana ang hanap ko pero bakit naman bakulaw ang kasama ko lagi? 

"Jared, that man stole my bracelet!" akusa ni Macey na kakapasok pa lang. Para siyang basang sisiw. Nilapitan kaagad siya ng mga kaibigan niya at niyakap. 

Hala...oo nga pala! Nakalimutan namin siya kanina dahil hinila na ako kaagad ni Jared papasok ng building. Hindi ba niya naalala si Macey?

"M-Maniwala ho kayo! Hindi ko ninakaw ang bracelet! Nabangga lang kita kanina iha kasi masyado akong nagmamadali," bakas sa mukha ni Mang Lito ang takot. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Saka matagal ng nagtatrabaho sa St. Therese si Mang Lito. 

"M-Macey, totoong nagmamadali si Mang Lito kanina dahil magkikita sila ng anak niya," depensa ko kay Mang Lito. "Huwag muna natin siyang husgahan."

Bumakas ang pag-asa sa mukha ni Mang Lito nang mapatingin sa akin. Si Macey naman ay binigyan ako ng malamig na tingin saka ngumiti ng nang-uuyam. 

"Oo nga pala. Naranasan mo na rin pala ang mahusgahan Shana pero ang tanong hindi nga ba iyon totoo?"

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Nagbulungan naman ang ibang mga estudyante.

"Let me handle this," wika ni Jared sabay lagay ng towel sa balikat ko. "Mang Lito, ayos lang ba kung titingnan namin ang dala mong bag?" 

Tumango si Mang Lito at ibinigay ang bag kay Jared. Binuksan ni Jared ang laman ng bag ni Mang Lito at mabilis na binuksan. Isa-isa niya iyong inilabas sa harapan ng lahat. Wala namang kahina-hinala sa tuwalya, baunan at extra t-shirt. 

"Wala naman kay Mang Lito," wika ng isang estudyante sa likuran namin. "May mga judgmental lang yata na mga tao."

Sumang-ayon ang ibang estudyante at binigyan nila ng masamang tingin si Macey na ngayon ay mas lalong namutla ang mukha. 

"S-Siya lang ang nakabangga ko kanina kay imposible! Baka itinago niya lang sa kung saan."

Tumango si Jared. "She's right. Maaring wala kay Mang Lito ang bracelet pero hindi ibig sabihin inosente na siya. He might have kept the bracelet somewhere. I'm sorry Mang Lito pero mukha ka nga sigurong walang alam pero hindi kami nakakasigurado dahil lang sa hindi namin nakita ang bracelet ni Macey sa iyo."

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon