Chapter 39: Friendship

43 3 2
                                    

"J-JARED anong problema?" nag-aalalang tanong ko.

"That man," bakas ang galit sa mukha niya.

Hinabol ko ng tingin iyong lalaki kanina pero wala na ito. 

"A-Anong meron sa kaniya?" naguguluhang tanong ko.

"That bastard son of a bitch killed my parents!" yumakap siya sa akin ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig niya.

Ang lalaking iyon ang pumatay sa mga magulang ni Jared?! Napaawang ang mga labi ko sa sobrang gulat. Naalala ko pa ang hitsura ng lalaki. 

"Anong gagawin natin?" nalilitong tanong ko. "Tawag tayo ng police?" 

Ngunit hindi na ako sinagot ni Jared. Nanatili lamang siyang tahimik. Hinila ko siya palabas ng mall. Wala pa rin siyang imik at tahimik lang na nagpapahila sa akin. Bumuntong hininga ako. Mukhang na-shock nga siya ng sobra at bakas sa mukha niya ang pamumutla. Napuno ng awa ang dibdib ko. Bumuntong hininga ulit ako. 

"Jared, gusto mo tumawag tayo ng pulis?"

"Para saan pa?" mahinang sabi niya na halos bulong nalang. Parang nawala ang Jared na kilala ko at napunta sa kung saaang dimensyon. 

"Malay mo mahuli nila."

"We can't do anything about it. Nothing."

Kahit nasa tabi ko sya tila naglalakbay sa kung saan ang isipan ni Jared. Hindi pwede to. Hinawakan ko magkabilang pisngi niya. Huminga ako ng malalim. Lord, ikaw na po ang bahala sa gagawin ko.  

Pak. 

Isang malakas tampal sa mga pisngi niya ang ginawa ko. 

"What the fuuuu*ck!" inis na hiyaw niya. Nasapo niya ang mga pingi na pulang pula ngayon. 

"Ayan nagising ka na."

Tila nag-aapoy ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Handa na akong tumakbo. Feeling ko ihahagis niya ako anumang oras sa inis niya.  

"Why did you do that Saru? That hurts," sapo niya ang namumulang pisngi. "Ah, I know. You want to destroy my handsome face since you're too ugly. Tsk." 

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Walanghiya! Iyong boyfriend mong wakas makapanglait. 

"Grabe ka na makalait sa mukha ko ah. Ikaw nga pangit ang ugali," irap ko. "Cute ko kaya."

"I know."

Namula ang pisngi ko sa pag-amin niya.

"But, that was painful," reklamo niya habang hinihimas ang pisngi. 

"Gising ka na ba?" 

Pinitik niya ang noo ko ng mahina. "Stupid Saru." 

Nag-make face ako sa gilid. He chuckled. "Pinapatawad na kita." 

 "I don't need you forgiveness," ingos ko. Hah! Akala niya. English iyon para mas tagos. 

Tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Malamig parin ang kamay niya. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti parin siya. Nakahinga ako ng maluwag. He's really okay now. 

"Why are you staring?" sita niya. 

Umiwas ako ng tingin. Ang gwapo talaga ng mokong. Hindi ako magsasawang sabihin iyan. Period. Kain susi.

"Let's go. As much as I wanted to spend more time with you I can't. I have to call my uncle and inform him." 

Hinatid niya ako sa bahay namin. 

"Ayus ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkababa namin sa sasakyan niya. 

Pinitik niya ang noo ko. "What do you think?" 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon