Chapter 3: This is Hell!

354 23 7
                                    

"MASTER, gwapo, pogi, sir, president, cute, macho, at lahat lahat na! Pagbigyan mo naman ako. Please? Please?" Paki-usap ko sa Art Club president namin ngayon na si Seirge. Bakit namin? Kasi babalik na ako ng Art Club. Hindi pa nga lang ako pinapayagan. Waaah! Gusto ko na talagang bumalik sa Art Club.

"Ayoko!"

"Ang sama mo!" naghihinakit na komento ko. After lunch ay agad akong pumunta sa Art Club dahil alam kong tumatambay doon si Seirge. Walang pinagbago ang lugar, amoy pintura pa rin at magulo. May mga painting na hindi pa tapos sa mga canvasses, may pulang ladder sa gilid at long tables na may mga pinturang nakakalat at mga kahoy na hindi pa tapos i-carve. 

"Iniwan mo na ang Art Club noon hindi ba? Nag-quit ka kasi sabi mo you found your true calling in life!"

Letse talaga itong club president na ito. Kailangan talagang ipaalala at ipagdiinan ang sinabi ko noon? Pilit ko na ngang ibinabaon iyon sa limot. At oo, binabalik ko na ang dating Shana. Peste! Ayoko ng maging ideal girl ni Jared. Yuck!

A few years ago...

Inilapag ko ang school paper na binabasa ko at huminga ako ng malalim.

"Guys, I'm quitting Art Club!"

"AT BAKEEEET?!" eksaheradong tanong ni Seirge na Art Club Secretary namin.

"I realized that I love cooking pala. This is it na yata," nakangiting pahayag ko na kulang nalang ay palibutan ng mga paro-paro sa sobrang kasiyahan.

"PAPANO ANG MANGA COMPETITION NA SASALIHAN MO? SHANA, CHANCE MO NA IYON PARA MATUPAD ANG PANGARAP MO!"

"Saka nalang iyong pangarap ko."

Mas mahalaga sa akin si Jared. Type niya pala ang mga girls na nagluluto. Waah! This is it! Pero alam kong sayang din iyong manga contest na sasalihan ko dapat next week. Ako kasi ang pinili ng club president namin na lumaban. Magaling nga kasi ako! Mwahaha!

Ay! Ehem!

Gusto nga pala ni Jared ng humble. Well, ulitin nalang natin ang pagkakasabi ko.

Mas mahalaga sa akin si Jared. Type niya pala ang mga girls na nagluluto. Waah! This is it! Pero sayang din iyong manga contest na sasalihan ko dapat next week. Ako kasi ang pinili ng club president namin na lumaban. May natatago din naman kasi akong talento sa paguguhit kahit papano.

Pangarap ko talagang maging mangaka dahil palagi akong nagbabasa ng Japanese manga noon pa man. Iyong sasalihan ko dapat ay para sa mga aspiring manga artist na kagaya ko. Malaki kasi ang chance mong ma-discover sa competition na iyon at isa pa may mga guests din kasi silang famous manga artist from Japan. Chance ko na nga talaga dapat iyon pero mas pipiliin ko ang irog kong si Jared. Kaya naman, goodluck nalang sa magiging kapalit ko. Wish her luck. Ah eh? His ba dapat? Hindi ko naman kilala kung sino papalit sa akin. Baka si Seirge nalang. Manga din kasi ang forte niyan.

"You're out of your mind Shana! Opportunity knocks only once kaya huwag mong sayangin!" Si Ridge na kasama din namin sa club. Painting naman ang forte niya.

"NABABALIW NA TALAGA ANG BABAENG IYAN. HOY SHANA GUMISING KA NGA SA KAHIBANGAN MO! MAGHANDA KA NALANG SA COMPETITION!"

"SEIRGE KAILANGAN NAKASIGAW?" binabasag kasi ng gago ang eardrums ko. Peste! Tadyakan ko ito eh.

Oops!

I did it again. Bawal na pala ang ganoong klase ng pagsasalita. Kailangan maging mabait na ako. Papano nalang ako babagay kay Jared kung ganitong bayolente ako?

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon