Chapter 29: Tired

163 13 59
                                    

FIRST DAY ng suspension. Sinulyapan ko muna ang sarili ko mula sa salamin bago lumabas ng kwarto. Isang pink na dress ang suot ko ngayon dahil maganda kasi ang kulay. Bagay sa akin. Choz.

Naabutan kong kumakain ng breakfast si Papa kasama si Nila. Maganda ang araw na ito at wala akong balak na sirain kaya manigas si Jared sa date niya. Nagtext pa talaga siya sa akin kagabi na bibigyan niya raw ako ng chance. Itinext niya ang lugar at kung anong oras kami magkikita pero syempre hindi ko siya sisiputin.

"Bakit ang tagal mo?" reklamo ni Nila sa akin. "Akala namin nagka-ugat ka na sa kwarto mo."

Inirapan ko si Nila saka umupo. "Nagbibihis lang ako."

"Shana-chan, saan ka pupunta?"

"Pupunta po ako ng mall, bibili ako ng glue," kumuha ako ng tinapay at yogurt.

Kumunot ang noo ni Papa. "Glue?"

Natigilan ako. "Glue at iba pa. M-May project ako na kailangan kong tapusin. Sakto at suspended ako ng two weeks."

"Bakit bihis na bihis ka?" epal ulit ni Nila. Gusto ko na siyang pasakan ng tinapay sa bibig.

"Anong problema? Normal naman ang suot ko diba tochan?"

Pinagmasdan ako ni Papa. Kumunot ang noo niya. "Shana-chan, tumayo ka nga."

"P-Po?" Bantulot akong tumayo.

"Tumatangkad ka na."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko kung ano na.

"Ay jusko sir Ken, pansinin niyo ang kulot ng buhok niya, ang suot na dress at ang lip gloss! Nagsuot pa siya ng high heels. Halatang-halata kung saan pupunta si Shana," tinuturo pa ni Nila ang mga kapansin-pansin na bagay sa akin na ikinaputla ko.

"H-Hoy Nila, judgmental ka talaga."

"Hay naku, aminin mo na kasi. Susuportahan ka namin kung gusto mong mag-artista. Alam kong mag-o-audition ka sa PBB."

"Sa PBB?!" sabay naming ulit ni papa.

Tumango si Nila. Binalingan naman ako ni papa. "Anak, magulo ang showbiz. Huwag ka nalang tumuloy."

"Hindi ako mag-aartista!"

"Ay, hindi ba? Hindi naman pala sir Ken."

"So saan ka pupunta anak?"

"Bibili raw siya ng glue."

Nagtinginan sila ni Papa saka nagbulungan.

"Nahihiya yata talaga siyang aminin Nila-chan. Hayaan nalang muna natin ang anak ko. Sana hindi siya matanggap sa Bahay ni Kuya kasi ayokong lumayo sa atin ng matagal si Shana-chan."

Mga baliw. Naririnig ko rin naman ang bulungan nilang dalawa. Pagkatapos naming kumain ay pasulyap-sulyap silang dalawa sa akin. Ano ba kasing nakain nila at sa tingin nila mag-aartista ako? Oo alam kong maganda ako este erase hindi pala. Teka, mukhang nahahawa na yata ako kay Queen Eli.

"Ganbatte Shana-chan!" pahabol ni papa sa akin paglabas ko ng gate.

Tumango nalang ako saka naglakad palabas. Pagkalampas ko ng isang kanto ay lumingon-lingon muna ako bago kumaripas ng takbo. Baka kasi sinusundan ako nina Papa. Nahihirapan pa akong tumakbo dahil sa suot kong high heels. Ano ba kasing nakain ko at naisipan ko pang magsuot ng ganito? Bakit kasi ako pupunta ng mall ngayong araw? Kailangan ko pang sumakay ng bus papuntang GDC Mall. Iyon ang pinakamalapit na mall na pwede kong bilhan ng glue.

GDC entrance at 11:00 AM. Sa may malaking statue ng pusa. Don't be late. Last chance.

Umismid ako nang maalala ang text na iyon ni Jared. Oo nga pala, iyon din ang lugar kung saan kami dapat magkikita. Pero syempre hindi ako pupunta. Bibili lang ako ng glue. Pramis!

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon