Chapter 27: Revelation

187 13 46
                                    

LAHAT YATA ay nayanig sa sinabi ni Jared. Walang sinuman ang makapagsalita. Pigil ng lahat ang hininga nang maglakad si Jared papunta sa akin. Alam kong hindi sila makapaniwala lahat sa mga pangyayari. Ibang Jared Montemayor kasi ang nakikita nila ngayon. Ibang aura.

"P-President Jared? Nasisiraan ka na ba?" biglang sita sa kanya ng isang estudyante na humarang pa mismo sa dinadaanan niya. Hindi ito makapaniwala. 

"Move or I'll kick your ugly ass!" masungit na banta ni Jared sa lalaki na tila naging yelo sa sobrang gulat. Nilampasan siya ni Jared at tuluyan ng lumapit sa akin. Pagkalapit niya sa akin ay mahina niyang pinitik ang noo ko. "Stupid monkey."

Naiinis na hinawakan ko ang noo ko. 

"Nananaginip yata ako ng masama. Hindi ito totoo," hindi makapaniwalang sabi ng isa sa mga fan girl ni Jared.

"Help mahihimatay na yata ako!" sambit ng isa pa.

Hindi  ako makapaniwala sa ginawa ng Viper. Bakit sila nagpakita? Ano ang nakain nila, pati na rin itong si Jared? 

"G-Guys?" naguguluhang tanong ko nang lumapit na silang lahat sa gawi ko.

Ngumiti si Tristan. "Hindi ka namin kayang tiisin eh."

"Malapit na rin naman ang graduation Fujisawa."

"Tama si Dave kahit 'di naman siya kasali sa school na ito dapat. Hindi ba Harry?"

Tumango si Harry sa tanong ni Tristan.

Pero si Jared. Iyong reputasyon na inaalagaan niya. Sa isang iglap gusto niya bang mawala iyon ng ganoon nalang? Biglang ginulo ni Jared ang buhok ko nang mapansing naguguluhan pa rin ako.

"Tss, you're overthinking Saru. I just want to end this bullshit that's why I came here," iginala ni Jared ang tingin sa lahat. "Listen fuckers! I am proud to say that I am Dark Hawk. Iisa lang ang gang leader ng Viper at ang student council president."

"Hindi," tila hindi makapaniwalang komento ni Macey maging ang kaibigan niya ay natulala na rin. Hinagkis niya ng nagtatanong na tingin si Harry  na umiwas ng tingin sa kanya.

Si Winston naman ang nagsalita. "Fujisawa is not a member of Viper!"

"Since she's too weak to be one," singit ni Jared. Sige, samahan mo pa ng insulto bakulaw ka.

"However, we won't let her take all the blame. She's probably involved with us pero wala siyang kinalaman sa mga pangyayari na kumakalat sa forum," pagpapatuloy ni Winston.

"At bakit naman kami maniniwala sa inyo?" galit na sigaw nong captain yata ng soccer club. 

"Why not Andres? You even believed me when you asked for my help during the soccer competition right?" may pang-uuyam na balik ni Jared.

Hindi makasagot ang lalaki sa kanya. 

"A-Ano naman ngayon? Wala akong pakialam kung member kayo ng Viper! Kailangan niyong managot sa school," matapang na wika ni Macey nang makabawi siya sa kabila ng sita ng kaibigan niya sa gilid. Mukhang natakot ito sa kaalamang mga taga-Viper ang kaharap nila ngayon.

"Are you sure kami ang mananagot?" nakangising ganti ni Jared.

Dumaan ang takot sa mukha ni Macey pero tumapang ulit pagkatapos. "Wala na kayong magagawa! Nagsumbong na ako sa principal natin!"

At iyon nga, dumating ang isa pang student council member na hindi makatingin kay Jared. Ito ang inutusan ng principal na papuntahin silang lahat ng involve sa principal's office.

"Hoy piggy! Anong ginagawa mo? Hindi ka naman taga-St. Therese," sita ni Julia kay Dave.

Nagkibit-balikat si Dave saka kumindat kay Julia. "Miss Hen, it's nice seeing your pretty face here."

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon