Chapter 19: House Visit

137 12 19
                                    


"FRIEND, paki-explain nga itong sitwasyon natin ngayon," bulong ni Julia sa akin.

Inilibot ko ang tingin. "Hindi ko rin maintindihan Julia."

Hindi ko rin maintindihan ko ano ang nangyayari. Kanina, nasa loob lang kami ng convenience store, bakit sumama na silang lahat sa bahay namin? Nasa living room kaming lahat ngayon. Magkatabi kami ni Julia sa isang single sofa na nasa gitna. Magkaharap naman sina Jared at Yoon. Ukupado ni Yoon ang buong sofa sa kabila habang sina Jared, Dave at Tristan naman ay magkatabi sa isang long sofa. Naghihintay kami kay Papa na umuwi galing flower shop. Hindi naman kasi ako marunong gumawa ng takoyaki. Nahihirapan ako sa pagbuo ng bilog.

"Green tea mga pogi!" anunsiyo ni Nila mula sa kusina. Kilig na kilig siya kanina nang makita sina Jared. Hindi ito magkamayaw sa pag-eentertain kaya ang ending, kami ni Julia ang nagsisiksikan sa pang-isahang sofa. 

"Uhm...uminom muna kayo," offer ko sa kanila. "Nila, ikaw na muna ang mag-entertain sa mga bisita."

"Anong gagawin ko?"

"Kahit ano, magcartwheel ka sa harapan nila o kaya kumain ka ng apoy. Basta!" hinila ko na si Julia papasok sa kwarto ko. Sumilip muna ako kung may nakasunod ba sa amin bago ko i-lock. Si Julia ay nalilito ang mukhang naupo sa kama ko.

"Friend, wala na talaga akong maintindihan. Ang alam ko lang iyong weird na lalaki na new friend mo kuno ang leader ng Lotus. Saka ka-close pala ni Jared sina Winston at Tristan?"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Julia, may sasabihin ako sa iyong sekreto pero mangako kang hindi mo ito sasabihin sa ibang tao."

"Na ano? Member ka nga ng gang?" nanlaki ang mga mata niya saka binato ako ng Doraemon stuff toy. "Traydor! Totoo nga?!"

Binato ko iyon pabalik sa kanya. Sapol siya sa mukha. "Makinig ka nga muna!"

Umupo ako sa tabi niya. "Huwag kang mabibigla pero si Jared kasi..."

"Totoong bina-blackmail mo siya? Ang sama mo!"

Dinuldol ko sa mukha niya si Doraemon. Nagreklamo naman kaagad siya at tinampal ang kamay ko. 

"Huwag mo nga kasi ang binibitin. So anong problema kay Jared?" 

"Siya ang leader ng Viper Gang," mahinang sabi ko. 

"Ano?! Siya ang leader?!" gulat na bulalas niya. 

Tinakpan ko naman kaagad ang bibig niya. "Ano ba Julia, huwag mong lakasan. Patay tayo pareho kapag narinig niya."

Tila hindi makapaniwalang nakinig siya sa kwento ko. Puro singhap at iling lang ang naging reaction niya sa mga sinasabi ko.

"K-Kung ganon ikaw ang binablackmail niya dahil nalaman mong siya ang leader ng Viper gang? Ibig sabihin p-pati ako madadamay na rin?" kinakabahang wika niya pagkatapos. 

Nakonsensiya naman ako. Kasalanan ko ito. "Sorry Julia, dapat yata hindi ko na sinabi sa iyo."

Binatukan niya ako. "Ang tagal mong itinago ito sa akin. Nasa panganib ka na pala. Dapat sinabi mo kaagad sa akin na binubully ka na pala ng gang na iyon. Eh di sana napagtanggol na kita!"

Napangiti ako. "Bakit kaya mo ba?"

Umirap siya. "Syempre hindi pero atleast nadamayan kita."

Niyakap ko siya. Naiiyak ako. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito. 

"Aysus! Ang O.A ng babae na ito. Sino ba ako sa buhay mo? Ako lang naman ang bestfriend mo. Hindi na kasali iyong si Yoon."

Natawa ako. Maya-maya ay seryoso kaming nagtinginan nang maalalang may mga kasama pa pala kami sa labas. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon