Chapter 24: Threat

183 14 23
                                    

"Kachan, bakit ka nasa hospital?" 

Ngumiti si Mama sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Aba, gumagaling ka na sa Tagalog mo Shana-chan!"

Nakahiga siya sa hospital bed habang ako naman ay nakaupo sa gilid niya. Sabi ng doctor hindi raw dapat napapagod palagi si Mama kaya palagi siyang nasa bed.

"Julia-chan wa takusan no Tagalog-go o oshiete kuremashita."

"Yoku ganbattane! Hmm, dapat yata kausapin na kita palagi ng Tagalog. Bisitahin mo si Mama palagi sa hospital, okay?"

Tumango ako. Gagalingan ko ang pag-aaral ng Tagalog para makausap ko na si Julia ng mas mabuti saka iyong pinsan ko na si Sunshine. Hindi niya kasi ako maintindihan kaya inaaway niya ako. Si Julia lang ang palaging kumakausap sa akin. Ang kaso nitong huli, palagi nalang may sakit si Mama tapos palagi siyang nasa hospital kaya hindi ko masyadong nakakalaro si Julia kapag walang pasok sa school. 

"Kachan, kailan ka uuwi?" malungkot na tanong ko.

"Kapag gumaling na si Mama. Miss mo na ba ang mga luto ko?"

Tumango ako. "Bakit ka palaging sakit kachan?"

Tila natigilan si Mama pero ngumiti siya sa akin bago tumingin sa may bintana. Tumingin din ako sa tiningnan niya. Nani? Wala naman akong makita na kakaiba. 

"May ginagawa kasi tayong mga bagay para sa mga taong mahal natin."

Eh? Naguluhan ako sa sinabi ni Mama. Wala akong maintindihan sa sinabi niya. Napatingin ako sa bintana ulit. 

"Ang bilis ng panahon, ilang taon na pala ang lumipas," narinig kong mahinang sabi ni Mama. 

Nakatingin lang ako sa kanya tapos hinawakan ko ang maputla niyang mga kamay. Tumingin siya sa akin. 

"Kachan, uuwi ka ba sa birthday ko?"

Tumango siya. "Oo naman," tinapik ni mama ang tabi niya. "Kocchi oide" 

Umakyat ako sa may kama para tumabi at niyakap naman niya kaagad ako at hinalikan sa ulo. Yumakap din ako sa kanya.

Napadilat ako ng mga mata dahil sa panaginip ko na iyon. Malungkot akong nagpahid ng luha. Sa tuwing napapaginipan ko si Mama ay nagigising ako na umiiyak minsan lalo na kapag ang panaginip ko ay mga eksena niya sa hospital. Hindi na kasi tinupad ni Mama ang sinabi niya dahil isang buwan bago ang birthday ko ay iniwan na niya kami ni Papa ng tuluyan. 

Tiningnan ko ang wall clock sa kaliwang bahagi ng hospital bed. Alas-onse na pala ng gabi. Tumingin ako sa kay Jared na nakahiga, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pagbabantay pagkatapos ng hapunan na binili nina Tristan. Hindi pa nagigising si Jared simula noong mawalan siya ng malay kanina. Ang taas ng lagnat niya at hindi man lang niya ipinapahalata sa lahat habang binabantayan ako. Siya tuloy ang pumalit sa akin sa hospital bed. Mabuti nalang at naisipan ni Tristan na bumili ng mga pamalit namin dahil lahat kami basang-basa sa ulan kanina. Napatingin ako sa kanang kamao niya. May benda siya roon. Ayan, masyado kasing basagulero.

Tinawagan ko na si Papa kanina at sinabing bukas na ako ng umaga makakauwi. Sina Austin naman ay umalis na kanina pagkatapos nilang kumain ng dinner, samantalang ang ibang mga members ng Viper ay umuwi na rin maliban kina Winston at Harry na ngayon at nakaupo sa may sofa at natutulog. Ewan ko ba kay Winston, mas gustong makisiksik sa isang sofa kahit sila naman ang may-ari ng hospital na ito. Mamahalin ang room namin pero mayroon lang iyong isang malaking sofa at dalawang upuan sa magkabilang gilid ng hospital bed. Ang isa ay kung saan ako nakaupo ngayon. Nag-offer pa nga ang mga staff kanina ng hospital ng kama sa kanya pero tinanggihan niya. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon