Chapter 31: Camping

138 9 72
                                    

MANLILIGAW daw siya? Nalilitong napatingin ako kay Yoon.

"Seryoso ka ba Yoon?"

Tumango siya.

"Hindi pwede!" kontra ni Jared.

Tumango ako. Napansin kong napangiti si Jared ng nakakaloko kay Yoon sa ginawa ko kaya naman bumawi ako kaagad kay Yoon. Baka sumama ang loob niya.

"I-I mean, bakit mo ako liligawan Yoon? May manliligaw na kasi ako."

Diba dapat hindi ka na nagpapaligaw kapag may nanliligaw na sa iyo? Ayoko namang maging playgirl. Pero oh my gosh! Bigla ba akong nagtransform into dyosa at biglang nagkagusto ang dalawang to sa akin? Alam kong maraming nagkakagusto kay Yoon kasi gwapo naman talaga siya lalo na si Jared my love. I mean lalo na kay Jared. Anong nangyari? Hindi kaya nagayuma ko sila ng hindi sinasadya?

"I want to eat takoyaki again so I need to court you," simpleng sabi ni Yoon.

"Huh?" Wait nga lang. Mas lalo yata akong naguluhan. 

"Sabi ni tito Ken, ligawan daw kita para lutuan niya ako ng takoyaki mamaya."

"Surprise Shana-chan!" biglang bungad ni Papa mula sa likuran ni Yoon. Tinapik niya ang balikat ni Yoon. "Good job boy! Gagawan kita ng takoyaki."

Bayaran! Ngali-ngali kong sabihin sa kanya. Feeling ko biglang nangislap ang mga mata ni Yoon sa narinig. Pero nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman pala at hindi seryoso si Yoon. Si Papa talaga pahamak minsan. Sabagay, imposible namang magkagusto si Yoon sa akin. Ang gwapo kaya niya...teka...bakit nga ba nagkagusto si Jared sa akin? Hinagkis ko si Jared ng naghihinalang tingin.

"May binabalak ka bang masama sa akin?"

"What?!"

"May masama ka sigurong binabalak kaya ka nanliligaw sa akin!" akusa ko sa kanya.

Nagusot lang ang mukha niya sa sinabi ko. Halos hindi na maipinta.

"Bakit hindi iyang si Austin ang paghinalaan mo? I'll never be bribe with a takoyaki!"

"Jared-kun."

"Ugh, so annoying!" 

Nanlaki ang mga mata namin ni Papa sa sinabi niya. Mukhang nakalimutan na niya ang maging mabait sa harapan ni Papa. Kinabahan ako nang lumapit si papa sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Good job boy," nakangiting sabi ni Papa. "Ipagpatuloy mo iyan."

Hala. Anong meron? Mukhang naguluhan din si Jared. Mukhang good mood naman si Papa habang inaayos niya ang mga bulaklak sa gilid. 

"Oo nga pala, gusto niyo bang magcamping?" biglang tanong ni papa.

"May takoyaki ba sa camping?"

"Oo naman! Kaya maghanda ka na Yoon-kun dahil magcacamping tayo ngayong gabi!"

Okay lang ba si Papa? Dadalhin niya talaga sa camping ang dalawang ito? Ibang camping pa naman ang alam ng pamilya namin. Takot kasi ako sa gubat kaya sa rooftop kami nagcacamping ni Papa. Feeling ko kasi may mga halimaw na bigla nalang akong hihilain kapag nasa bundok kami. Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako. Kaya naman ang solusyon ni Papa ay ang magcamping sa rooftop ng bahay ng kaibigan niya. Pero nakakatamad kayang magcamping ngayon.

"Kayo nalang ang pumunta. Ayokong sumama!" tanggi ko. 

Hindi talaga ako sasama! 


"MARSHMALLOW nalang ang kulang sa mga bibilhin natin saka orange," walang ganang sabi ko habang tulak-tulak ni Yoon ang cart ng pinamili namin. Inutusan ako ni Papa na bumili ng mga kakailanganin para sa camping namin. Oo kasali pa rin ako. Wala naman akong choice. Mabuti pa si Nila as usual di na naman iyon napilit sumama. Mas bet pa nito ang manood ng drama sa TV kesa mag-camping.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon