Chapter 41: Graduation

44 4 1
                                    

"SHANA-CHAN, eat your food." 

Napatingin ako kay Papa na nakatayo sa may pintuan. Hindi ko na maalala kung papano kami nakauwi. Simula kahapon ay nagkulong na lamang ako sa kwarto ko. Nakahiga lamang ako sa kwarto ko. Hindi ko gustong alahanin ang nangyari kahapon. Ayaw kong lumabas dahil naalala ko si Yoon. 

"Anak, I don't think Yoon will be happy if he sees you like this," malumanay na sabi ni Papa. 

Nagtalukbong ako ng kumot dahil nararamdaman kong unti-unti na namang namamasa ang mga mata ko. Naramdaman ang pag-uga ng kutson at ang pagtapik ni papa sa balikat ko. 

 "It must been hard for you."

Hindi ako kumibo. Napabuntong-hininga siya. 

"Hindi ka ba bibisita sa burol ng kaibigan mo?" 

"Wala akong mukhang maiihaharap sa pamilya niya Tochan," mahinang sagot ko. 

Naalala ko ang hitsura ng pamilya nina Yoon kahapon matapos tawagan nina Larry. Napapikit ako. Parang naririnig ko pa ang galit ng ate ni Yoon habang sinisisi kaming lahat. Ang sirena ng mga pulis at ambulansya sa hospital. Nagpunta rin ang Tito ni Jared para makipag-usap sa presinto.

"Hindi naman maiiwasan na hindi sila magagalit Shana-chan. Noong tinawagan mo ako kahapon na nasa police station ka takot na takot ako. It's a normal reaction for someone you love," sabi ni papa habang tinatapik ang balikat ko.  "But we must face his family with pure hearts, it's our way of respecting Yoon-kun. Saka, siguradong malulungkot si Yoon kapag wala ang paborito niyang tao sa huling mga sandali niya."

Napasigok ako. Hinalikan ni papa ang ulo ko bago lumabas. Patuloy lang ako sa mahinang pagluha. Kung malakas lang sana ako hindi sana ako naging pagbigat. Kaya ko sanang maipagtanggol ang mga taong importante sa akin. Kung hindi lang sana ako duwag. Hindi na sana nawala pa si Yoon.

"He won't be happy seeing you like this Saru."

Nanigas ang likod ko sa narinig. Anong ginagawa niya sa kwarto ko?

"Eat and then we'll visit him."

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatalukbong.

"Tsk. Get up Saru."

Hindi ko alam anong gagawin. Nahihiya ako na naabutan niya ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi pa nga ako naliligo. Ay grabe, nagluluksa na nga ako nakuha ko pang ma-conscious sa hitsura ko. Umalis ka muna Jared, please. Iyon ang gusto kong sabihin. Sumilip ako ng bahagya mula sa ilalim ng kumot ko. Nakaupo siya sa sahig sa tabi ng kama ko. Bigla ay nagtama ang paningin namin. Hinila na niya ang kumot upang alisin iyon sa akin bago pa ako makapagprotesta. Hinawakan Niya ang kaliwang kamay ko. Isinubsob ko tuloy ang mukha ko sa unan dahil sa hiya. Huhuhu. Ba't ba siya nanggugulat?

"Last night I realized that I've been very childish and foolish. I was stupid to think I could do that revenge plan," humigpit ang hawak ni Jared sa kamay ko habang sinasabi iyon. Nag-angat ako ng tingin siya naman ang nag-iwas ng tingin. Nahabag ako sa hitsura niya hindi dahil sa mga pasa niya sa mukha na tinatakpan ng maraming benda. Kundi dahil sa mukha niya na puno ng kalungkutan.

"I thought I was strong enough. Pero sinampal ako ng realidad kahapon. Ni wala akong magawa sa taong iyon. Kinailangan ko pa ng tulong mo para mapatumba siya. Ikaw na dapat kong pinoprotektahan dapat," mapait na pagpapatuloy niya. "Kung mas malakas lang sana ako. Hindi na dapat n-namatay ang kaibigan ko. I killed him Saru."

Gone that haughty and proud Jared. Isang basag na tao ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. Bakas sa mga mata niya ang pagod at kawalan ng pag-asa. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinawid ang distansiya naming dalawa. Niyakap ko siya ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagnginig ng mga balikat niya at pagkabasa ng damit ko.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon