Chapter 21: Reminder

132 11 19
                                    

KALAGUYO ni Mang Lito iyong Princess? Hindi ako makapaniwala. Naalala ko ang reaksiyon ni Mang Lito sa tuwing binabanggit ko iyong Princess. 

"Kabit at n-nagnakaw siya?"

"Oo, may party kasing gagawin sina Queen Elizabeth kasama ang mga kaibigan niya sa December tapos ibinigay nila kay Queen Elizabeth ang pera pero ninakaw iyon ni Mang Lito at umalis na kasama ang kabit niya. Kalat na kalat na ang balita sa buong St. Therese."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Naalala ko ang mga ngiti ni Mang Lito sa mga bulaklak, sa ibang mga estudyante. Anong ibig sabihin non? Si Mang Lito na mukhang mabait ay isa palang magnanakaw?!

"Sumugod ang asawa ni Mang Lito kanina kasi hindi na raw umuwi kahapon pa. Nagwala talaga siya sa principal's office nang malaman niya." 

'You're very trusting to people.' 

Tila umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi na iyon ni Jared. Naalala ko ang pagtatanggol ko kay Mang Lito noong isang araw. Parang nauwi lang sa wala ang lahat dahil sa ginawa niyang pagnanakaw. 

"Akala ko mabait siya," nasabi ko nalang.

"Ano ka ba Shana, syempre nagpapanggap lang siya. Ang galing nga eh. Iyong maarteng si Queen Elizabeth pa talaga iyong nabiktima niya. Mayaman naman siya pero balita ko malaking pera raw." 

"I am so stupid," kastigo ko sa sarili ko.

Sinundot ni Julia ang gilid ko. "Tsar! Umi-english ka na diyan. Given na ang ka-shungaan mo pero hindi mo naman alam na ganoon pala si Mang Lito saka hindi ba inosente naman talaga siya noong isang araw."

Napailing ako sinabi ni Julia. Kahit na. Pakiramdam ko kasabwat ako ni Mang Lito sa ginawa niya dahil guilty na guilty ako. Nasaktan din ako dahil tama si Jared sa sinabi niya. Tila sinampal ako sa katotohanan na ang bilis kong magtiwala sa mga tao. 

"Ang mabuti pa pumasok na tayo."

Nagpatianod nalang ako kay Julia. Hila-hila niya ako papasok ng Sherlock building pero padaan na kami sa classroom 3A nang biglang may tumamang eraser sa balikat ko. Tinulungan ako ni Julia sa pagpagpag ng chalk sa uniform ko. 

Narinig naman namin ang pagtatawanan ng grupo ng mga kababaihan. Ang mga barkada ni Macey. 

"Hoy, ang eraser ginagamit sa blackboard hindi ginagawang bola," galit na sita ni Julia sa mga ito. 

Ngumisi lang ang nga ito. Tingin ko sa kanila tuloy parang mga bruha na nagkatawang tao. Sumisilip naman at napapatingin ang ibang estudyante. Uso talaga ang chismis sa school na ito.

"Sorry, ang sarap kasing burahin ng mga tatanga tangang mga tao. Ipagtanggol ba naman iyong masama palang tao. My God! Dapat nahuli na iyon noong isang araw kung hindi lang nag-feeling bida iyong isa diyan," mataray na pang-ookray sa akin ng kaibigan ni Macey na may kulot na buhok. 

"Oo nga! Siguradong nakakulong na iyong magnanakaw na iyon ngayon."

"Guys, huwag niyo na siyang sisihin. Siguradong nakakarelate kasi siya kay Mang Lito, hindi ba may narinig nga tayo tungkol sa kanya noong isang araw. Ganoon yata talaga kapag masamang damo, kinakampihan ng kapwa," dagdag ni Macey.

Nakuyom ko ang mga kamay. Gusto ko siyang sagutin pero wala akong maisip. Alam ko naman na hindi ko kasalanan iyong kay Mang Lito pero naisip ko rin ang sinabi ni Macey. Kung nahuli lang sana si Mang Lito ng araw na iyon, siguradong hindi na mangyayari ang nakawan. Baka kasalanan ko nga talaga. Naalala ko na naman ang sinabi ni Jared. Tama talaga siya. 

"Guilty nga yata talaga siya Macey, tingnan mo ni hindi siya makasagot."

"Baka nga magkasabwat sila!"

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon