Prologue

814 28 24
                                    

"JARED may problema kami sa drama club pwede bang ikaw nalang ang stage manager? May sakit kasi si Danna."

"Sure!"

He is very responsible.

"President pasensiya na kung absent ako kahapon sa council."

"Ayos lang. Basta next time huwag mo ng uulitin 'ah"

He is very understanding.

"Jared, thanks sa pagtulong mo sa assignment ko."

"Jared nakaperfect ako sa quiz kahapon! Salamat sa tips! "

"Jared salamat sa date kahapon."

"Kaligayahan ko ang tulungan kayo..."

Maasahan, gentleman at sobrang bait. Iyan ang Supreme Student Council President namin na si Jared Sy Montemayor. Ang lalaking pinagkakaguluhan sa sobrang perfect. Matalino, gwapo at mayaman.

Tahimik lang ako sa gilid niya habang siya ay tila artista na kumakaway sa mga estudyante.

"Gosh kasama na naman ni Jared ang babaeng iyan. Baka maimpluwensiyahan niya si Jared my love!"

Dinig kong bulong ng isang estudyante.

Ako ang pinag-uusapan nila. Kung perfect si Jared ako naman ay hindi sa paningin nila.

I am a bad infuence.

"Sabi ni Lea nakita niya ang babaeng iyan kasama ang Vipers kagabi!"

Duh! Noong nakaraan pa kaya iyon. Nasa bahay lang ako kagabi noh. Hindi ko na nga nakikita mga members ng Vipers.

"Balita ko siya raw ang leader ng Vipers."

"Nakakatakot!"

I am a gangster.

"Kaya nga daw siya nasa tabi ni Jared kasi bina-blackmail niya si Jared!"

"Bawal iyon!"

Someone who uses force to make other people's life miserable.

"Kawawa naman si Jared. Nasa panganib siya guys!"

I am a dangerous person according to them. Napabuntong hininga ako. Iisa lang ang gusto kong gawin...ang maglupasay sa sahig at umiyak. Waaaaaah! Sirang-sira na talaga ang image ko. Ako mapanganib? Huhuhu.

Someone grabs my arms. It's Jared with a very sweet smile.

"Shana tara na," there's a spark on his eyes while looking at me. Tanging ako lang ang nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin niyon. It is love. The love to make my life a living hell.

"Ayos ka lang ba?" nakangiting tanong ni Jared. Ang bait pa ng ngiti niya.

Grrr. Tadyakan ko kaya ang pagmumukha ng mapagpanggap na ito? Kasalanan niya ito! Oo, siya!

Siya ang MASAMA at hindi ako! Maniwala kayo. May sungay ang lalaking nasa tabi ko. Ako ang bina-blackmail niya! Pero....walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko iyon.

"Jared nasa likod mo lang kami!" pahabol pa ng isang estudyante.

Masama ang pagkakatingin sa akin. Hala.

"Maraming salamat!" nagflying kiss pa ang walanghiya.

Kung hindi ko lang sana pinairal ang damdamin ko sa kanya hindi sana ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Now I'm stuck with the guy wearing sheep's wool.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon