Chapter 28: Date

201 10 63
                                    

"WHAT THE FUDGE?!" narinig kong bulalas ni Larry. 

Hindi namin siya pinansin ni Jared dahil tila napako ang tingin namin sa isa't isa habang nagtitigan. Napansin ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya ako naman ay pinagpawisan. He licked his lips nervously. Did he...did he...DID HE REALLY KISS ME?! Waaah! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong tumakbo ng malayo sa kanya. Tama, kailangan ko na ngang tumakbo! 

Pero ang walanghiyang si Jared biglang kumaripas ng takbo palayo sa amin. Iyong takbo na parang nakakita ng kung anong multo. Hindi ako makapagsalita. Bakit siya ang tumakbo? 

"Ako dapat iyon eh!" reklamo ko habang tanaw ang pigura niya na papalayo na sa amin. 

"The watermelon is fine," biglang salita ni Yoon. Noon ko lang naalalang nandito pa pala silang dalawa ni Larry. Pinulot niya pala ang watermelon na nahulog ko. "We can still eat it together with my watermelon."

Parang wala lang kay Yoon ang nangyari. Napatingin naman ako kay Larry na tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Austin, kainin nalang natin iyan sa ibang lugar," anyaya niya kay Yoon.

"Let's go Shana," parang walang narinig na hinila na ako ni Yoon. "I am excited to share this with your father. Matutuwa ba siya sa watermelon?"

"Eh?"

Napakamot naman si Larry. "Sabi ko nga hindi na magbabago ang isipan niya."

Nagpahila lang ako kay Yoon. OMG. Kaladkarin na yata ako masyado. Pero mukhang desidido talaga siyang kainin ang mga watermelon. Pagdating namin sa harapan ng gate namin ay binitiwan ako ni Yoon pagkatapos ay parang bata na sumilip sa bakuran namin. Kipkip niya ang dalawang watermelon sa magkabilang kamay. Ang cute.

Nasa labas ang lahat at nagsisimula ng mag-barbecue. Wala sina Papa at Nila sa  kaya siguradong nasa loob ang mga iyon ng bahay. Binuksan ko na ang gate at pinapasok sina Yoon at Larry.

"Shana bes! Why so tagal naman?" salubong sa akin ni Queen Elizabeth natigilan siya nang makita sina Yoon. "Like who are these? Stalkers ko ba sila?"

"Hindi ka nga nila kilala," komento ko.

Bumakas ang gulat sa mukha niya at OA na hinawakan ang noo. "Ibig sabihin, like dadagdag sila sa mga stalkers ko soon?"

Malala na talaga ang baliw na ito. Kung ano-ano ang iniisip eh. 

"Hey! Anong baliw? Hindi ako baliw?!" sita ni Queen Elizabeth sa akin.

Hihihi. Nasabi ko na naman pala ng malakas ang iniisip ko. Di bale na nga lang. Iginiya ko na sina Yoon paupo. Nagkatinginan kami ni Jared na nakaupo sa katabi ng mga halaman na inaalagaan ni Papa. Maliit lang naman ang bakuran namin, may kaunting space para malagyan ng ihawan at mesa. Tapos iyong mga alaga na mga bulaklak at halaman ni Papa ang nakapalibot sa gilid. Karamihan sa mga iyon ay mga cosmos na siyang paborito ni Mama. 

  "Hay naku bes, you're so matagal kanina. Nauna pa si Jared my love. Like he's running ng so fast kaya ohohoho! I think, he was so excited to see me agad," kinikilig na pahayag ni Queen Elizabeth. "Right Jared love?"

"Shut up ugly!" angil ni Jared. 

 Nasapo naman ni Queen Elizabeth ang dibdib niya na tila gulat na gulat. Pero hindi na siya pinansin ng lahat dahil naka-focus ang paningin ng lahat sa dalawang kasama ko. 

"Invited din ba sila Fujisawa?" tanong ni Tristan.

"Hindi."

"Oo."

Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kasamahan namin dahil magkaiba ang naging sagot namin ni Jared. Iniwas ko ang tingin. Mabuti nalang at lumabas na si Papa. Kasunod niya si Nila na dala ang inihandang mga ingredients. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon