Chapter 8: Lonely Voice

185 17 4
                                    


Matatakutin talaga ako simula pagkabata kaya naman gusto ko ng mag-incredible hulk noong hilahin ako ni Jared papunta sa pinanggalingan ng mahiwagang boses.

"So you're the reason behind the ghost story. Ano bang ginagawa mo sa lugar na iyon? Alam mo bang may kumakalat na balitang may nagmumulto raw dito sa Callan hall dahil naririnig ka nila," relax na wika ni Jared. The usual plastic one na masarap ipakilo.

Napayuko ang multo este ang babaeng multo. Este hindi nga siya multo. Si Rika Sanchez. Sikat ang babaeng ito sa school dahil sa ganda ng boses niya. Oh well, maganda rin siya. Kamukha ni Sharon Cuneta nong kabataan nito. Member siya ng music club ng school namin. Sikat nga kasi talaga siya. Pero ano bang ginagagawa niya dito sa may gilid ng Callan hall? Medyo nasa tagong sulok ang pinagtatambayan niya tapos natatabingan pa ng mga halaman.

"Pasensiya na kayo, kailangan ko kasing mag-practice ng husto. Ito ang lugar na hindi masyadong matao. Ayoko rin namang magpractice sa loob ng club kasi nahihiya ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa sapat ang boses ko para mapapayag siyang bumalik sa music club at makipag-compete kasama ko." 

Ha? Sino? May hindi ba ako narinig? Nasaang part na ba kami ng confrontation?

"Balita ko ngang nagbackout si Andrew sa singing competition bukas. Ikaw nga pala ang kaduet niya. What's your plan?"

Ayun, kilala ko si Andrew. Sikat din kasi siya dahil bukod sa cute ay napakaganda pa ng boses niya. Lagi silang partner ni Rika sa mga singing contest ng school namin. Pero ano raw? Nag-backout iyong Andrew na iyon? Eh parang wala naman yata iyong inuurungan na singing contest. Lahat ng kantahan sinasalihan non pati sa doxology ng school programs namin siya lagi ang kumakanta. 

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maayos naman ang usapan namin pero bigla na lamang siyang umayaw. Wala akong mahanap na kapalit niya," malungkot na pahayag ni Rika.

"Rika, karangalan ng paaralan natin ang nakasalalay kaya naiintindihan ko kung bakit ka sobrang na-stress. Huwag kang mag-alala ako na kakausap sa kaniya," nakangiting wika ni Jared. "Pero kung ayaw na niya talaga gagawa nalang tayo ng paraan. In the end we need to respect each other's decision." Tss. Sige magpanggap ka lang. May nalalaman pa siyang respect. Wala naman siya non.

Tila nabuhayan naman ng loob ang babae sa sinabi niya. Isang estudyante na naman po ang naloko sa pagpapanggap niya.

"Salamat Jared! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."

"It's my obligation to help you as a student council member."

"Hindi lahat ng council members kasing bait mo."

Aabutin niya sana ang kamay ni Jared pero sa hindi malamang kadahilanan ay ako ang nakipagkamay ng kamay sa kanya. Kusang kumilos ang kamay ko upang pigilan siyang mahawakan si Jared. Napatanga naman kaming lahat. Lalo na ako.

"F-Fan mo ko, nice to meet you," wala sa sariling dahilan ko. 

Waaaaah! Timang ka talaga Shana! Timang! Nababaliw ka na ba? Hindi ba wala ka ng gusto sa lalaking iyan?

"O-Okay. Salamat?"

Hilaw akong bumitaw at tumabi ulit kay Jared. 

"Baliw na baliw ka talaga sa akin Saru," bulong ng hinayupak na may confident na ngisi sa akin na ikinakilabot ko ng lubos.

Eeew! To the highest kadiri level! Ako baliw sa kanya? Ayoko lang namang mahawakan niya si Rika kanina. Oo, iyon nga. Mabait si Rika at hindi siya pwedeng mahawaan ng mga taong may masamang budhi na kagaya ni Jared. Tama, iyon nga ang dahilan. Napakahenyo ko talaga! Mwahaha!

--------------

"SHANA GIRL nababaliw ka na ba? Kanina ka pa tumatawa!" komento ni Queen Elizabeth sa akin. Nakasuot siya ng uniform namin with matching feather hat at white gloves. Para siyang member ng banda. Kulang nalang ay xylophone o kaya baton.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon