Chapter 13: Fell

190 10 9
                                    

AN: Ang tagal ko ring hindi naka-update. This chapter is for my readers na sina kylaalberto026 at  @Miss_BabyDoll94     <3 Maraming salamat sa walang sawang pag-aantay ng update. Hihihi.

------------------

HINDI ko sana gustong pumasok sa school ngayon dahil masama ang pakiramdam ko pero mayroon kasi kaming quiz. Pinagsisihan ko nga ang pagpasok ko dahil isang galit na mukha ni Jared ang bumungad sa akin matapos niya akong ipatawag sa office niya. Bakit? Na-zero daw siya sa homework niya na ipinagawa niya sa sa akin. 

"Ginawa ko naman ang lahat para masagot iyon. Confident pa nga ako!" 

"If only your confidence could help your brain. I can't believe you're really that dumb," inis na wika niya.

"I can't believe you're that dumb," mahinang panggagaya ko sa sinabi niya. "Bakit hindi ikaw ang gumawa nong homework mo?" Tinaliman niya naman ako ng tingin. Habang tumatagal ay hindi na ako masyadong natatakot kay Jared. Nagkakaroon na nga ako ng lakas ng loob na sagutin siya minsan. Minsan lang dahil natatakot pa rin ako sa kanya. Baka hindi siya makapag-pigil at jombagin ako. 

"I had an important errand that night.  You're really talented at pissing me!" 

"Syempre!" 

Nagbabaga sa asar ang tingin niya sa akin kaya ngumiti na ako. Nasa boiling point na kasi siya. Meaning hindi ko na siya pwedeng asarin dahil baka ibitin na niya ako ng patiwarik. 

"May kailangan pa po ba kayo sa akin?"

Tinitigan niya lang ako pero hindi siya nagkomento. Ang weird talaga ng lalaki na ito. 

"Saru, why do you like me?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Noon! Noon lang iyon." 

Ngumisi siya ng nakakaloko. "So nagkagusto ka talaga sa akin?" 

"A-ano ka! Slight lang iyon. Mga o-one week! Oo one week lang saka marami kaya akong crush!"

"Hmmm..."

Pinagpawisan ako bigla sa sinabi niya. Saka bakit ba ako affected? Wala naman na talaga akong feelings sa kanya. Haller? Ang kapal ng mukha niya! 

"Ang babaw niyo talagang mga babae." 

Sumimangot ako. "Mababaw? Bakit? Sino ba iyong may nalalaman pang nickname nickname na Dark Hawk? Bakit hindi mo nalang gawin na Ultraman o kaya Blue Ranger? Pinapahirapan mo pa ang sarili mo."

Nawala ang ngisi niya. "Inaasar mo ba ako?"

"H-Hindi po," parang biik ang tinig na tanggi ko. Ayan Shana ang lakas din ng loob mo minsan. "Gusto ko lang naman sabihin na hindi masama ang magkagusto." 

Palibhasa pusong bato yata ang lalaking ito. 

"It's a waste of time."

"So wala kang crush?" bigla kong natanong. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko. 

He licked his lips and smirked. "Interested? Sorry, but I don't like anyone."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na titigan siya ng matiim. Wala daw crush? Ibig sabihin hindi siya nagka-girlfriend kahit kailan? 

"W-Why are you staring at me like a psycho?!" sita niya sa akin. 

Tila nabalisa siya sa ginawa ko at napansin kong umiwas siya ng tingin. Hala...mukha ba akong nakakatakot tumingin? OMG! Nakukuha ko na ba siya sa tingin?! Sinubukan ko ulit siyang pagmasdan. Napansin kong namumula ang tainga niya habang iniiwas ang tingin. Mwahaha! Ang henyo ko talaga! Alam ko na ang kahinaan ni Jared! Takot siya sa killer eyes ko. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon