Chapter 36: Decision

166 11 27
                                    

"ANO ba ang plano mo sa New Year?" tanong ko kay Jared na umiinom ng caramel frappe sa harapan ko. Nilalantakan ko naman ang strawberry cheesecake. Actually sa kanya ito pero naubos ko na kasi iyong sa akin kanina. Mwahaha! Tumatambay kami ngayon sa  isang coffee shop pagkatapos naming manood ng movie. This time comedy ang pinanood namin. Hihi. Two days after naming mag-celebrate ng pasko sa bahay namin ay gumagala na naman kami ni Jared. Date date lang kasi may love life. Tsar. 

"Ano ba ang gagawin natin sa New Year?" 

Napatigil ako sa pagkain saka napatingin sa kanya. "Seryoso ka? Papano ang uncle mo?" 

"Sa New York siya magbabagong taon dahil may business trip siya and I don't want to go with him."

"Bakit? Saan ka magbabagong taon?"tanong ko. Pinisil niya ang pisngi ko. 

"Tss. Huwag mo na akong asarin?" 

Ngumiti ako sa kanya saka nagpacute. Ngumiwi naman siya na parang nandidiri sa ginawa ko. Tinakpan niya pa ng nadampot na tissue ang mukha ko kaya nilukot ko iyon at ibinato sa kanya. Pero mabilis ko ring pinulot ang tissue sa sahig dahil napatingin sa akin ang ibang mga tao. Baka bigla akong mag-viral dahil nagtapon ako ng tissue. Tumawa naman si Jared ng pang-demonyito. 

"Kapag ako nakaganti sa iyo," naasar na banta ko sa kanya.

"Gaganti ka pa ulit?" 

Parang anghel na umiling ako sa kanya. Napailing nalang siya saka uminom ulit ng frappe. Uminom rin ako green tea frappe ko. Gumuhit sa mga labi ko ang ngiti ng maramdaman ang kamay niya na humawak sa kamay kong nakapatong sa mesa. 

"Napaka-PDA mo," nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Is it wrong?"

Natigilan ako.  Teka, masama ba ang magholding hands habang nasa isang cafe? Baka isipin ng mga tao na ang lalandi naming dalawa dahil naghoholding hands kami sa harapan nila. Pero gusto ko naman na magholding hands talaga kami ni Jared eh. Oo na! Ako na ang malandi. 

"H-Hindi naman siguro m-masama?" patanong na sagot ko.

Napatingin ako sa mga taong dumaan sa gilid namin. Hindi naman kami pinapansin eh. Sinulyapan ko ang mga kamay naming dalawa saka tiningnan siya. Alanganin akong ngumiti. 

"Naglalandian ba tayo?"

Kitang-kita ko ang biglang pamumula ng mukha niya sa sinabi ko. Binitawan niya ang kamay ko iniwas ang tingin sa akin. 

"There's nothing wrong with it since we're in a relationship right?"

"W-Wala naman akong sinabi." 

"What we're doing is just mild."

Hala. Anong mild ang pinagsasabi niya? Mild na landian? Majide?! 

"May ganoon ba? Ilang percent iyon?" pangungulit ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng matiim bago sumagot. "We're only doing 15%."

Tumango ako. Ganoon pala iyon. Alam ko para kaming tanga mag-usap ni Jared minsan. 

 "Jared, gusto mo bang maglaro sa may arcade?" biglang tanong ko sa kanya. May nakita kasi akong mga bata na may dalang stuff toy na premyo ata ng isang laro sa arcade. 

"What are we going to play?"

"Magaling ako doon sa basketball."

"Great, gusto ko rin iyon. We can compete."

Napapalakpak ako sa tuwa. "Really? Pwes! Humanda ka at tatalunin kita mamaya."

"Stop being cocky Shana," nakangiting sabi niya. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon