Chapter 40: SMILE

52 1 5
                                    

"KA-CHAN, bukas bibisita ulit kami."

Ngumiti si mama saka niyakap ako. "Happy birthday Shana-chan."

"Mama, hindi ko pa birthday."

"Masama bang batiin ka in advance?"

Umiling ako.

"Iei, pwede mo pong mag-happy birthday sa akin araw araw."

"Ano ang wish mo sa birthday mo?"

Nag-isip ako saka ngumiti. "Ikaw nalang po ang magwish sa akin."

Ginulo ni mama ang buhok ko saka tinitigan ako. "Wish ko na palagi kang ngumiti. Kahit anong mangyari gusto kong lumaki kang masayahin."

At kahit noong inibing si mama ay pinilit kong ngumiti kahit umiiyak ako. Lumaki akong sinusunod ang huling ni mama.

"SHANA! Wake up."

Nagmulat ako ng mga mata. Medyo malabo noong una at hindi ko maintindihan ang mga pangyayari pero kalaunan ay naging malinaw ang mukha ni Jared sa harap ko.

"Jared?"

"We need to get out here."

Biglang nag-flash back sa akin ang nangyari sa parking lot kanina. Ang paghampas ng kung sino kay Jared at ang pagdukot sa aming dalawa. Napabalikwas ako ng bangon. Nakahiga pala ako sa lapag. Ang dumi na ng suot kong uniform. Wala din kaming cellphone kaya hindi kami makakahingi ng tulong.

"Nasaan tayo?" mahinang tanong ko sa kanya. Pareho kaming nakatali sa kamay at paa habang nakaupo sa lapag.

"I don't know, but I think we're in an abandoned building somewhere. Listen, kakalagan kita. I'll give you the sign and escape immediately."

Nanlaki ang mga mata ko. "Papano ka?"

"I'll buy time for you to escape. Susunod ako kaagad."

Lumapit na siya sa akin at sinubukang kalagan ang tali sa mga kamay ko. Napalinga-linga naman ako sa takot. Sino ang mga dumukot sa amin? Sinubukan kong pumikit at huminga ng malalim. Kailangan kong mag-concentrate at gamitin ulit ang tinuro sa akin ni papa. Naka-focus lang lahat ng atensyon ko sa aking pandama. Bawat kaluskos. Ihip ng hangin.

Isa, dalawa, lima, anim. Hindi ako sigurado pero nasa anim na mga tao sa labas ng kinaroonan namin ni Jared. Hindi ko alam kung makakatakas ba kami ng maayos. Nakakainis. Kung mas malakas lang sana ako.

"They're not awake yet?"

Kinabahan ako. May paparating. Napatingin ako kay Jared.

"May paparating," mahinang babala ko.

Sinenyasan niya ako na itago ang kamay na wala ng tali pati na rin ang mga paa.

"Oh, finally. We can start playing with you," bungad ng isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino iyon. Ang lalaking pumatay sa mga magulang ni Jared! Ito iyong nakita namin ni Jared sa mall. Ramdam ko ang panginginig ni Jared sa aking tabi. Nag-squat siya para magkapantay sila ni Jared.

"I heard that you're looking for me young man," nakangising sinabunutan nito si Jared gamit ang isang kamay. Napasinghap ako.

"Y-You killed my parents."

"Oh yeah, I did." Humalakhak ito na parang demonyo. Nanginginig na rin ako sa takot. Alam kong malakas si Jared dahil saksi ako mismo kung papano siya makipaglaban pero ramdam ko na mas malakas ang lalaking nasa harapan namin. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at kahit alam kong may katandaan na sya ay pansin pa rin ang laki ng katawan niya. May kung anong panganib din akong nararamdaman na nagmumula sa kanya.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon