Chapter 11: Kiss

142 16 9
                                    

SHANA'S POV

HINDI KO talaga alam kung bakit napupunta ako sa mga ganitong sitwasyon. Pinapalibutan ako ngayon ng buong miyembro ng Viper habang nakaupo ako sa isang silya sa harapan ng desk ni Jared. Nakatayo siya sa harapan ko habang nasa tabi naman niya ang lahat ng miyembro. Si Tristan naman, iyong cute na member ay paikot-ikot sa akin. Napabuntong-hininga ako. Umagang-umaga sila ang bumungad sa akin. Wala pa naman ako masyadong tulog dahil tinatapos ko iyong painting ko kagabi. 

"So Saru, care to explain what happened yesterday?" seryosong tanong ni bakulaw slash halimaw slash impakto na si Jared. 

"Sabi ko naman kasi na iyong Larry na kakambal niyang si Harry ang nangharang bigla. Malay ko sa pinagsasabi niya."

"Alam na namin iyon. Pero papano niya ako nakilala?" 

"Kasi nga nakita ka niya sa Will High."

"Nakamaskara ako."

"Inalis mo kaya pagkatapos."

 Umiling si Jared. "Kasalanan mo ito saru."

Hala siya. Tinuro ko ang sarili ko. "Ako talaga? Sino kaya iyong tanga?"

Tinapunan nila ako lahat ng masamang tingin. Itinaas ko nalang sa ere ang mga kamay ko sa takot. "Kasalanan ko nga po mga kamahalan!"

May kakambal pala kasi si Harry na kanang-kamay ng leader ng Lotus.  Ano kaya ang pauso ng mga ito? Sibling rivalry? Sila na nga magkakamukha, sila pa nag-aaway?

"Ano gagawin natin Jared?" tanong ni Winston.

"Tsk. Hayaan na. Hintayin nalang natin ang susunod niyang hakbang," binalingan niya ang nakayukong si Harry. May nakalagay na benda sa kanang kamay niya dahil balita ko kay Julia naaksidente daw siya kahapon habang nagpapractice ng fencing. "It doesn't matter if he's your twin. I'll destroy him once he does something wrong on my turf." 

Wow. Grabeh. Walang patawad.

"I'm sorry for this Jared. I will talk to Larry."

"I will check the activity in Will High as well. Alam naman natin na miyembro ang kapatid ni Harry ng Lotus," wika naman ni  Dave, iyong playboy. 

"Just be careful Dave. Tandaan mong nasa teritoryo ka ng mga kalaban," paalala naman ni Winston.

"Ah!!!" bigla kong sigaw na ikinabigla nilang lahat. Itinuro ko si Dave. "Taga-Will High ka pala?!" 

Noon ko lang napansin ang suot niyang uniform. Lagi ba siyang naka-uniform noon? Hindi ko napansin. Kunot na kunot ang noo ni Jared sa akin at nasa mukha niya ang pagkairita. Mukhang kunting kibot ko pa jojombagin na niya ako. Parang sinasabi niya sa aking ang tanga-tanga ko at ngayon ko lang napansin. Jinu-judge ako ng halimaw.  

"H-Hindi ko alam." 

Hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na sila sa pag-memeeting. Ako naman ay out of place na out of place. Hindi naman ako member ng Viper pero bakit ba ako nakikinig sa kanila?

Itinaas ko ang isang kamay. "Aalis na ako!" 

Okay. Walang sumagot. "Aalis na talaga ako."

Tumayo na ako pero grabe wala talagang pumansin sa akin. "Haler? Aalis na ako! Lalabas na ako!"

Hala. Deadma lang talaga. Tumalon talon ako at kumakaway. "Aalis na ako ah! Walang magagalit kung aalis na ako. Bubuksan ko na ang pinto!"

"Just fuckin get out already!"galit na sigaw ni Jared kaya napatakbo na ako agad palabas. Grabe! Halimaw talaga kahit kailan.


JARED'S POV

"Alam na nila kung sino ka Jared. Are you doing it on purpose?" tanong sa akin ni Winston pagkaalis ni Saru. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon