Chapter 37: Deadma

122 8 5
                                    

"GOOD MORNING SHANA bes! Ang ganda ng araw na ito hindi ba? Like I am so maganda kasi it's the new start of the year. Ohohoho!" nilingon ko ang masiglang bungad sakin ni Queen Elizabeth  na parang reynang pumasok sa loob ng classroom namin. 

"Ang saya mo nga," walang ganang ganti ko. First day of school na ulit dahil tapos na ang Christmas vacation. Ang bilis ng panahon talaga. Parang kailan lang...

"So I heard that Jared made punta sa New York to celebrate the New Year there. Hey, you make alis nga sa chair kasi I need to talk to my bes!" 

"Hindi ka naman namin classmate---" reklamo ng classmate kong lalaki na nakaupo sa harapan. 

Pinandilatan siya ng tingin ni Queen Elizabeth. "Faster! And make this ikot so I can face Shana my bes!" 

Gigil na inikot ng lalaki ang upuan  saka padabog na umalis. Nag-flip naman ng buhok si Queen Eli bago pasosyal na umupo. Inipit niya ang buhok niya saka pa-sosyal na tumingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako ng malalim saka malungkot na pinagmasdan ang kalangitan. Naiiyak na naman ako kapag naalala ang huling gabi na nagkausap at nakita ko si Jared. 

"So what happened ba? Like you make kwento naman kasi like hindi nagshashare sa akin si Tristan like parang we're not close na. Duh! So nagLQ ba kayo or like nagbreak ba kayo? Oh my, is it because of me bes? Like, I super kalimot na my feelings kaya." 

Siya namang dating ni Julia na nakasimangot na pinagmasdan si Queen Eli. "Ano na naman ang ginagawa mo sa classroom namin lukaret?" 

"Ouch! Oh my gosh! You're so mean Julia girl. I am just consoling my best friend since like I'm so concern sa breakup nila ni Jared."

Break?  Wala na ba talaga? Ang bilis naman.  Naalala ko ang mga huling sinabi niya. Mas lalo akong binalot ng lungkot. 

"OMG! Why are you crying Shana bes?!" natatarantang tanong ni Queen Elizabeth.

"Ayos ka lang ba friend?"nag-aalalang tanong ni Julia. 

Wala sa sariling nasapo ko ang pisngi ko. Hala umiiyak nga ako.  Ni hindi ko man lang namalayan. Tumawa ako habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko.

"Ayus lang ako," sabi ko sa kanila at humalakhak pa sabay singhot. Ang babaw ko talaga kahit kailan. Pero kailan ba ako hindi naging iiyakin?

Tumango silang dalawa saka medyo lumayo. Inusog ni Queen Elizabeth ang upuan niya palayo saka umatras din si Julia. Eh? Bakit parang natakot yata sila sa akin bigla.

"I-It's time for my class na pala. Oh my! Muntik ko ng makalimutan. Ohohoho! Ciao!" mabilis nagpaalam si Queen Elizabeth.

"Anong problema non?" takang tanong ko kay Julia.

Lumunok siya saka napangiwi at inabutan ako ng tissue. "Para kang baliw. Ano ba kasing problema niyo ni Jared?" 

Hindi ako umimik. Hindi ko magawang i-share ang problema dahil parang masyadong personal iyon. Lalo na iyong nangyari sa mga magulang ni Jared. 

"Ang mabuti pa, maglakad-lakad muna tayo sa labas dahil may 30 minutes pa naman bago magsimula ang class natin," hindi na ako nakatanggi nang hilahin niya ako palabas. Daldal siya ng daldal about bagong fashion brand na lumabas. Tahimik lang akong nakikinig at nagbibigay ng komento minsan.

Napansin kong iniiwasan pa rin kami ng ibang estudyante habang padaan kami. Hindi na ako nagtataka dahil sa ginawang pag-amin ng Viper. Tumatak na iyon sa lahat. Iniiwasan din kaya sina Jared kagaya ko? 

"Alam mo ba may nag-invite sa akin na i-model iyong damit na gawa niya pero hindi ako confident kasi hindi naman ako marunong mag-pose sa camera. Saka--hala friend si Jared," siko sa akin ni Julia. Napahinto kami sa paglalakad. Papunta si Jared sa gawi namin. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon