Chapter 34: Goal

145 8 60
                                    

HINDI ako makatulog kasi sabi ni Papa babasahan niya ako ng story pero ang tagal niyang dumating. Nakasuot na nga ako ng pajamas dahil ready na ako matulog kaso wala pa siya. Napasimangot ako saka malungkot na sumilip sa may bintana ng kwarto ko. Baka nandoon na kasi si Papa. Pero mas lalo lang akong nalungkot dahil wala pa si Papa.

Kamamatay lang ni Mama tapos palaging busy si Papa kaya palaging ako lang mag-isa. Mabuti nalang palagi akong binibisita ni Julia. 

"Tochan, ima dokoni iruno?" malungkot kong hanap sa kanya. 

Maya-maya pa ay biglang narinig ko ang pagbukas ng gate. Mabilis akong tumayo para salubungin si  Papa pero pababa  na sana ako ng hagdanan nang maalala kong naiwan ko pala ang story book ko. Binalikan ko iyon sa kwarto ko saka masiglang lumabas ulit.

"Tochan!" masayang bungad ko sa ibaba pero wala si Papa. Nasaan siya? Baka nasa silid nila ni Mama? Ngumiti ako saka natutuwang pumasok ako sa kwarto niya. Nandoon nga si Papa. 

"Tochan?" 

Lumingon siya sa akin. May hawak siyang lubid. Anong gagawin ni Papa sa lubid? Maglalaro ba siya nong nilalaro namin ni Julia? 

"S-Shana-chan."

"Doushita no tochan?" takang tanong ko. 

Tapos bigla naman akong niyakap ni papa. Tapos parang nanginginig pa siya. "Gomenasai Shana-chan. Gomenasai." 

Niyakap ko lang siya pabalik para hindi na siya malungkot.

GANOON ang eksena ngayon habang nakatingin ako kay Papa sa may garden namin. Kanina pa siya tahimik na nakaupo simula pa kaninang umaga. Nagsimula iyon kagabi nong makita niya ang singsing. Noong tanungin ko siya ay hindi siya nagsalita at nagpaalam lang sa akin na biglang sumama ang pakiramdam.

Nag-aalala ako kay Papa dahil ito ang unang beses na naging ganyan siya pagkatapos mamatay ni mama.  Ngayon malaki na ako parang naiintindihan ko na ang balak ni Papa nang gabing iyon kahit hindi ko na nga masyadong maalala ang nangyari non. Ayoko na rin isipin. Kinikilabutan ako. Basta ang alam ko lang ganito rin siya kalungkot.

"Shana, anong problema ni sir Ken?" nag-aalalang tanong ni Nila sa akin. First time niyang makita si Papa na ganito. Pareho kaming nakasilip sa may pintuan ng front door namin. 

Iyong singsing ba ang dahilan? Hindi pwede ang ganito. Kailangan kong malaman ang rason. 

Hingang malalim. Sinulyapan ko muna si Papa bago ako naglakas ng loob na lapitan siya. 

"Tochan, may problema ka ba? Kagabi ka pa malungkot. Nag-aalala na kami ni Nila sa iyo."

Nag-angat siya ng tingin saka malungkot na ngumiti. "Pasensiya na kayo at pinag-alala ko kayo."

"M-May problema po ba kayo sa singsing na ibinigay ni Jared?"

Natigilan siya saka nagyuko ng ulo. May problema nga siya. Anong meron sa singsing?! 

"Noong makita ko ang singsing..."pagsisimula niya. 

"Bakit Tochan?"

"Naisip ko na," huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Ang tanda ko na pala! Hindi na ako kasing gwapo ni Takuya Kimura. Saka anak, bakit ka binigyan ni Jared-kun ng singsing? Baka gusto na niyang magpakasal kayo pagkatapos ng graduation. Iiwanan mo na si Papa."

Napangiwi ako sa sinabi niya. May luha pa ang mga mata niya na parang tuta. Akala ko pa naman kung ano. Ang OA ni Papa ha. Kung ano-ano ang iniisip. 

"Tochan, binigyan lang ako ng Christmas gift saka ang bata ko pa kaya para magpakasal. Marami pa akong gustong gawin sa buhay." 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon