Chapter 50: The Surprise

20 0 0
                                    

NAMANGHA ako. Ang laki na ng pinagbago ng mga hitsura nila.

"Gaga ka! Anong nangyari sa iyo?" naiiyak na sita sa akin ni Julia na agad akong niyakap. Hindi ko masyadong natitigan ang mukha niya noong isang araw pero ang laki na ng pinagbago niya. Bagay pala sa kanya ang brown na buhok. Hindi naman kasi kami pwede magkulay ng buhok nong high school. "Akala namin patay ka na! Anong nangyari sa iyo? Nagka-amnesia ka ba?"

Umiling ako at naluluha. Akala ko mapipigilan ko ang sarili kong hindi maging emosyonal. Hindi pala.

"Ilang taon ka naming hinanap Shana!" sabi naman ni Sunshine at niyakap din ako. Alam kong lagi akong inaaway ni Sunshine noon pero hindi ko akalaing nag-alala pala siya sa akin. She looks simpler now. Maganda pa rin naman pero nag-iba ito ng style.

"Fujisawa!" nakangiting inakbayan ako ni Tristan. Pati ang ibang members ng Viper ay naki-group hug. Napansin ko naman na nakasimangot lang si Jared sa gilid.

Kumalas ako sa lahat at binalingan ang isa pang tao na tahimik lang sa gilid.

"Nila," naiiyak na tawag ko sa kanya. Inirapan niya ako. "Na-miss kita."

Nakita ko ang pag-alpas ng hagulgol sa kanya saka mabilis na yumakap sa akin.

"Saan ka ba galing? Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni sir Ken. Bigla nalang kayong hindi bumalik. Ang lungkot lungkot ko! Iniwanan niyo akong dalawa!" I nodded and hugged her tightly. I am crying heavily. She's like a sister to me. "Walong taon ko kayong hinintay! Ang lungkot ko sa bahay. Alam niyo namang kayo nalang ang pamilya ko. Prinotektahan ko ang bahay at ang tindahan. Hindi ako naniniwalang wala na kayong dalawa."

"You did well, Nila. Thank you for waiting for me."

I was selfish because I never thought of Nila. I was just angry the past years at masyadong magulo ang sitwasyon ko. Hindi ko naisipang umuwi ng Pilipinas dahil ayoko rin siyang idamay siya sa sitwasyon ko. Pero ngayon ko lang naisip na hindi ko naisip na kami lang pala ni Papa ang pamilya niya. Napaiyak ako at mahigpit siyang niyakap ulit.

"I will never leave you again, Nila."

"Dapat lang. Gaga ka."

Tumango ako tumawa habang panay pa rin ang tulo ng luha ko. Pinahid niya ang luha ko at ngumiti.

"Napakaiyakin mo pa rin Shana. Huwag ka ng umiyak."

Her hazel eyes sparkled with tears and joy. Maiksi na ang buhok niya ngayon. She looks great, especially with her tan skin.

"Kakain na raw," nag-aalangang anunsiyo ni Andoy sa amin na maya-mayang sinusulyapan sina Tristan at Julia. Sumunod kami kay Andoy sa loob ng bahay. Sina Julia at Nila naman ay panay ang hawak sa akin.

"Julia, why don't you stay at your fiance's side," sabi ni Jared na medyo pinalalayo si Julia sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napansin ang kamay niya. Luh, oo nga!

"Sino ang fiance mo?" kuryosong tanong ko. Sino sa viper ang fiance niya?

Namumulang nag-iwas ng tingin si Julia iginala ko pangingin ang nahagip ko ng tingin si Dave na hindi makatingin. Hmm.

"Naiintindihan naman niya kung sa'yo ako Shana. Siya naman ang pinakamabait na lalaking kilala ko!" may diin pa na sabi ni Julia.

Dave gave a disapproved look. Winston laughed as usual habang nakasimangot si Jared dahil hindi mapaalis si Julia sa tabi ko. Tumabi nalang ito kay Winston. I smiled. It reminded me of our high school days.

"Fujisawa, mas lalo akong tumangkad hindi ba?" nakangising sabi ni Tristan. Oo nga, mas lalo siya tumangkad at medyo nawala na ang pagiging boyish looking niya. Cute pa rin naman pero may maturity na ang hitsura niya.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon