Chapter 12: Unrequited

177 15 13
                                    

"F-FIRST kiss ko iyon!" sambit ko kay Jared.

 
Napakunot-noo siya dahil sa sinabi ko. Tila takang-taka siya at isinubo ulit ang hawak niyang lollipop.

Ang hawak niyang lollipop.

Napakurap ako. Bakit may lollipop pa siya?  Napatingin ako sa hawak ko na lollipop. Saan to galing?!

"B-Bakit may lollipop ka pa?" parang tangang tanong ko.

Nagusot ang mukha niya na tila napakawalang kwenta na naman ng sinabi ko. "What's with that nonsense? Let's go!"

Sumunod na ako sa kanila na tuliro. Ibig sabihin bago pala iyong lollipop na ipinakain niya?

"He opened the lollipop for you," wika ni Winston sa tabi. Tila nababasa niya ang nasa isipan ko. "Sorry, it's not counted as indirect kiss."  

 "Wala naman akong sinabi!" defensive na sagot ko. Grabe napakajudgmental naman sakin ni Winston. Wala naman akong sinabi.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Medyo nag-sisink in na sa akin ang katotohanan na strike two na ako sa pagiging assuming ngayong araw na ito. Nakakahiya! Nakakahiya ka Shana Fujisawa! 

Naiinis parin ako sa sarili ko habang nasa sasakyan na kami. Seryoso naman si Winston habang nagdadrive at relax lang si Jared. Maya-maya pa ay huminto kami sa lugar na sinabi sa amin ni Harry. Naabutan namin siya na palinga-linga sa paligid. Tila hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Iginala ko ang paningin. Nakapaligid sa amin ang mga buildings na hindi pa natatapos. Mukhang inabandona na yata ang lugar na iyon.

"I couldn't find them," frustrated na sambit ni Harry. Tinampal niya ang noo niya. "I know it's just around here. Suddenly they're gone. Nakasunod lang ako sa kanila kanina."

"Damn!" mura ni Jared sa tabi ko. Nagpalinga-linga rin siya. 

Maaari akong makatulong sa kanila. Huminga ako ng malalim  saka pumikit. 

"Saru, this is not the right time to sleep." 

"Teka! Hinahanap ko sila," kontra ko.

"Tss. Ano bang kalokohan iyan?"

"Tahimik!" singhal ko. Sumunod naman sila kahit nagulat sila sa ginawa ko. Muli akong nagconcentrate. Simula pagkabata ay tinuturuan ako ng papa ko kung papano patalasin ang pakiramdam at makiramdam sa paligid. Kaya lagi kami nagmemeditate dalawa bilang pagsasanay. Sabi ni Papa maganda daw iyon para sa kalusugan at minsan hindi ko namamalayang nagagamit ko na pala para makiramdam sa mga tao minsan. 

Concentrate Shana. Pakiramdaman mo ang ihip ng hangin. Sa isang iglap tila nawala na ang ibang tunog. Bigla ay parang naghiwa-hiwalay ang mga tunog at tila nahahawi ko iyon isa-isa upang hanapin ang kailangan kong tunog. 

Tunog ng mga paa sa malapit na lugar. 

"Hmmp!" tunog iyon na naririnig ko sa isang direksiyon.

Napadilat ako. At itinuro ko ang isang bakanteng gusali na halos wala ng pader. "Diyan! Nandiyan sila!" 

"Wala akong nakikitang kakaiba diyan. Kanina ko pa tiningnan," hindi kombinsidong wika ni Harry.

Seryoso namang lumapit si Jared sa isang bahagi ng gusali at may kung anong kinapa. May kung ano-ano itong tinatapik pagkatapos ay may itinulak ata siyang kung ano sa pader. Biglang may kung anong bumukas pero wala naman kaming nakita. 

"Nandito," turo ni Jared sa ibabang bahagi. 

Ang galing! Pwede bang pumalakpak. Para kaming nasa isang mystery film. 

"Ang exciting naman nito!" komento ko. 

Jared smirked at me.

"Exciting huh? Bakit nanginginig ang mga paa mo."

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon