Chapter 9 : Fist Bump

182 18 8
                                    

Iyong kay Tori po ang boses ni Rika at kay Queen Elizabeth naman ang kay Miranda. Haha. Pasensiya Queen Elizabeth.

-----


"DAPAT ito ang kantahin natin kasi bagay ito sa boses ko!" pamimilit ni Queen Elizabeth. Bakas sa mukha ni Rika ang pagod habang sinimulan ng magpatugtog ng gitara. Kanina pa nito pinagbibigyan  si Queen Elizabeth na masayang-masaya. Pang-limang kanta na nila iyan. 

Nasa loob kami ng music room kung saan member si Rika. Pagkatapos naming magpunta sa bahay ni Andrew kanina ay bumalik kami ng school para magpractice. Si Jared naman ay bigla nalang nawala. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Iniwan na niya kami. Walang hiya siya!

  "Did you have to do this? I was thinking that you could be trusted. Did you have to ruin what was shiny? Now it's all rusted. Did you have to hit me, where I'm weak? Baby, I couldn't breathe. And rub it in so deep, salt in the wound like you're laughing right at me," simula ni Rika. 

Mahina naman akong napapalakpak.Ang ganda talaga ng boses niya. Saka kahit favorite singer ko si Taylor Swift parang mas nagagandahan ako sa version ni Rika sa kanta. Ang sexy ng boses niya.

"Ooooooh, it's so sad tooo think about the good times, youuuu and I!!!!" birit ni Queen Elizabeth na ikinangiwi ko. Iyan na nga ba ang problema. Masyado siyang confident pero nakakapatay ng pangarap sa buhay ang boses niya. 

  May papikit-pikit pang nalalaman si Queen Elizabeth habang kumakanta habang kaming lahat maliban sa mga bodyguards niya ay palihim na ngumingiwi. Nasa likuran naman niya ang mga bodyguard niya na kasalukuyan siyang pinapaypayan. Papano kaya sila nakapasok? Sabagay tapos na din naman ang klase kaya pwede na siguro sila pumasok ng school. Pero si Rika halatang hindi na kumportable. Mukhang maiiyak na nga ito. Bakas sa mukha nito ang kawalan ng pag-asa.

"Shana besh, ano sa tingin mo? Like nakakasabay pa ba si Rika girl sa akin? I mean, huwag ka ma-pressure sa good ng voice ko Rika girl. I'm just so blessed with talents kasi! Ohohohoho!" 

May tililing lang sa ulo ang magsasabing maganda ang boses niya at sa kaso ni Queen Elizabeth. Tested and proven na ang kabaliwan niya.

"Hindi ba pwedeng mag-solo nalang si Rika? Saka hindi mo ako besh Queen Elizabeth," lukot ang mukhang wika ko. 

Hello? Ang sagwa kaya ng boses niya! Nasaan na ba kasi ang hinayupak na si Jared? Sa ngayon ay kailangan namin siya dahil siya lang ang makakapigil kay Queen Elizabeth sa pagkanta. Kapag ang babaeng ito ang magiging ka-duet ni Rika siguradong talo na kami. Baka nga hindi na kami pasalihin sa susunod na taon. 

"Duet performance kasi ang category namin ni Andrew," malungkot na pahayag ni Rika. 

Nanlambot na rin ako. Siguradong mapapahiya ang St. Therese sa mangyayari. Baka sabihin pa nilang desperado na ang St. Therese dahil wala ng ibang mailaban. Na-ste-stress na tuloy ako. Kung ako nalang kaya? Pero hindi pwede, hindi rin naman kagandahan ang boses ko saka may stage fright ako. Baka maihi ako sa kaba. 

Napabuntong-hininga ako saka napatingin ako sa may bintana.

 Teka. 

May napansin akong pamilyar na bulto. Pasimple akong lumabas at tama nga ang hinala ko. Sumunod si Andrew sa amin! Nagtatago siya sa may halaman pero dahil matalas ang paningin ko. Aba ako yata si Shana! Hahaha! Dakilang samurai warrior ang pinagmulan ng lahi ko. 

Pasimple akong lumabas at pinuntahan si Andrew. Bakas sa mukha niya ang lungkot habang nakatingin kay Rika. May something! May pag-asa pa!

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon