Chapter 5: He's Not that Bad After All

286 19 2
                                    

"WOW! Abstract ba iyan? Wag ka ng magpainting Shana kasi wala ka ng future," kantiyaw sa akin ni Ridge. Ang sarap tapunan ng pallete ang mukha niya. Siya na nga lang itong nakikinood sa artwork ng iba.

Sinubukan kong mag-paint ng anghel kanina pero ang lumabas ay isang may pakpak na mukhang halimaw dahil namali ako ng halo kanina ng paint sa skin tone. Naging parang violet iyon. Sinubukan ko nalang ayusin pero mas lalong napasama iyong hitsura. Mukha ng itong bakulaw na may pakpak. Si Ridge naman ay tinatawanan ang painting ko. Natutuwa siya na may inaasar na siya ulit sa club.

At oo, nakabalik na nga ako sa Art Club. Courtesy of Jared. Galit parin ako sa bakulaw na iyon kaya huwag siyang umasang magpapasalamat ako sa kanya kahit siya ang dahilan kung bakit ako pinayagan ni Seirge na bumalik. Never!

"Shana may naghahanap sa iyo." si clubmate ko na isa.

"Sino?"

"Gwapo."

Nice answer. Ano naman ang pakialam ko kung gwapo? Sawa na ako doon lalo na kung masama ang ugali kagaya ni Jared.

"Bakit ba?" maangas ko na bungad sa naghahanap sa akin pero tumiklop agad ako nong makilala ko kung sino. Si Winston pala. Vipers member itong nasa harapan ko, baka bugbugin ako kapag nagtaray ako. Hays, buhay talaga ng mga mahihinang nilalang na kagaya ko. Lagi nalang nagpapakumbaba.

"Pinapupunta ka ni president."

Wala akong naririnig. Wala akong naririnig. Wala akong naririnig. Wala akong naririnig.

Pero syempre naglalakad na ako kaagad papunta sa office niya. Laki kaya ng takot ko sa lalaking iyon.

Kahit galit ako ay hanggang reklamo at okray lang ako sa kanya sa isipan ko. Alangan namang makipagbugbugan ako sa kanya. Eh di goodbye motherland na ako. I love my life pa kaya. Wala naman akong alam sa martial arts.

"So you're Japanese? Bakit napakaduwag mo naman yata?" nang-aasar na bungad sa akin ni bakulaw pagpasok ko palang ng office niya. "You're a samurai descendant, they're one of the bravest people. They're willing to die for their honor and here you are giving them shame."

Hindi mo sure. Baka magsasaka ang mga ninuno ko sa Japan kaya magaling akong magtanim ng sama ng loob. Lalo na sa kanya. Saka kapag Japanese matapang agad? Kung matapang ako eh di sana matagal ko na siyang binigyan ng upper cut. Nagngingitngit ang loob na tinitigan siya. Naka-upo siya sa may sofa ng office na parang hari. Sosyal talaga ang office dito gawa pa sa leather ang mga sofa. May built in bookcase sa likod ng inuupuang sofa ni Jared at isang maliit na round table. Iyong desk niyang gawa din sa kahoy ay nakapwesto malapit sa may bintana. May ibang desks din sa gilid na para siguro sa ibang student council officers.

"What's the Japanese term for slave by the way?"

"Dorei," walang gana kong sagot bago umupo sa arm chair katapat ng inuupuan niya. Minsan lang talaga akong makapasok sa loob ng student council kasi wala naman akong kakilala sa kanila kaya hindi ako tumatambay. Saka lang ako nakakapasok kapag nagpapapirma kami ng clearance or mga kung ano-anong school papers.

Ngumisi siya. "Bagay sa iyo."

Napasimangot ako. Neknek mong bakulaw ka.

"My dorei..." nakangising ulit niya. Bwesit! Palibhasa walang ibang estudyante ngayon sa office niya maliban sa aming dalawa.

Nakaka-inis. May kakilala ba kayong mangkukulam? Uubusin ko lahat ng kayamanan ko para ipambayad makulam ko lang ang lalaking ito pero kung papaslangin ko si Jared dapat pahihirapan ko muna siya ng todo. Pinahirapan niya kaya ako ng bongga kaya dapat lang iyon sa kanya. Babalatan ko siya ng buhay tapos lalagayan ko siya ng asin. Tapos puputulin ko isa-isa ang mga daliri niya tapos---

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon