Chapter 7: Ghost 2

176 20 3
                                    

"OTO-san, itetext nalang kita kapag pauwi na ako. B-Busy lang po talaga ako sa school ngayon dahil sa project namin," pagsisinungaling ko kay Papa kung bakit late ako makakauwi mamaya. Huhuhu. Pati sa Papa ko kailangan kong magsinungaling para lang maghanap ng multo.

"Oke, Nana-chan ganbatte! Matta ne!" 

"Hai, totemo arigato tochan!"

Waaaah! Ang aking kawawang ama na walang kamalay-malay. Ibinalik ko na sa bag ko ang cellphone ko at huminga ng malalim. Nasa harapan na kaming lahat ng Callan hall. Alas-syete na ng gabi at kami nalang ang natitira sa school. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong.

Kasalanan talaga 'to ni Jared!  Feeling ko napapariwara na ang buhay ko dahil sa kanya.

"What's wrong with your ugly face?" naasar na react ni Jared  nang mapansing nakasimangot ako sa kanya. "Stop looking at me or else I will punch your freaking horrible face!"

Nagpuppy-face ako bigla. Mahirap na baka nga upakan ako. Napakabayolente talaga. Hmp. Walang awa sa kagaya kong mahinang nilalang.

"Stop that disgusting look. What the hell is your problem?" Asar na asar niyang okray. Bakit ba ang init ng ulo nito?

Pinilit kong  i-blanko ang mukha ko. Lahat ata ng expression sa mukha ko may masasabi siya.

"W-Wala Jared este goshujin-sama."

"Jared, nauuhaw ka ba? O kaya gutom?" sabat na tanong ni Queen Elizabeth.

Nagpumilit siya na sumama dahil siya raw ang future wife ni Jared lalo na at sinabi kong hindi naman kami talaga magjowa. Mas lalo pa syang nainspire. Bahala na nga siya sa buhay niya. Ano bang nakita niya sa lalaking iyan? Sabagay, mukhang bagay naman yata sila dahil pareho silang baliw at sira-ulo.

"Hoy anong sira-ulo?"

Hehe. Nagpeace-sign ako kay Queen Elizabeth tapos niyakap ang sarili ko mula sa panlalamig. Hinagkis kasi ako ng pagkatalim-talim na tingin ni Jared.

"So saan tayo magsisimula?" tanong ni Winston.

Mabuti nalang kasama namon lahat ng members ng Viper. Pati nga iyong palikerong si Dave na kasama ni Winston sa pagligtas sa akin last time. Mas mabuti iyon. The more the merrier ika nga. Kapag naghahanap ng alay iyong multo hindi ako ang basta basta ang mabibiktima agad kasi marami siyang choices.


"Saru, mauna ka na sa paglalakad!" utos ni haring Jared.

"B-Bakit ako? Siya nalang," turo ko kay Harry. Siya iyong member ng fencing club. "Mukhang matapang naman siya!"

Ngumiti si Harry. "Takot ako sa multo."

Napasinghap ako. "Ang duwag mo naman!"

Hindi naman sing cute guy na member ng Viper.

"Duwag talaga iyan, di nga marunong ipaglaban ang pag-ibig niya," chismosong bulong sa akin ni Tristan. Napasinghap ulit ako ng may pagka-OA. Kawawa naman. Sabay naming pinagmasdan ng may pagkahabag si Harry.

"Shut up Tristan!" naiinis na sita ni Harry.

"Ikaw lang ang may pangit na pagmumukha dito saru kaya mauna ka para matakot ang multo," aroganteng wika ni Jared. Grabe makapanlait.

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon