Chapter 1: Iligtas si Irog!

552 25 24
                                    

SHANA

"SHANA pakisauli naman itong hiniram kong libro sa library."

"Ito ring akin!"

"Akin din!"

Haay... ang mga classmates ko talaga! Mga tamad! Pagbabatukan ko ang mga ito eh! Joke lang! Syempre hindi ko gagawin iyon kasi mabait ako.

Ako yata ang pinakamabait sa section namin. Pinaka-cool, pinakamaganda, pinakamatalino, at pinakasinungaling. Okay, niloloko ko na ang sarili ko. Pero ako talaga pinakamabait sa section namin. Kita naman sa dami ng gustong magpatulong sakin araw-araw. Sikat nga ako 'eh. Ang tawag nila sa akin ay Shana Fujisawa, ang senior high school student slave ng St. Therese Academy. Chos. Parang aping-api lang?

Daijobo desu. In Filipino, ayos lang ako.

Yes, marunong ako mag-nihonggo, haponesa kasi ako. Half lang naman. Kalahi ni Yamashita ang tatay ko eh. Hihihi. Sa Japan ako ipinanganak at lumipat lang kami sa Pilipinas noong mag-seven years old ako. Grabeng adjustment nga ang nangyari kasi hindi ako marunong mag-Tagalog noon. Sabay pa kami ni Papa natutong magtagalog. Si mama ang biktima ng mga mali-maling Tagalog namin.

"Shana salamat 'ah!" sabi ni classmate one. Hindi ko maalala ang pangalan niya dahil lagi naman siyang absent pero alam kong classmate ko siya kasi sa tuwing present siya ay lagi niya ako inuutusan.

"Ito na pala iyong ipapadala namin," singit naman ng isang classmate ko na panay pangungutang lang ang alam sa section namin.

Ano ba iyan? Anong akala ng mga ito sakin? Si Darna? Pambihira! Ang dami namang libro neto pero sabagay ayos lang naman sa akin. Nagpapakabait naman ako. I mean mabait naman talaga ako kaya hindi ako nagrereklamo.

"Ayos lang ba talaga Shana? Nahiya naman kami sa iyo."

Luh! Ay sus! Nahiya pa kayo? Sa totoo lang parang abuso na ang mga ito 'ah! Bakit palagi nalang nila akong inuutusan? Maid ba nila ako? Kung ganoon nasaan ang sweldo ko? Kung hindi ko lang sila mahal 'eh. Inabot ko na ang mga libro at muntik na akong lumubog sa lupa sa bigat. Di joke lang. Kaya ko naman kahit nakakangalay.

Pero sa totoo lang mabigat talaga. Huhuhu! Oo na! Ako na ang pusong mamon! Hay, hindi ko rin naman kasi matiis ang mga classmates ko. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong may sumama ang kalooban ng dahil sa akin.

Wala na akong magawa kundi bumuntong-hininga at lumabas ng classroom namin. Malayo pa naman ang library kasi malawak ang school namin. Ang St. Therese ang pinakamalaking private school ng Sta. Rosa, Laguna. Maraming mayayaman ang nag-aaral sa paaralan namin o kaya iyong mga nakaka-angat sa buhay. Hindi naman sobrang mahal ang tuition fee namin sa isang taon pero mahirap parin makapasok kasi may entrance exam. Marami kasing gustong makapasok sa St. Therese dahil maraming school clubs. Kaya dito ako pinag-aral ni Papa para daw parang nasa Japan lang ako. Masaya naman ako kasi nilalakad ko lang iyong school mula sa bahay namin saka ang ganda ng design ng school namin. Gothic architecture kasi ang design ng mga buildings kaya para akong nasa Harry Potter.

Nasa ganon akong pag-iisip nang bigla akong mabangga ng kung sino.

"Aray!"daing ko ng malakas. Tumama pa nga kasi ang ilong ko sa mga librong dala ko at dahil sa sobrang dami non ay nawalan pa akong ng balance at napaupo sa lapag. Napangiwi ako kasabay ng pagkalat ng ibang libro sa sahig at kirot ng pwet ko.

Medyo uminit ang ulo ko sa nangyari. Hindi pala medyo. Asar ako! Kita namang nahihirapan ang tao dahil sa dami ng dala tapos babanggain pa. Sino ba kasi itong hindi marunong tumingin sa dinadaanan at nabangga tulo--

Oh hindeeeeey! Bumilis ang tibok ng aking puso bigla nang makita ko ang taong iyon.

"Naku pasensiya ka na miss..."

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon