Chapter 32: One Thousand Origami Cranes

143 9 56
                                    

INHALE. EXHALE. Kinakabahan ako ng sobra habang nakatayo sa malaking gate ng St. Therese. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba. Pagkatapos naming mag-camping kuno sa rooftop ay bumawi ako ng tulog kinaumagahan. Ang kaso hindi na ako masyadong nakatulog kagabi dahil bukod sa hindi ako inantok ay kung ano-ano ang naiisip ko. Bakit napabilis yata ang pagbalik ko sa school? Ano kaya ang magiging reaction ng mga classmates at schoolmates ko? Gusto kong sumabay kay Julia pero nasa Manila siya ngayon kasama ang members ng club niya.

"Kaya mo to Shana! Papasok ka lang sa malaking gate na iyan at saka ilang araw ka lang namang nawala hindi ba?" kausap ko sa sarili ko.

"Ohohoho! What are you doing ba bes? Bakit hindi ka pa pumapasok? Like are you waiting for me?" 

Natuwa ako nang marinig ko ang nakakairitang tawa na iyon. Si Queen Eli na tila rumarampa habang papalabas sa kotse niya. Naglatag pa talaga ng red carpet ang mga bodyguards niya para sa kanya. Tapos nakasuot pa siya ng sunglasses at red hat. Madrama niya iyong inalis at ibinigay sa mga bodyguards niya. 

"Queen Eli! Sabay na tayo!" tuwang sabi ko.

"Ohohoho! I know, I know. Let's go."

"Fujisawa! Konnichiwa!" 

Napalingon ako kay Tristan na nakangiting kumakaway sa banda namin. Kasama niya si Winston. Napangiti ako at kumaway rin. Waaaah! Kasabay ko sila. May kasabay ako. 

"Ohayou gozaimasu Fujisawa! Pinag-aralan ko talaga ang Japanese greeting na iyan para mabati kita," energetic as usual na saad nito.

"That's too basic Tristan. Tuwang-tuwa ka naman Saru."

Nilingon ko ang nagsalita. Gwapo pa rin as usual sa suot niyang uniform. Inismiran ko siya. "Ohayo, Jared."

May iniabot siya sa aking isang tangkay ng pulang rosas at bar ng chocolate. "N-Napulot ko sa daan kaya ibibigay ko nalang sa iyo."

"Talaga?" takang tanong ko. "Dapat yata nating hanapin ang may-ari nito." 

Mahina niyang pinitik ang noo ko habang nagtatawanan sina Tristan at Winston. 

"You're such a slowpoke. I bought it for you," nakasimangot na sabi niya. "Akin na nga iyan."

Iniwas ko ang mga iyon sa kanya. "Wala ng bawian! Hindi mo naman kasi diniretso. Dapat kasi sinasabi mo kaagad sa akin kaagad."

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry. I'm being a jerk again. Damn it! Why is it so difficult to express that I like you?"

Napasinghap kaming lahat sa sinabi niya. Maging ang ibang estudyante na dumadaan ay napatigil dahil sa sinabi niya. Pulang-pula ang mukha ni Jared habang nakatingin sa akin. Isang singhap ulit ang narinig namin. Mula iyon kay Queen Eli na tila nasasaktan. Hala may gusto nga pala ito kay Jared

"N-Nililigawan mo si bes? Ahas ka Shana girl! How dare you make kalimot our friendship?" eksaheradang bira niya sa akin.

"Shut up ugly!" 

Natameme si Queen Elizabeth dahil kay Jared at napatago sa likuran ko. "I mean, I'm so happy for you bes. Bagay kayo."

Hindi ko talaga alam kung ano ang trip nitong si Queen Elizabeth minsan. Parang pinagtitripan niya lang talaga si Jared.

"Tara na," pagsabi niyon ay hinila na ako ni Jared papasok. Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante. Nagulat yata sila sa pagdating namin. Para kaming artista na pinagtitinginan habang papasok ng school. Deadma lang ang mga kasama ko maliban kay Queen Elizabeth na kaway ng kaway. 

"G-Good morning Jared," nag-aalangang bati ng isang babaeng estudyante sa kanya. Nasa likuran niya ang ibang pang mga estudyante. Mga fan girls ni Jared. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon