Chapter 30: Hanami Blossoms

139 11 68
                                    

NOONG magkagusto ako kay Jared. Hindi ko ninais na magkakaroon kami ng ganitong sitwasyon ni Papa. Iyong feeling na nahuli ka ng Papa mong nakikipaglandian. Ang awkwaaaaard! Sa sobrang gulat ni Papa nahulog niya iyong dala niyang box.

"T-Tochan," kinakabahang tawag ko sa kanya.

"A-Ano ang ibig sabihin nito Shana-chan? Boyfriend mo na ba itong si J-Jared-kun?"

Mabilis akong umiling at may kasama pang wasiwas ng mga kamay. Muntik ko na ngang matamaan ang mukha ni Jared.

"Hindi ko pa siya boyfriend tochan! Hindi pa!"

Kumunot ang noo ni Papa. "Hindi pa?"

Ay shunga! Ano bang pinagsasabi ko? Mali naman eh. Winasiwas ko ulit ang mga kamay ko pero bigla akong napatigil nang hawakan ni Jared ang kaliwang pulso ko.

"May gusto po ako sa kanya Tito Ken!"

Pareho kaming napatanga ni Papa sa kanya. Ang bilis naman yata ng pangyayari. Hindi pa nga ako nakakabwelo sa pag-amin niya. Ayoko ng ganito kabilis. Baka nga nabibigla lang siya kanina. Kailangan ko ng time para makapag-isip.

"G-Gusto mo ang anak ko?" ulit ni papa.

Tumango si Jared. Kitang-kita ko ang pagseryoso ng mukha ni papa nang makabawi.

"Hindi ako papayag."

"Huwag namang ganyan tochan!" angal ko kaagad. Pinandilatan niya ako ng mga mata kaya natameme ako.

Bakit naman kontrabida bigla si Papa. At bakit ang bilis magbago ng isipan ko? Ang landee ko talaga! Huhuhu!

"Akala ko po ba open kayo sa manliligaw?" tanong ni Jared.

"Nagbago na ang isipan ko."

Napapadyak ako. Tumikhim naman si Papa at sinenyasan ako na tumigil. Parang sinasabi niyang huwag akong masyadong atat dahil pinaglalaban niya kunyari ang pagiging dalaga ko. Kung ano-ano na naman siguro ang naiisip ng ama ko. Noong isang araw lang, pinagtutulakan niya akong magkaboyfriend tapos ngayon ayaw na niya bigla.

Ang labo talaga ni Papa.

"Sigurado na po ako tito. Please tell me what I need to do to get your approval?"

"Bitiwan mo muna ang kamay ng anak ko."

Binitawan ni Jared ang kamay ko. Gusto ko namang tumutol pero syempre baka batukan na ako ni Papa kaya nanahimik nalang ako.

"Alam mo kasi Jared-kun, marami kang dapat i-consider kapag niligawan mo si Shana-chan," seryosong sabi ni papa na hindi naman bagay sa kanya. "Isipin mo rin kung gusto ka nga ba ng anak ko."

"She likes me very much. I'm sure about it."

Pinameywangan ko siya saka hinarap. "Excuse me? Hindi kaya! P-Papano ka nakakasigurado? Hindi ako easy to get!"

Hindi ko matatanggap ang sinasabi niya! Hindi naman ako ganoon ka-obvious. Ang lakas ng loob ng lalaking ito na ibulgar iyon sa harapan ng papa ko. Oo nga at ako ang unang nag-confess pero hindi pa rin ako easy to get!

"Sigurado ka anak?"

"Tochan!"

"Sabi ko nga hindi easy to get ang anak ko. Kaya naman Jared-kun, kailangan mong paghirapan ang lahat para ligawan ang anak ko. We're very traditional and conservative. Diba anak?"

Tumango ako na parang aso bilang suporta. Napansin ko ang pag-angat ng labi ni Jared. Tila nagpipigil lang siya ng tawa. Inirapan ko siya.

"Sa ngayon, mag-uusap pa kami nga anak ko Jared-kun kaya pwede ka ng umuwi. Saka papalubog na rin ang araw."

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon