Chapter 20: Guilt

134 11 22
                                    

"STALKER ka ba? Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?" tanong ko sabay atras nang papalapit na siya sa akin.

Ngumisi si Larry. "Nasa labas lang ako."

"Kung ganon ano ang ginagawa mo rito sa labas ng bahay namin?"

"Gusto lang kitang makita. Crush yata kita."

Kumunot ang noo ko. "Si Macey ang gusto mo."

Nawala ang ngisi niya saka iniwas ang tingin sa akin. Bingo! Ang charot ng lalaking ito. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit hindi niya maamin ang nararamdaman niya kay Macey. Like haler? Si Macey na nga ang lumalapit, ako pa tuloy ang napag-iinitan nga babaeng iyon. 

"Hindi kami pwede," malungkot na wika niya. "She's not the one for me because I'd end up hurting my brother if I were to date her."

"Maiintindihan naman siguro iyon ni Harry. Kayong dalawa ang nagkakagustuhan kaya dapat maintindihan niya. Hindi na uso ang taguan ng feelings ngayon. Aminin mo na ang nararamdaman mo para hindi na ako bwesitin nong si Macey sa school," nakasimangot na wika ko.

Ngumiti siya saka akmang pipitikin ang noo ko pero bago pa niya iyon magawa ay tinakpan ko ang noo ko. "Hindi mo ako pwedeng pitikin sa noo! Masakit."

Nagkibit-balikat siya. "Kahit anong sabihin mo hindi na magbabago pa ang isipan ko. Hindi kami ni Macey ang para sa isa't-isa."

Ako ang naste-stress sa sinabi niya. Bakit ba nila pinapahirapan ang sarili nila? "Macey is your special someone."

"She's special but my brother is only one in my life. Hindi ko siya kayang saktan dahil lang sa isang babae."

Nanghihinayang ako sa sinabi niya. Pwede na sila ni Macey. "Mahirap maghanap ng ibang babae kagaya ni Macey."

Sa huli baka lumuha lang ng pako itong si Larry dahil sa pagsisisi. Who you na siya kay Macey in the future kapag nakahanap si Macey ng ibang mamahalin. Sumama ang timpla ko nang maisip ang posibilidad kung sino ang taong iyon. Hindi! Bakit ko ba naiisip ang bakulaw na si Jared. 

Ngumiti ng makahulugan si Larry at pinagmasdan ako. "I doubt it. I found someone really interesting now."

"Eh di wow!"

Natigilan ako nang lumapit siya sa akin. Ginagawa nito? "So, are you willing to date me Shana Fujisawa?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya dahil parang nasisiraan na ata siya ng ulo. Napaatras pa ako lalo nang lumapit siya sa akin at isinandal niya ako sa may pader ng bakuran namin.

"I think we can be a really good pair, wanna try it?" unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.

Mas lalong lumaki ang mga mata ko. Bago pa niya ako mahalikan ay yumuko ako saka hineadbutt ko ang panga niya. Parang upper cut head version 2.0. Napahiyaw siya sa sakit habang sapo ang nasaktang panga.

"K-Kapag ako hindi mo tinigilan, hahabulin kita ng samurai," matapang kong banta sa kanya.    Haler? Ako makikipagdate sa kanya? Pinapasakit niya ang bangs ko. Naks. Wala naman pala akong bangs halos dahil tumubo na iyon. Hindi bale, magpapabangs ako next week.

"I was just aw kidding. Damn it, it hurts you know!" 

"Bahala ka sa buhay mo. Good night!" kumapiras na ako papasok ng gate. Nagtaka pa si Papa kung bakit haggard akong pumasok ulit ng bahay. Sinilip ko si Larry mula sa bintana ng kwarto ko. Sapo niya pa rin ang panga habang paalis sa harapan ng bahay. Bumuntong-hininga ako saka nahiga sa kama. 

Ayaw na ayaw kong mapalapit sa mga gangsters dahil may trauma ang pamilya ko sa mga kaguluhan. Umalis kami ng Japan noon para umiwas sa isang grupo ng gang na nakaaway daw umano ni Papa. Para umiwas sa gulo ay nanatili nalang kami sa Pilipinas, saka namimiss na rin kasi ni Mama ang Pilipinas. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon