Chapter 4: The Queen of the Mean

320 17 1
                                    

JARED

What's taking her so long? That girl is really stupid. Sinabi ng ayokong pinaghihintay ako. 

"Fuck!"

I kicked the trash can beside me. I was ready to contact Shana when I remembered I didn't have her phone number. I am now pissed off! Makikita talaga ng babaeng iyon ang hinahanap niya. So stupid! I've been waiting here for almost an hour.

Kapag ako nainip iiwanan ko na siya. Damn you slave! You'll pay for making me wait.

Sakto naman na tumunog ang aking ringtone.

"Hello? This is Jared speaking." I said with a big smile.

Tsk.

"Dark Hawk?" boses babae.

Napangiti ako. May mga insekto talagang nakakalusot minsan. 

"Who's this? And who's Dark Hawk? Is he your pet?" I asked innocently. I'm not stupid to fall for this kind of trap.

"H'wag ka ng magdeny pa Jared. I know ikaw si Dark Hawk."

"Is Dark Hawk your friend?"

I can sense that she's already pissed with my answer. Mas lalo akong napangiti. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong ako si Dark Hawk, but I will not admit it. 

"I'll get straight to the point Dark Hawk ng Viper Gang. Nasa amin ang mahal mong girlfriend."

WTF. Fucking retards! I don't even have a girlfriend.

"Magkita tayo or else may mangyayaring masama sa kanya. Nandito kami sa bodega ng bote malapit sa pwesto mo. Hihintayi—"

Tinapos ko na ang cellphone ko. Tsss. Sinasayang lang ang oras ko. Makauwi na nga lang. Humanda sa akin ang Shanang iyon bukas. I dialed my driver's number and ordered him to pick me up. I want to drive my own car pero hindi pa ako pinapayagan. Fuckin lame.

"Saan tayo, young master?" 

"Home," tinatamad na sagot ko. Home, huh. Is that even a home?  

"Papano po iyang uniform ng kasama niyo kanina, young master?" 

I looked at the paper bag beside me. I smirked. "Throw it away."

---------------

SHANA

Gabi na. Hindi pa ako nakakauwi. Baka nga hindi na ako makauwi pa. Nakagapos parin ako kanina lang nalaman kong iyong dumukot sa akin na babaeng leader pala ng isang gang. 

"I can't believe this!" inis niyang pakli sa tabi ko.

Iyong huni ng mga kulisap natatabunan ng ingay ng babaeng ito. Kanina pa siya reklamo ng reklamo. Gusto niyang hamunin si Jared kaya niya ako pinadukot. Ang gandang babae tapos basagulera.

Saka ano naman ang kinalaman ko sa kanila? Pinabili lang naman ako 'ah. Bakit ba kay sadyang napakasaklap ng aking kapalaran? Ako'y isang aba at walang kamalay-malay na alipin lamang. Aanhin ko pa ang mabuhay sa mundong ito kung ang dinadanas ko naman ay puro kapighatian lamang. Mas mabuti pa sigurong wakasan ko na lamang ang aking buhay. Mas nanaisin ko pang huwag ng huminga pa.

JOKE!

Ayoko ko pang mamatay noh! Nagdrama lang naman ako ng kaunti.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sa totoo lang pinapasaya ko lang ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin at kanina pa ako takot na takot. 

Idagdag mo pa iyong hitsura ng mga kasamahan ng babaeng dumukot sa akin. Mga mukhang kumakain ng buhay. Kamukha ng mga goons na kaaway ni Jared kanina. Naka-all black silang lahat na tuxedo at slacks. May shades pa silang suot. 

The Guy Wearing the Sheep's WoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon