Chapter 1: Mapapasakin Ka Rin!

1.2K 23 14
                                    

Alam niyo ba, ang weird na ng panahon natin. Kung anu-ano ang nauuso! Merong maganda, merong weird, merong pangit, merong nakakasawa. Wala kasing magawa ‘yung mga tao kaya nag-iimbento ng maraming kaechosan sa buhay. Tulad ng pang-aalila. Sino ba naman kasi nagsabing dapat uso pa magpaalila ngayon? Tuloy, ganun ang nangyari sa ‘kin.

“Kalila! Dalian mo na! Ang bagal bagal mo, mahuhuli tayo sa game,” pagrereklamo ni Jessa habang tumatakbo kami papunta sa sports complex malapit sa school namin. May game kasi ang basketball team ng school, at nandun ‘yung boyfriend niya kaya kanina pa siya nagmamadali.

“Teka lang naman po, Jessa! Eh kung tulungan mo akong bitbitin ‘tong mga dala kong gamit?”

“Hay naku! Pagbibitbitin mo pa ako niyan, kapal please. Dalian mo nalang. I don’t want to miss the game! At pwede ba, ayus-ayusin mo ang pagsasalita mo sa akin? Kala mo kung sino ka.”

“Tss, fine. Whatever.” Ang arte niya, may pa-English English pang nalalaman!

Pagpasok na pagpasok namin sa complex, naku! Parang nakatakas sa mental itong kasama ko kung magwala, ni hindi pa nga kami nakakaupo sa bleachers, sobra na kung tumili. Sakto kasing nakashoot ‘yung jowa niya. Nakakabingi ah, in fairness lang.

Natapos ang game, panalo! Siyempre, magagaling players ng school. Ito namang si Jessa, mabilis pa kay Dash ng The Incredibles kung tumakbo papalapit sa basketball team na nasa gitna ng court ngayon. Halos mga kaibigan niya kasi ‘yung mga members nun. Sikat eh.

“Excuse me, Jessa. Pwede po bang mauna na ako? Kasi may mga homework pa akong gagawin.”

“Fine, iuwi mo na gamit ko. Pakisabi kay Mommy, malelate ako sa pag-uwi. Magcecelebrate kami ng friends ko eh. Okay?”

“Okay.” Nakakaasar siya, kung umasta kala mo hindi probinsyana. Masyado atang naapektuhan ng mga napapanood niya sa TV. Duh, Pampanga po ito! Probinsya! Pwe.

Lumakad na ako papalayo sa kanila, nakakastress lang eh. Malapit na akong makalabas nang bigla kong marinig ang malakas na sigaw ni Jessa, “Maven, congrats!”

Oh my gulay. Biglang lumaki tenga ko dun ah. Maven daw? Gosh. Nakalimutan kong kasali nga pala sa team si Maven. Crush ko ‘yun eh! Too bad, he’s Jessa’s best friend.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala ako sa paglakad at lumingon sa kanila. Nakita kong nakaakbay si Maven kay Jessa at masaya silang nagtatawanan. Okay lang naman ata sa boyfriend niya ‘yun eh. Grabe, ang gwapo ni Maven kahit pawisin. Sana ako nalang si Jessa, para kahit papaano ako ‘yung nakakaamoy nung mabango niyang pawis. Hehe. Joke lang po.

Napatingin bigla si Maven sa direksyon ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ka please!

Ay. Leshe. Snob. Bigla nawala ‘yung ngiti niya pagtingin niya sa akin. Ang sakit naman sa puso. Maglalaslas na ata ako eh. Haha. Kakainis sa kanya ‘yun, wala naman ako ginagawa pero ang sungit niya sa akin. Bakit? Dahil ba mahirap lang ako? Dahil alalay lang ako?

Makaalis na nga lang! Hmp. Bahala sila. Mapapasakin rin si Maven, maghintay lang siya. Bwahahahaha.

Pag-uwi ko sa bahay… Uh, bahay nina Jessa, correction. Ayun, pagkauwi ko, siyempre nagbihis muna ako at gumawa ng mga assignments. Hindi kasi pwedeng bumaba ang grades ko sa 85, kung hindi, matatanggal ako sa Special Science Class. Mahirap na, baka hindi na ako pag-aralin ni Tita Milla.

Hindi ko naman na siguro kailangan pang magpakilala... pero dahil proud ako sa pangalan ko, papakilala na. Haha. Rana Kalila Mallari po! Kalila ang tawag sa akin ng lahat. Si Nanay ay katulong dito sa bahay ng mga Young, at dahil anak niya ako, matic na katulong na rin. Pagkagraduate ko ng grade six bilang valedictorian, dito na rin ako tumira kasama siya. Only child kasi ako, tapos wala na rin akong tatay dahil namatay sa sakit.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon