Chapter 21: Sorry Na

343 14 8
                                    

Maven, nasa gate na po ako. Wait kita. ^-^ (Sent 2:20 PM)

Maven, nandito na po ako. Nasaan ka? (Sent 2:39 PM)

Uy, Maven? :( Kanina pa po ako nandito. Reply ka naman po. (Sent 3:01 PM)

Maven. Mauuna nalang po ako ha? Ingat nalang po. (Sent 3:12 PM)

Tatlong bagay lang ang nararamdaman ko sa ngayon: Inis, sakit, lungkot. Bakit hindi, e halos isang oras akong pinaghintay ni Maven. Alam kong hindi ako dapat mainis dahil wala naman akong karapatan pero wala, nakakainis talaga eh. Hindi naman sa nag-expect ako na may mangyaring maganda pero kasi eh… Tinext niya pa ako ng ganun kung wala rin lang siyang balak na sabayan ako. Huhu.

Dahil wala naman akong Maven na makakasabay ngayon, tumawid na ako para mag-abang ng jeep pauwi. Sakto, may jeep na pa-Angeles. Kakaunti lang ang pasahero kaya sumakay na ako, ayoko kasing sumasakay sa puno na. ‘Yung tipong sasabihin ng barker may tatlo pang spaces pero kita mong halos hindi na makagalaw mga pwet ng pasahero. Minsan hindi ko rin maintindihan bakit ganun sila eh. Oh well.

“Kalila!” rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses nang pasakay na ako ng jeep. Alam ko kung kanino ‘yun. Kanya ‘yun. Siguradong-sigurado akong si Maven ‘yun.

Hindi ako lumingon, sa halip ay tumuloy lang ako sa pagsakay. Umupo ako malapit sa pinakadulo sa likod ng driver, kahit na lilima lang kaming pasahero sa napakahabang jeep na ito, para rin naman hindi niya ako makita. Kapag tinanong niya bakit hindi ko siya tinignan, sasabihin ko nalang na hindi ko narinig. Oo, tama.

Manong, alis na tayo dali! Bago pa ako abutan ni Maven.

Fail. Hindi gumana ‘yung mental telepathy ko, hindi nakuha ni manong driver ang mensahe. Sana naman hindi sumakay si Maven dito. Ayokooo. Ayoko. Ayoko talaga.

Maya-maya pa ay may tumabi sa akin. Hindi ko alam kung sino dahil nakaside ako at sa bintana ang tingin ko, pero malakas pakiramdam ko na si Maven ‘yun. Ayoko talaga. Naiinis ako. Huwag kang titingin, Kalila. Huwag kang titingin.

Nakaramdam ako ng mahinang pagsiko sa may tagiliran ko. “Uy.”

Gosh. Si Maven nga. Huwag kang titingin, Kalila. HUWAG! Galit ka dapat sa kanya kasi pinaghintay ka niya ng halos isang oras. Huwag mo siyang papansinin.

“Nagbayad ka na ba?” tanong niya sa akin. Wala kang narinig, Kalila. Okay? Wala kang narinig.

Iilang paniniko at pangangalabit pa ang naramdaman ko pero hindi ko pa rin siya pinansin. Baaaa, hindi pa naman siya nagsosorry tapos kakausapin niya ako ng ganyan. Bahala siya. Siya naman ang hindi ko papansinin ngayon para at least alam niya ‘yung feeling na naii-snob.

“Oy. Di ka sumasagot?” pang-walong tanong niya. Hindi ko pa rin hinarap, nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kanya. Ano ba naman kasi itong si manong, kanina pa kami dito sa harapan ng school e hindi pa rin siya umaalis. Medyo masikip na nga sa kabilang side oh. Naku naman, kaya ako sumakay dito para hindi masikip tapos magpupuno rin pala siya. Haaay.

May bagong sakay na lalaki at wala siyang maupuan kaya naman umusog na ako papunta sa pinakadulo. Agad naman niyang napansin ‘yun kaya nasa pagitan na namin siya ngayon ni Maven. Good move, Kalila. Hehe. At least hindi ako makukulit ni Maven. Bahala siya, kung mainis siya, quits lang.

Pagdating namin sa may intersection, biglang nagpara ‘yung katabi ko. Tsk! Hindi pa rin ako lumilingon sa direksyon ni Maven. Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Ang kulit.

“Uy nagbayad ka na?” Ay oo nga. Hindi pa pala.

Dumukot ako ng bente mula sa bulsa ko saka ito iniabot kay manong, “Bayad—”

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon