It's Friday! Friday! Gotta get down on Friday! Ang bilis ng araw. Wala rin naman masyadong nangyari nitong linggo. Madalang ko lang nakita si Maven. Huli na 'yung nagpunta siya sa bahay noong Monday. Tinetext ko, hindi naman nagrereply. Ang tumal talaga. Kahit nga si V ay hindi nagtetext. Buti nalang nandiyan si Oliver para pasayahin ako.
Speaking of Oliver, magkasama nga pala kaming bumibili ng pagkain sa canteen ngayon. Common break kasi. Si Aiel, magmula noong nililigawan siya ni Kuya Jed, lagi nalang sila ang magkasama. Sabi niya, maiintindihan ko naman daw. Hmp. Nakakatampo kaya!
"Ayos ka lang? Para kang batang inagawan ng candy," pang-aasar ni Oliver. Napansin niya sigurong tahimik ako.
"Opo, Oliver. May iniisip lang," sabi ko sabay ngiti.
"Ano? Sino? Si Maven?" tanong niya. Namula ako pagkatapos.
"Ay, hindi po ah. Haha. Nakakatampo lang po kasi si Aiel eh. Lagi nalang si Kuya Jed ang kasama niya. Ako laging naeechapwera. Loner tuloy ang peg. Wala akong kasama," ngumuso ako.
"Dito naman ako. Sasamahin kita lagi, sige," sabi niya sabay subo nung tinapay na binili namin. Kilig na naman ang bida niyo kaya nginitian ko nalang siya.
Matapos ang 20 minutes, pumasok na kami sa kanya-kanya naming classrooms. Si Aiel, ayun, happy happy na naman. Bahala siya, nagtatampo ako. Binabawi ko na 'yung sinabi ko nung minsan na masaya akong may love life siya. Ayos lang sana kung balanse ang oras niya, kaso hindi eh. Hay naku.
Lumipas ang dalawang subjects at hindi pa rin niya napapansing nagtatampo ako. Aba! Nakakatampo lalo. Bahala siya. Last subject na ito, kapag hindi pa niya ako kinausap pagtapos ng subject na ito, galit na ako.
Tumunog na ang bell, senyas na tapos na ang klase kaso ang kulit nitong teacher namin. Nag-extend pa ng ten minutes! Naku. May problema na ata sa pandinig.
Paglabas ni sir, tinawag ako ni Aiel, "Kalila, cleaner ka ngayon, di 'ba?"
Wow, natatandaan niya. Baka sabihin niya hintayin niya ako, tulad lang ng dati. Ngumiti ako, "Oo. Hintayin mo 'ko?"
"Ay, ano kasi... sabay kami ni Kuya Jed," biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko pagkasabi niya nun, "Ayos lang naman sa 'yo, di ba?"
"Sige. Ingat."
Hindi na siya sumagot pa, umalis rin agad. Nagpasalamat pa nga eh. Hindi niya siguro nasense ang pagtatampo ko. Ugh. Sige lang, Aiel, sige lang. Nakakainis! At nasaan na ba ang mga kasama kong cleaners? Bakit ako lang mag-isa ngayon dito? Yih! Tumakas na naman mga 'yon! Aapat nalang nga kaming cleaners kada araw, iiwan pa ako. 'Yung tatlo pa naman na kasama ko ay lalaki, malamang sa malamang, nagDotA na naman sila. Ilang minuto lang naman silang maglilinis, hindi pa sila makapagsakripisyo. Ang kalat pa naman ng kwarto ngayon, sabi rin ni Ma'am kanina magfloorwax daw kami. Haaay.
Walis dito, walis doon. Ang hirap pa naman magtapon ng kalat dahil nasa baba pa ang pinakabasurahan. Akyat baba tuloy ako, papayat na ako niyan eh. Tsk.
"Naku. Mga lalaking 'yun talaga!" pagmamaktol ko habang tinatapon ang naipon kong basura. Bigla akong napatingin sa harapan ko, nakita kong naglalakad si Maven papalapit sa building namin. Nakaheadphones na naman. Nang makarating siya sa tapat ko, napatigil siya. Inalis niya rin headphones niya. OMG. Tumatalon na naman puso ko.
"Mag-isa ka ata?" tanong niya, ang mukha niya, tulad ng nakasanayan, pokerface.
"Opo, iniwan ako nung mga kasama kong cleaners," sagot ko habang nagpupunas ng pawis.
"Gusto mong tulong?"
WHAT! Hihi. Tulong daw? Tutulungan niya daw ako? Wew. Nahimasmasan ako doon ah. Akala ko galit siya, hindi naman pala. Pinag-alala ko sarili ko sa wala. Yehey, thank you po, Papa God!
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...