Chapter 35: Night Picnic

375 18 20
                                    

Lagpas tatlong linggo na pala kaming mag-MU ni Maven. Ito ang ikalawang official date namin, una ‘yung sa McDo. Nasa malawak na damuhan kami ng Greenfields ngayon, nagpapahangin at nagpapalipas ng hapon. Napagdesisyunan naming magkita dito kanina, noong hindi na gaanong tirik ang araw para hindi masyadong mainit.

Isa ito sa mga pinakamasayang gabi ng buhay ko. Kahit sandali palang ang panahong magkasama kami ni Maven, pakiramdam ko ang tagal nang may namamatigan sa amin. Napakaperfect ng gabing ito. Ako, si Maven... kami lang dalawa ang magkasamang nagna-night picnic. Ang saya. Sobrang saya ko.

“Kaw nagluto nito?” tanong niya sa akin. Patuloy lang siya sa pagsubo ng kanin na may sabaw ng adobong manok. Ngumiti lang ako para ipahiwatig na oo. Specialty ko ang adobo eh, kaya alam kong masarap. “Ganyan naman ang lasa.”

Gusto kong sumigaw, gusto kong magprotesta’t sabihing “Hoy! Ang sarap kaya ng luto ko!” kaso masyado akong nagulat. Siya ang unang beses na nagbigay ng ganyang komento sa luto ko. Hindi ako makapaniwala. Babae ako, at bilang babae, patama ‘yun sa pride ko.

Walang ibang matinong lumabas ng salita mula sa akin kaya nilait niya ulit ang luto ko.

“Mapagtiya-tiyagaan naman,” pang-aasar niya. Dahil hindi ko makeri ang sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin. Halata ko sa itsura niya na natatawa siya pero pinipigil niya iyon. Ayun, nabulunan tuloy. Hindi ko siya binigyan ng tubig, hinayaan ko siyang kumuha mag-isa niya. Aba aba, hindi porket gusto ko siya e tatanggapin ko ang panlalait na ginawa niya sa luto ko!

“’Yan. Ang bilis ng karma ‘no?” sabi ko nang maubos niya ‘yung tubig sa baso niya.

“Tss. Sama,” sagot niya. Kahit papaano pala ay hindi pa rin nawawala ‘yung Maven na masungit.

“Wow! Ako pa masama? Ikaw na nga itong pinagluto, tapos lalaitin mo pa! Wow ha, ang sama ko talaga,” sarkastikong sabi ko. Binaba ko ‘yung plato ko’t tinalikuran ko siya sa sobrang inis. Kumain siyang mag-isa niya!

Ilang minuto rin kaming ganun lang. Tahimik, walang nagsasalita. Wala eh. Nagsabay ang pag-iral ng pride namin. Ganyan talaga. Bahala na kung sino ang unang magsasalita.

Maya-maya pa ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, pero nakatingin siya sa kabilang direksyon. Di ko siya nilingon, diretso lang ang tingin ko. Sinundot niya ang baywang ko ng... sampung beses ata. Tumigil siya saglit, akala ko sumuko na. Hindi pa pala. Tinulak-tulak niya ako pagilid gamit ang balikat niya, tapos ‘yung mukha niya ay nilalapit sa mukha ko. Sa tuwing nilalapit niya ang mukha niya, napapansin ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko pa rin siya pinansin, hindi dahil galit ako, pero dahil gusto ko pang makita ang cute side ni Maven.

“Hoy, pangit,” tawag niya sa akin. WOW. Pangit da—Okay.

Sumirit lang ako. Napansin kong napakamot siya sa ulo niya. Gusto ko sanang ngumiti pero huwag muna. Haha.

“Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Pansinin mo naman daw ako,” sabi niya ulit habang sinusundot ang pisngi ko. Natatawa na ako sa totoo lang, pero hangga’t di niya binabawi ‘yung sinabi niya tungkol sa luto ko, di ko siya papansinin.

“Grabe naman ‘to. Parang nagbibiro lang naman ako.”

Sa pagkakataong iyon, ibinaling ko ang mukha ko sa kanan para itago sa kanya ang ngiti ko. Kaso mabilis siyang nakalipat kaya yumuko nalang ako. Itinaas ko ang mga tuhod ko at ibinaon ko ang mukha ko doon. Hindi ko na kasi mapigil ang sarili ko sa pagngiti. Ganito pala maglambing si Maven. Nakakakilig kahit nakakatawa.

“Di mo ‘ko kakausapin? Itatapon kita dun sa malayo,” banta niya.

Hindi ko pa sana balak kumibo kundi niya lang hinila ang paa ko. Caught off guard. Binuhat niya ako na parang baboy kaya pumalag ako.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon