Kinabukasan. Hindi ako pinatulog nung text na ‘yun! Nakakainis! Kung ‘yung ang intensyon niya ay guluhin ang utak ko magdamag, congrats nalang sa kanya. Ugh, nakakaloka!
“Ohayo gozaimasu, Kalila-chan!” masayang bati sa akin ni best friend. Lumalabas na naman pagka-otaku niya.
“O, bakit bigla ka namang nagHapon?” tanong ko.
“Girl, I just found out that Kuya Jed likes anime, too! Mygahd, match made in Heaven ata kami eh.”
“Nosebleed, ‘te. O edi sige na, kayo na ang match made in Heaven. Eh kami ni Maven? Match made in hell?”
“Whatever. So, anong balita sa ‘yo? Ang pangit mo ngayon, best. Laki ng designer bags sa mata mo!”
“Ugh, huwag mo nang ipamukha. Kainis kasi, hindi ako nakatulog ng maayos dahil dito,” Pinakita ko sa kanya ‘yung text na nareceive ko kahapon. “Dumugo utak ko kakaisip kung sino ‘yang V na ‘yan. Ni wala man lang akong kilala na may V sa pangalan bukod kina Veronica, Vivian, Venice na puro mga babae. Alangan namang babae si V!”
“Girl! Malay mo! Haha, pati sa mga babae umeepekto charm mo. Naks!”
“Kadiri ka!”
Grabe. Paano kung totoo ‘yun? Na babae ang nagtetext? Waaa. Hindi yata keri ng powers ko! Babaeng babae po ako. Huhu, at kay Maven lang talaga ako promise. Kaya kung sino man siya, sorry nalang sis. Lalaki gusto ko eh.
Vacant na!Nandito kami ngayon sa may Orchids canteen, natural, bibili ng pagkain. Ang weird ko nga eh. Lahat ng lalaking makasalubong ko, tinitignan ko ang name cloth kung may letter V. Marami naman akong nakita. Kaso kapag titignan ko na ‘yung mukha... Err. Huwag nalang nating pag-usapan. Baka kasi sabihin niyo mapanlait ako.
Mag-oorder na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. “Oh, Kalila! You’re here naman pala. Can you like buy me something to eat na? I’m so gutom already,” HA? Bakit nandito siya? Vacant rin ba niya? Tsk. Ang malas ko. At... Anong nangyari sa pagsasalita ng babaeng ito? Bakit bigla nalang naging conyo? Yakaders, Jessa.
“Anong gusto mo?” iritang tanong ko.
“Chicken fillet nalang. Here’s the money,” Ugh! Nakakaasar talaga kahit kailan. Tatayo lang naman siya at lalakad ng limang hakbang, tinatamad pa. Psh. What a way to brighten up my day!
Habang nasa pila kami, kinausap na naman ako ni Aiel. “Kalila, bakit ganyan naman ugali ng babaeng ‘yan. Kung ano ang kinaganda, ganun naman ikinapangit ng ugali. Hindi ko alam kung sasabihin kong swerte ka dahil mabait ang mama niya para paaralin ka, o malas ka dahil siya ang anak ng nanay niya.”
“Hayaan mo nalang. Wala naman tayong magagawa. Sa ayaw at sa gusto ko, amo ko ‘yan,” sagot ko nalang. Pagkaorder, siyempre, inihain ko sa harap ni Jessa at ng mga kabarkada niya ‘yung pagkain tapos agad rin akong umalis. Kaysa naman lalo lang uminit ulo ko.
Naglakad na kami ni Aiel pabalik sa room pero bigla nalang may humila sa braso ko. Muntik ko pang mabitiwan ‘yung pagkain kong ipinatake out ko. Tsk. Sino ba ‘to, kung makahigit akala mo wala nang bukas!
“Ho—Uy, Maven. Ikaw pala! May kailangan ka po?” Oh my. Ang aking Maven pala. Pero mukhang galit siya. Hala, ngayon palang kami nagkita ngayong araw eh. Wala naman akong ginagawang masama.
“Shut up, Kalila! Akala mo ba nakalimutan ko ‘yung ginawa mo kahapon? Lakas ng loob mo eh, no? Subukan mo pa akong ipahiya ulit, at ipaparanas ko rin sa ‘yo kung paano mapahiya,” pagbabanta niya habang mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko. Hindi ako nakasagot.
“Hoy Maven Kyle Ramos na kinababaliwan ng best friend ko! Ang kapal naman ng mukha mo para ganyanin si Kalila! So sa tingin mo porke patay na patay siya sa ‘yo e ang gwapo mo na? Mangarap ka! May diperensya lang sa mata ang best friend ko kaya akala niya gwapo ka! Ugh, daming hangin sa utak mo! Saka, lalaki ka ba talaga? Bakit ka nananakit ng babae? Bading!” sigaw ni Aiel sabay tulak ng malakas kay Maven.Wrong move. Mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko si Maven kaya naman pati ako natumba. Ngayon, nakahiga siya sa buhangin, ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...