Sunday.
Yes! Isang linggo nalang at sembreak na! Buti naman, nakakastress kasi ang research subject namin eh. Bukod sa wala pa kaming topic ng mga kagrupo ko, e may mock congress kami sa January. Oha, October palang pero inaalala ko na ‘yun. Haha. Mas ayos nang maging handa kaysa bumagsak, ‘no.
Bukod sa magsisimba at mamamalengke ako mamaya, wala naman akong lakad o practice. Ano pa bang gagawin ko kundi gawaing bahay. O baka naman nalimutan niyo nang alila lang ako? Malas nga lang, walang lakad ngayon si Jessa. Ibig sabihin, mananatili lang siya dito sa bahay. Tss. Kung makapagreklamo naman ako, parang ako ang amo eh. Haha!
“Kalila!”
Ayan na po. Dali-dali akong pumunta sa sala mula sa kusina dahil sa pagtawag ni Jessa. Naabutan ko naman siyang nakatutok sa pink niyang 10-inch laptop. Ang aga-aga pa kaya, fyi, alasais palang ng umaga. Malamang Facebook at Twitter na naman inaatupag nito. Ganyan ‘yan kapag weekends eh. Ni hindi man lang nga nagsisimba kahit pa pilitin ni Tita.
“Po? May kailangan ka po?” tanong ko.
“Natural. Alangang tawagin kita nang wala akong kailangan? Anong gusto mo, tawagin kita dahil namiss kita? Tss. Ayus-ayusin mo pagtatanong mo,” mataray niyang sagot.
Aba! Ayus-ayusin niya rin kaya pagsagot niya? Ang ayos ng pagkakatanong ko tapos gaganyanin niya lang ako? Naku, kung hindi ko lang talaga amo ito, kanina pa siya nakalbo. Saka, duh? Ako? Ni minsan hindi ko gugustuhing mamiss ng tulad niya. Pwe. Uhh... Okay, sorry po Papa God, masyadong masama ‘yung pumapasok sa utak ko ngayon. Sorry po talaga. Pipigilan ko na.
“Pasensya naman po, Jessa. Ano pong kailangan mo?” mahinahon kong tanong.
“’Yan, ganyan! Itimpla mo ako ng juice dali. Kuhanin mo na rin ‘yung Nutella, saka ‘yung Gardenia, tapos kutsara na rin ha?”
“Okay.”
Agad naman akong tumungo sa kusina para magtimpla ng juice at kuhanin ‘yung mga sinabi niya. Siyempre, inilagay ko pa sa isang tray. Oo, ganun kaarte si Jessa. Meryenda na nga lang, may tray pang nalalaman. Pagbalik ko sa may sala, wala si Jessa. Baka nagCR. Inilapag ko ‘yung tray sa center table. At hindi naman sa pagiging chismosa... pero napasilip ako sa laptop niya. Sabi na nga ba, Facebook na naman. Wait. Ano ‘yung nasa screen?
Nakarinig ako ng pagflush ng inidoro kaya naman tumakbo ako palayo doon. Hingal ng hingal akong nakarating sa kusina. Kung tutuusin, halos sampung hakbang lang ang layo ng kusina at sala. Pero sa sobrang pagpapanic, narating ko sa limang malalaking hakbang. Grabe, ano ba ‘yung nakita ko!
Pagdating ng 7 ng umaga, nakaayos na ako para magsimba. Si nanay, ayun, tulog pa kaya hindi ko na ginising. Malamang kasi pagod ‘yun kagabi. Nag-general cleaning kasi siya ng bahay. Si Tita naman, mamaya pa daw hapon magsisimba.
Dalawang oras rin ang Sunday service kaya 9 pa natapos. Di bale, ‘yung inaattendan ko kasing church ay nasa katapat na barangay lang. Bale paglabas ko ng subdivision, tatawid lang ako ng kalsada, tapos kaunting lakad at ayun na. Walang ka-late. Hehe.
Pasakay na sana ako ng jeep nang may maaninag akong pamilyar na mukha. Napatingin ako sa damit niya... Superman. Pero kung iniisip niyong si Maven ang nakita ko, nagkakamali kayo dahil si Oliver ‘yun. Bakit siya naka-Superman? Mas bagay ni Maven eh.
“Uy, Kalila,” bati niya sa akin nang makita niya ako, “Dito ka rin pala nag-aattend? Bakit ngayon lang kita nakita?”
“Eh? Ikaw nga po ang ngayon ko lang nakita. Regular naman po ako diyan,” sagot ko.
“Ah. Sabagay, tuwing 11 AM kasi ako nagpupunta. Ngayon lang ako nagfirst service.”
“Ah ganun po ba. Hehe. Eh bakit pala napaattend ka ng first ngayon?”

BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teenfikce(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...