Chapter 15: First Kiss

448 13 15
                                    

Saturday.

Ito na ang huling araw ng aking pananantili dito sa Mabalacat. Bukas kasi ng tanghali uuwi na ako dahil may pasok na ulit sa Monday. Baka matagalan pa bago kami magkita ni Jace dahil hindi pa sigurado kung kailan ako ulit makakabisita. Mukhang hindi pa nga ata kami makakapagbonding ngayong araw dahil sabi nina Lola ay pupunta kami sa picnic grounds sa Clark. Ah, alam ko na, tatanungin ko nalang si Lola kung pwedeng isama sina Jace at Maven.

“La, pwede ko po bang isama sina Jimmyboy pati ‘yung pinsan niya?” tanong ko.

“Oo naman apo, walang problema. Kaya lang sabihan mo na agad ah, alis na tayo maya-maya,” sagot niya.

Agad naman akong tumakbo patungong bahay nina Jace. Sana talaga pwede sila ngayon. Gusto kong makabonding si Maven, este sila palang dalawa.

Pagdating ko, naabutan kong bukas ang gate kaya naman pumasok na ako hanggang sa labas ng front door. Kumatok ako ng malakas at mabilis sa sobrang pagkaexcite. Dalawang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako pinagbubuksan. Hala, mukhang wala atang tao.

Aalis na sana ako nang may nagbukas na nung pintuan. Si Jace. Aba, bagong ligo. Ang bango eh.

“Uy, kaw pala. Sorry ngayon lang, nagbihis pa kasi. Akala ko ba aalis kayo ngayon?” bati niya.

“Oo nga, sabi ni Lola pwede daw kayo sumama. Pwede ba kayo ni Maven ngayon?” tanong ko.

Tumango naman siya at ngumiti, “Teka lang, nali—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pintuan ng banyo sa may likuran niya. Iniluwal nito ang ever dazzling na si Maven na... nakatapis lang ng tuwalya. Anak ng pating.

“M-Maven! S-Sorry po!” malakas kong sabi sabay talikod at takip sa mga mata ko. Narinig kong tumawa si Jace, hinayaan ko lang.

“Kai, grabe ka naman magreact. Paano nalang kapag nagkaasawa ka na?” pang-aasar ni Jace. Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil doon. Tsh! Kailangan pa ba talagang mang-inis?

Hindi ako nakaimik dahil sa sobrang hiya ko. First time ko kasi nakakita ng lalaking walang pang-itaas, worse, kagagaling lang sa pagligo! Oh my gosh. Ano ba naman, hindi na inosente ang mga mata ko. Bakit ganun, ang ganda ng katawan niya, Bench body. Oh my gosh lang talaga. Mas naturn on ata ako, wet look... Wah! Tae. Hindi pwede ito, lumalandi ako lalo. Tsk. Bakit ba naman kasi kailangan nakatapis lang siya? Hindi ba pwedeng sa loob nalang siya ng banyo magbihis? Ugh. My innocence, gone forever. Huhu.

Siguro halos limang minuto rin akong nakaganun lang. Tahimik nga eh. Mukhang umalis si Jace. Ayoko namang humarap kasi baka ano na namang tumambad sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa nila, basta ayoko nang makakita ng lalaking hubad. Nekene.

Maya-maya ay naramdaman kong may mainit na hangin sa may tenga ko. Tae. Don’t tell me si Maven ito? Don’t tell me nasa likuran ko siya? At lalong huwag niyong sabihin sa aking nakahubad pa rin siya? OH MY GOSH.

Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko, tumulo na rin ang pawis ko. Watda. Bakit biglang parang ang init ng panahon? November palang pero bakit parang summer na? Dahil ba... Tae, ang landi ko. Sorry po, Papa God, sa mga kamanyakang naiisip ko.

“Boo.”

“AAAHH!” napaharap ako at naitulak ang kung sino mang gumawa sa akin nun. Hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko kaya naman hindi ko alam kung sino. Bigla nalang narinig ko na nagtatawanan ‘yung magpinsan.

“Tae, Kai! Nakakatawa ka,” rinig kong sabi ni Jace, “Buksan mo na kaya mga mata mo?”

“Ayoko, siguraduhin niyo muna sa aking nakadamit na si Maven,” mariin kong sabi, lalong lumakas ang tawanan nila. Ay naku naman, nakakahiya na ito, pero di ko talaga keri na makita ulit siyang ganun eh.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon