“So this is me swallowing my pride, standing in front you, saying I’m sorry for that nahaaayt!”
One word: OUCH. Kanina pa nagwawala dito sa Karaoke Hub si Aiel. Nasa SM Pampanga kami, birthday niya kasi at niyaya niya kami dito. Nakakaguilty lang dahil wala akong pangregalo.
December 20 na nga pala, Christmas party namin kanina. Parang kailan lang noong napagdesisyunan kong iwasan si Maven, ngayon halos nakakadalawang linggo na ako! Pero inaamin kong nakakalungkot, kasi sa totoo lang, namimiss ko na si Maven kahit hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong mamiss sa kanya. Kasungitan niya? Kagwapuhan niya? Ewan, basta miss ko siya. Actually, nakakadisappoint rin. Akala ko mapapansin ni Maven na umiiwas ako. ‘Yung tipong mamimiss rin niya ang pangungulit ko sa kanya tapos siya na ang gagawa ng paraan, tapos aamin siya, tapos—
“Woot! Kasing lalim ng Marianas Trench ‘yung iniisip ng isa diyan oh! Tsk, Kalila naman. Birthday ko, makisaya ka naman kahit minsan. Sige ka, magtatampo ako!” sabi niya sa akin habang nakatutok sa bibig niya ang mic. Naramdaman kong uminit ang mukha ko nang lapitan niya ako’t bulungan. “Huwag mo na siyang isipin, kasi madidisappoint ka lang.” Kinindatan niya ako at itinuloy ang pagbirit ng Adele classics.
Tama nga naman, madidisappoint lang ako. Who am I kidding? Hindi mangyayari sa amin ‘yun ni Maven. Huhu. Ang nega ko na talaga nitong mga nakaraang araw. Hay, kung ipinagtanggol lang sana niya ako...
“Kalila, ikaw naman ang kumanta,” sabi ni Kuya Jed. Habang hawak ang isang mic. Saan niya napulot ‘yon?! Ay, oo nga pala. Dalawang mic per room. Umiling ako’t hindi tinanggap ‘yung mic. Ayokong kumanta. Hindi ako marunong! Arts nga, wala akong talent, music pa kaya!
Ilang beses rin nila akong sinubukang pakantahin pero ayoko talaga. Si Aiel nalang, ‘yan ‘yung singer eh. Saka, siya ang may birthday dito.
Maya-maya pa ay pinili nila ang Way Back Into Love. Nuxx. Halatang inlababo ang dalawang ito. Silang dalawa ang may hawak nung microphones. In all fairness ha, nagbeblend ‘yung boses nila. Akalain mo nga namang singer pala si Kuya Jed. Hahaha.
Nakaramdam ako ng panunundot sa may baywang ko. Oh, si Oliver nga pala kasama namin. Isinama siya ni Aiel dahil daw gusto niyang marealize kong mas bagay kami. Baliw talaga ang best friend ko kahit kailan. As if naman magkakagustuhan kami ni Oliver! Friends lang kaya kami. F-R-I-E-N-D-S.
Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya. Ano kaya ‘yun, susundutin ka para lang ngitian? Sige na nga, aaminin kong may kaunting inis ako sa kanya. Kaunti lang naman! Eh kasi magmula nang tuksuhin siya ni Aiel sa akin, nailang ako kaya ayoko nang nagkakalapit kami ng husto. Medyo lang naman. Pero kahit na! Parang kasing ayoko ng ganun. Ewan, ang weird ko lang. Assumera.
“Ayos ka lang ba?” biglaan niyang tanong. Tumango ako kahit alam kong halatang nagsisinungaling ako. “Sure ka? Ang lalim nga naman kasi ng iniisip mo kanina.”
“De, ayos lang po talaga,” sabi ko. Hindi na siya nangulit pa kaya naman nakapagfocus ako sa pakikinig sa love birds. Ang lagkit ng tingin nila sa isa’t isa, akala mo wala silang ibang kasama sa room ngayon. ‘Yung tipong “Sa iyo lang umiikot ang mundo ko” na tingin. Oh my, holding hands! Luh, PDA alert! PDA alert!
Dugdug. Ouch. Biglang sumikip dibdib ko. Nag-init rin mukha ko, buti nalang hindi mahahalata dahil dim light lang dito. Bakit ganito? Habang tinitignan ko sila, bakit parang...nakakainggit? Gusto ko din maging tulad ni Aiel. Gusto ko rin magkaroon ng special someone na gugustuhin rin ako pabalik, o sosorpresahin rin ako tuwing birthday ko o kahit anong okasyon. ‘Yung titignan rin ako tulad ng ginagawa ni Kuya Jed ngayon sa best friend ko...
“Oy, PDA!” saway ko sa kanilang dalawa. Sabay naman silang tumingin at tumawa sa akin na para bang nagjoke ako. Hay naku, mga umiibig talaga. Kung anu-anong kinatutuwaan.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...