Chapter 20: Pag-ibig na nga ba?

360 14 8
                                    

Subo. Nguya. Lunok ng malakas. Subo. Nguya. Simpleng sulyap. Subo ulit. Subo ulit.

Ayan na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Nahihirapan na naman ako sa paghinga. Dapat sanay na ako sa ganito sa tuwing nandiyan si Maven, kaso ewan ko ba bakit laging ganito nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Sa totoo nga niyan, mas malakas ngayon kaysa dati. Kakaiba kasi pakiramdam ko sa mga pwedeng mangyari. Hindi naman sa hinihiling ko na magkatotoo ‘yung panaginip ko pero… oo na nga! Sana talaga magkatotoo ‘yung pag-amin niya.

“Oy.” Bigla akong napaubo dahil sa pagtawag niya sa akin. Buti nalang nagCR si Oliver, baka pagtawanan ako nun kung nagkataon. At buti nalang, hindi ko naibuga pabalik sa plato ‘yung kanin na nasa bibig ko. Hindi ko pa kasi nalulunok. Hahaha. Nakakahiya at nakakadiri kung sakaling mangyari ‘yun. Minus points pa.

“Po?” pasimple kong sabi. Siyempre, ayoko nang ipakita sa kanya na gustung-gusto ko siya kahit alam kong alam niya ‘yun. Ang turo kasi sa akin ni Oliver, huwag daw akong easy to get sa kahit kaninong lalaki, kahit kay Maven pa daw. Bilang kaibigan ko siya, siyempre paniniwalaan ko. Wala rin naman akong alam sa mga lalaki eh.

“Wala,” maikli niyang sabi. Napabalik tuloy ang tingin ko sa plato ko. Akala ko ‘yun na. Maya-maya ay bigla na naman niya akong kinausap. “Salamat nga pala.”

“Ha? Para saan?”

“La lang. Sa pag-aalala siguro. Pati na rin sa pagbisita,” sabi niya habang iniiwas ang tingin sa akin. Napansin ko ring may mga namuong pawis sa may noo niya.

Dugdug. Naalala ako na naman ‘yung kahapon na paghaplos ni Maven sa buhok ko. Siguro mga sampung minuto rin akong nagpapanggap na tulog noon. Hinintay ko pa kasing makatulog siya ulit bago ako gumalaw, at sinasabi ko sa inyo… parang pinaliguan ng glue ang leeg ko dahil hindi ako makalingon sa kanan, sobrang sakit pati. Sa katunayan, masakit pa rin ngayon kahit papaano pero naigagalaw ko naman na. Bago nga pala ako umalis sa ospital kahapon, nag-iwan ako ng sulat sa side table niya. Sabi ko, “Pagaling ka po, Maven. Love, Kalila.”  May drawing pa ngang puso doon sa tabi ng pangalan ni Maven eh. Hindi ko lang alam kung ano ang ginawa niya sa sulat na ‘yun. Sana hindi niya itinapon, scented paper kasi ginamit ko.

“Hehe. Wala po ‘yun. Basta po ikaw! Alam mo naman po na gus—este, wala po  talaga ‘yun,” nahihiya kong sagot. Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kanya. Nag-init ang mga pisngi ko. Kahit sa pagkain lang ako nakatingin ngayon at hindi sa kanya, napangiti pa rin ako dahil alam kong nakangiti siya dahil sa akin. Hihi.

Ilang segundo lang kaming tahimik. Siya ulit ang naunang kumausap sa akin. Abaaaa, iba na ito ah. Nakakaramdam na ako. Hihihi. Joke lang.

“Ah. Ano… Bakit—Buti nga pala hindi mo na ako kinukulit? Oy. Hindi ko sinasabing gusto kong kinukulit mo ako ah. Ayoko nga nun eh! Mas ano, mas ayos na ganyan ka lang, kaya nga kinakausap na kita ngayon,” diretso niyang sabi sa akin. Kahit mabilis ang pagkakasabi niya nun, halata kong kinakabahan siya. Napansin ko ring malikot ang mga mata niya, kung saan-saan siya tumitingin pwera lang sa akin. Namumula rin ng kaunti ‘yung pisngi niya.

Shems. Bakit kaya? Oh my gosh. Ito na kaya ‘yun? Masasabi ko na kaya ang mga katagang, “Dreams do come true”?

Huminga ako ng malalim at pinilit na binawi ang napakalaking ngiting nakadikit sa mukha ko para naman hindi masyadong halatang kinikilig ako. “Eh kasi po inisip ko baka sa sobrang inis mo po sa akin, tuluyan na akong mawalan ng pag-asang makipagkaibigan sa ‘yo. Kahit kaibigan lang. Hehe.”

My gahd. Ano ba namang pinagsasasabi ko, eh halata namang crush ko pa rin siya. Hindi lang crush, love na yata! Ampupu. Nakakahiya talaga ito. Pulang-pula na nga ako ngayon eh. Pinapawisan na rin leeg at noo ko dahil sa kaba.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon