Kring!
“Class dismissed.”
Lagpas isang linggo na ang nakalipas nang makausap ko si Jessa. Ngayon ko balak kausapin si Oliver. Kailangan ko siyang makausap as soon as possible. Paglabas ng teacher namin, agad akong lumabas ng room. Hindi na ako nakapagpaalam kay Aiel na hindi makakasabay ng lunch dahil nagmamadali talaga ako.
Pagdating ko sa labas ng classroom ng Nitrogen, hinanap ko agad siya pero may nagsabi na bumili daw siya saglit ng pagkain. Naghintay ako ng halos 15 minuto pero hindi bumalik si Oliver, kaya naisipan kong pumunta sa canteen. Hindi ako nabigo dahil nakita ko siya doon, kasama ‘yung dalawang barkada niya.
Lumapit ako sa kanya na nakangiti, pero gulat na tingin ang isinalubong niya sa akin.
“O, Kalila,” bati niya. “May problema?”
“Oliver, pwede po ba tayong mag-usap?”
Tinignan niya ‘yung mga kasama niya tapos balik sa akin. “Ngayon na?”
“Ah. Ano, sige, kahit po mamayang uwian nalang,” sabi ko. Tumango naman siya’t umalis na ako.
Mabilis na natapos ang araw. Uwian na. Nandito ako sa labas ng room nina Oliver, hinihintay siyang matapos mag-ayos ng gamit. Tinext ko na si Maven na hindi muna kami magsasabay ngayon dahil may importante akong kailangan gawin.
Paglabas ni Oliver, nakangiti siya sa akin na parang walang nangyari.
“Dun muna tayo sa likod ng CR,” suhestiyon niya. Umupo kami ulit sa pwesto namin nung huli kaming mag-usap. “Anong pag-uusapan natin?”
“Oliver, kumusta ka na po?” tanong ko. Napakamot siya ng ulo dahil doon pero sinagot pa rin naman niya ng maayos. Ngumiti ako at dineretso siya. “Tapatin mo nga po ako, nagustuhan mo po ba talaga ako?”
“Ha? Saan nanggaling ‘yang tanong na ‘yan. Siyempre oo. Alam mo naman ‘yun,” sagot niya.
“How did it start? I mean, kailan mo pa po ako napansin?”
Natameme lang si Oliver dahil sa tanong ko. Pinilit niyang sumagot pero walang salitang lumalabas mula sa bibig niya. Maya-maya ay nakarinig ako ng buntong-hininga. Bakit kaya ang hilig bumuntong-hininga ng mga tao?
“Gusto mo ba talaga malaman ‘yung totoo? Ge. Nagsimula nung bago kami magbreak ni Jessa. Ang gulo ng relasyon namin nun kasi meron siyang nakakatext na ibang lalaki na may gusto sa kanya. Inamin ko sa kanyang nagseselos ako pero pinilit niyang kaibigan lang daw niya ‘yung lalaki. Siyempre, sino ba naman maniniwala sa reason na ‘yun? Lahat naman ata ng mga babae ‘yun ang laging sinasabi,” pagpapaliwanag niya. Halata ang inis sa tono niya.
“Binantayan ko siya, at the same time nakilala kita. Sa library, tanda mo pa ba? Nung araw na ‘yun, nahingi ko number mo. Nagpakilala ako sa ‘yo bilang si V gamit ‘yung isa kong sim. Ang plano ko nun, pagseselosin ko lang siya, kaso wala rin.”
Gusto ko sanang kontrahin ang mga sinasabi niya at i-explain ang side ni Jessa, pero naisip ko na mas makakabuti kung sila ang mag-uusap tungkol sa bagay na ‘yun. Hay. Kung alam niya lang talaga gaano nasaktan at nasasaktan si Jessa.
“Magmula nung nakita niyang hinatid kita, naghinala rin siya. I made the same excuse. Sabi ko friends lang tayo. Pero lalo kaming nasira. Di man lang niya ako binigyan ng option na layuan ka. Sabi niya ayaw na niya. Ayun, nakipagbreak ako kahit ayokong gawin ‘yun. Nasaktan rin naman ako nun pero hindi ako nagpumilit kasi ako ‘yung tipo na pinagsisiksikan sarili ko,” dagdag niya pa.
Nakakapanghinayang. Ganito siguro talaga ang nangyayari kung pride ang pinapairal sa relasyon. Nauuwi sa wala. Nasisira. Sayang eh. Sayang talaga. Halata namang mahal pa nila isa’t isa, ayaw lang nilang aminin. I mean, ayaw lang aminin ni Oliver sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...