Chapter 28: (Filler)

271 11 2
                                    

Ikalawang linggo na pala ng January. Ang bilis ng panahon. Excited na ako para sa Juniors’ Ball. Ilang buwan nalang, fourth year na kami. Pero bago ang lahat ng iyon, periodical exam muna. Haha.

Wednesday na, araw ng pagrereview dahil exam na bukas.

“What is the atomic number of Hydrogen?” tanong sa akin ni Aiel. Ganito kasi kami mag-aral, tanungan. Nandito kami sa kwarto niya at kasalukuyang walong notebooks ang nakabukas sa harapan namin. Sabi nila, kapag ganito ang set up, mas marami pa ang oras sa kwentuhan kaysa pag-aaral. Well, iba sa amin ni Aiel. Aral kung aral. Naks. Actually, mag-oovernight ako sa kanila. Alam naman ni Nanay na nag-aaral kami. Hehe.

“One,” sagot ko. “Eh, what is Au?”

“Silver? Ay hindi. Mali. Aurum ‘yan eh, edi gold? Oo, gold!”

“Tama. O ako naman tanungin mo,” sabi ko. Kaso nung tatanungin na niya ako, biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ‘yung nagtext. Napasirit ako tapos agad kong itinabi ‘yung cellphone.

“Oh. Sino ‘yun? Hulaan ko. Oliver? Lately kasi napapansin ko naiilang ka na rin sa kanya,” pang-iintriga ni Aiel. “Halika nga, girl talk tayo. Sabihin mo sa akin ang nangyayari sa love life mo. Dali-dali!”

Binitiwan niya ang notebook na hawak niya at kaagad na lumapit sa akin. As if naman may ibang makakarinig sa amin kapag nag-usap kami. Haha. Ang weird niya talaga minsan.

Bumuntong-hininga ako at itinapat ang notebook sa mukha ko para harangan ang view ni Aiel. Kaso wala ring nagawa iyon. Hinila niya ang notebook ko saka niya inupuan. Ngumiti siya na parang nang-iinis kaya nagpamaywang ako. Pareho lang kaming tumawa pagkatapos nun. Para kaming mga baliw.

Magkukwento na sana ako nang biglang kumatok ‘yung mama ni Aiel. Tinawag kami para magdinner. Medyo nainis naman ang best friend ko dahil doon. Ayaw niya daw kasing nabibitin. Sinabi ko, wala naman siyang magagawa. Mapapagalitan kami kapag hindi pa kami bumaba para kumain.

Pagkalabas ko ng kwarto, sinalubong ako nung three-year-old sister ni Aiel, si Demi.

“Hi Ate!” sigaw niya sabay yakap sa binti ko. Hindi naman ako makalakad dahil sa ginawa niya kaya pinagalitan siya ng ate niya pero hindi niya pinansin. “Tara naaaa, lumakad ka ng ganito, Ate Kalila,” dagdag niya tapos tawa siya ng tawa. Walang ibang nagawa ang ate niya kundi buhatin si Demi. Mukhang nagustuhan naman niya ‘yun kaya hindi siya pumalag.

Pagbaba namin, naabutan namin na nakaupo na doon ‘yung Mama, Papa, at Kuya ni Aiel.

“Good evening po,” bati ko sa kanilang lahat. Nginitian naman nila ako.

Ang dapat, magkatabi kami ni Aiel sa pagkain, kaso si Demi, inagaw ‘yung pwesto ng ate niya kaya napilitan tuloy si Aiel na lumipat. Tawanan naman ang buong pamilya nila dahil doon. Lagi nalang kasing inaaway si Aiel ng nakababata niyang kapatid. Minsan nga sa akin pa nagsusumbong. Haha. Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid.

“O, Kalila, long time no see!” bati ni Kuya Shin, ang 18-year-old na Kuya ni Aiel.

Kung ako ang tatanungin, parang pinagbiyak na bato silang dalawa. Parang kambal lang eh. Ang pinagkaiba lang, mas maputi si Aiel. Kung sa ugali at kulit, pareho lang sila. Haha. Pero walang tatalo sa kakulitan ni Demi. Siya ang tunay na kakambal ni Aiel kung itsura ang pagbabasehan. Ang gaganda’t gwapo ng mag-anak na ito. Gandang lahi.

“Onga, Kuya Shin. Tumangkad ka na ng husto,” sagot ko. Tumawa naman siya at tinignan si Aiel ng saglit.

“Ikaw rin, matangkad ka na sa kapatid ko. Akalain mo ‘yun? Di kasi tumatangkad ‘yang pangit na ‘yan eh,” sabi niya sa akin, halatang nang-iinis sa kapatid. Nagsitawanan naman lahat bukod kay Aiel at Demi. Pareho nga silang nakabusangot ngayon eh.

“Bunso, bakit pati ikaw nakabusangot?” tanong ni Tita kay Demi habang natatawa.

“Hindi niyo ako pinapansin! Kanina pa ako nagsasalita!” pagrereklamo niya. Ngayon naman, lahat kami tumatawa na bukod sa kanya. Haha. Ang cute! Nakakainggit rin kahit papaano. Buti pa sila, ang saya ng pamilya nila, buo. Kung sanang hindi kami agad ni Tatay, ganito rin kaya kami kasaya? Siguro.

Alas-otso na ng gabi nang matapos kami sa pagkain. Sa totoo lang, mas mahaba pa ang kwentuhan kaysa kainan. Ang kulit kasi nung magkakapatid eh, pati ako dinamay sa mga kalokohan nila. Inintriga ba naman ako sa love life ko. Ayaw naman maniwala nina Tito at Tita na wala akong ganun. Ang ganda ko daw, imposibleng wala. Hahaha. Grabe.

Matapos naming magligpit ng pinagkainan, bumalik na kami ni Aiel sa kwarto niya.

“Psst. Dali, kwento ka na!” sabi niya pagkasara ng pinto.

“Okay. Fine. Kasi ganito, oo, naiilang ako kay Oliver. Kaunti lang naman. Kasi nagiging masyado na siyang sweet sa akin. Eh hindi naman sa assuming, pero paano kung gusto niya ako? Ayoko ng ganun kasi magkaibigan kami. Ayokong humigit pa doon. Oo, dati, crush ko siya. Pero crush lang ‘yun, di tulad nung kay Maven,” paliwanag ko.

“What?! Dati mo siyang crush? Ouch. Sayang,” nanghihinayang niyang sabi.

“Bakit?”

“Wala, wala.”

Matapos niyang sabihin ‘yun, hindi ko na siya tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Niyaya ko nalang siyang mag-aral ulit. Physics naman ang inaral namin. Normally, ang Physics ay tinetake sa fourth year pa. Kaso, dahil Special Science Class kami, mayroon kaming Physics kahit third year. Di lang Physics ang additional subject namin. Meron ring Biotechnology, Statistics, Research. Kakamatay!

Matapos ang ilang oras ng pagsosolve ng free fall at acceleration, nagpahinga kami ulit ni Aiel. Alas-dose na nga eh...at gutom na naman ako.

“Teka, Kalila, nagugutom ako. Kuha lang akong snack sa baba,” paalam niya.

Humiga ako sa kama niyang kulay pink at chineck ang cellphone ko. Wala namang bagong messages pero napapangiti pa rin ako. Naaalala ko kasi ‘yung usapan namin ni Maven noong Pasko. Sino ba naman kasing mag-aakalang yayayain ako ni Maven ng ganun? Ah! Baka pinakiusapan na siya ni Oliver kung pwede akong isayaw? Kahit na napilitan lang si Maven, ayos lang sa akin. At least isasayaw niya ako. Sana dumating na agad ang February.

“Huy! Ngiti-ngiti ka diyan?” tanong ni Aiel nang mahuli niya akong nakatitig sa cellphone ko.

“Wala ‘no!” depensa ko. “May naalala lang. Yel, niyaya nga pala ako ni Maven sa ball.”

Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko ‘yun. Anti-Maven kasi siya kaya ayaw niyang nalalapit ako kay Maven. Botong-boto nga siya kay Oliver kasi nga daw, kabaligtaran ni Maven. Ilang ulit na niyang pinamukha sa akin ‘yun pero wala akong magawa. Si Maven talaga ang itinitibok ng puso ko eh. Nuxx. Pumupuso ang peg ko.

“Siguraduhin mo lang na hindi ka niya papahiyain this time, best friend. Ako talaga makakaaway ng Maven Ramos na ‘yan. Akala mo kung sinong gwapo, sa mata mo lang naman pogi. Sa akin, hindi. Itsurang mayabang! Sadista pa!” naiinis niyang sabi sa akin.

“Hindi ‘yan. Ramdam kong may mangyayaring kakaiba sa Feb nineteen,” kontra ko.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon