Dugdug. Dugdug. Hindi talaga pumapalya si Maven na patibukin ang puso ko ng ganito kabilis at kalakas. Kabababa lang namin sa jeep. Nandito kami sa may Dau at medyo malayo pa ang lalakarin papunta sa susunod na terminal. Ang rason bakit kakaiba na naman ang pagpintig ng puso ko? Nakahawak kasi si Maven sa may likod ko habang naglalakad kami, ‘yung tipo na parang inaalalayan niya ako. Nangingiti nalang ako sa kilig.
Pagsakay namin, agad kong ipinaabot ang bayad ko. Magkaharapan nga pala kami ni Maven dito sa jeep. Sayang nga at hindi siya tumabi sa akin eh. Hahaha. Mukhang wala ngang balak na pansinin ako buong biyahe dahil nakasuot na naman ang headphones niya.
Halos sampu palang kaming mga pasahero, eh pang 24 ata ito, mahaba-haba kasi. Dinatnan ako ng antok. Buti nalang at malaki itong bag na dala ko, pwedeng dito ko nalang ihilig ang ulo ko habang natutulog.
Maya-maya pa ay nagising na ako, nasa may San Fernando exit na kami. Sad nga, akala ko tatabi si Maven sa akin tapos ihihilig niya ulo sa balikat niya. Kaso hindi eh. Sayang, akala ko pa naman magagaya ako sa mga nababasa at napapanood kong love stories. Di bale, may sariling bersyon ang author ng buhay pag-ibig ko. Hehe.
Pagbaba namin sa may Intersection, pareho na naman kami ng jeep na sinakyan. Hm, come to think of it, hindi ko pala alam kung taga-saan si Maven.
Nasa may harapan kami ng St. Scholastica’s Academy ngayon, malapit na malapit lang sa Village kung saan nakatira si Aiel. Kinausap ako bigla ni Maven. Shucks.
“Kalila, di na kita hahatid sa inyo ah,” sabi niya, pokerface.
“P-Po? Ay naku! Ayos lang naman po! Hindi mo naman po ako kailangang ihatid eh. Hehe,” sagot ko. Shems. Maven, why so sweet? Ano bang nakain mo? Sabihin mo sa akin para lagi kitang ipagluluto nun!
Hindi siya sumagot, tumango nalang. Nang makarating kami sa Village, nagpara siya. So magkalapit lang sila ni Aiel? OMG. Kaya siguro sabi ni best friend sa akin nun ay pamilyar ang mukha ni Maven. Mapabisita nga ng araw-araw kina Aiel. Hahaha.
“Una na ako,” sabi niya pero sa may entrada siya nakatingin. Ano kaya ‘yun. Nagbye nalang rin ako.
Mabilis ang biyahe, as always. Pagbaba ko sa subdivision, nakita ko si Oliver na nakatingin at nakangiti sa akin. Papunta siguro siya ngayon sa bahay. Malamang. Haha.
“Musta biyahe?” bati niya.
“Ayos naman po. Medyo nakakapagod. Pero sulit naman po ang bakasyon. Alam mo po Oliver, kasama ko si Maven buong sembreak!” masaya kong pagkukwento.
“Oh? Congrats. Haha,” sagot niya pero hindi naman masyado masaya ang tono niya. Hala, may problema kaya siya ngayon? May problema kaya sila ni Jessa?
Tinanong ko siya kung ayos lang siya pero hindi naman maayos ang kanyang pagsagot. Tumango lang kasi siya tapos inalok na buhatin ang bag ko. Hindi na ako tumanggi kasi pagod na rin ako eh.
Tahimik lang kaming naglalakad pauwi. Medyo nakakailang kasi may kakaiba kay Oliver ngayon. Magmula nang sabihin kong buong bakasyon kong kasama si Maven, hindi na siya ngumiti. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ‘yun noong magkausap kami sa phone. Pero... meh, as if naman ‘yun ang dahilan bakit siya badtrip. Lumilitaw na naman ang pagiging assuming ko eh. Hahaha. Nag-assume nalang sa may jowa pa. Sauce. Sorry naman. May karapatan naman mag-assume kahit pangit.
Pagdating namin sa may gate, ibinalik na niya ang bag ko. Sabi niya kasi hindi na siya papasok. Tsk. Mukhang may problema nga sila ni Jessa. Ako ba ang dahilan? O ‘yung nakita ko sa Facebook ng bruha? Sus. Sigurado, factor din ako kahit hindi ko magets bakit niya ako pinagseselosan. Napaka-irrational.
“Oliver, huwag mo pong mamasamain ah? May problema po ba kayo ni Jessa?” maingat kong tanong. Walang ekspresyon sa mukha niya noong nuna, pero kalaunan ngumiti rin siya. Hindi naman mukhang pilit ‘yung ngiti. “Huwag ka po mag-alala, magkakaayos rin po kayo.”

BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...