Chapter 7: Ang Misteryosong si V

505 16 17
                                    

I saw you crying a while ago. I really hate to see those precious tears falling from your eyes, and I wish I could always be there to wipe them away. Sorry, Kalila.

Iyan ang text ni V sa akin kaninang pagtapos kong magligpit ng pinagkainan. One question: Sino ba talaga si V? Paano niya nalaman na umiyak ako kanina? Ay dalawang tanong pala ‘yun. Hindi ko maiwasang matakot, stalker ang dating niya eh, pero mas hindi ko maiwasang matuwa. Ewan ko ba kung bakit pero kahit papaano masaya ako na nadiyan siya, kasi ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may taong nag-aalala pa rin sa akin.

Alas-diyes na, hindi pa rin ako makatulog. Try ko kaya siyang itext? Baka sakaling gising pa at pwede akong damayan. Eh... Kaso nakakahiya naman, baka makaistorbo ako. Kaso sabi niya di ba, gusto niya daw ako, kung gano’n, matutuwa siya kapag nagtext ako. Haha, ang landi ko. Wala namang masama na sumubok, baka lang naman eh. Di ba?

“Hello, V. Lam mo ba, may Saturday class kami kanina. Nakakapagod pero hindi pa rin ako makatulog. Gising ka pa ba?” sabi ko sa text. Sana magreply.

Hi, Kalila. Oo, gising pa ako. Bakit hindi ka pa rin makatulog? Wow. Gising pa nga. Nocturnal siguro siya. Ano kayang isasagot ko? Hulihin ko kaya siya sa mga sagot niya para malaman ko kung sino talaga siya? Magpapaka-Detective Conan muna kaya ako? Malay natin, may future ako sa ganito. Hehe.

Hindi pa man ako nakakapagreply kay V, may tatlong text akong nareceive. Huh? Si Oliver? Bakit naman kaya napatext ito? May problema kaya sila ni Jessa?

Good night, Kalila. Naalala lang kita kaya ako napatext. Kung tulog ka na at nagising man kita, sorry. Pero kung gising ka pa talaga at gusto mo, text muna tayo. Wow! Naalala daw ako ni Oliver! Nakakatouch naman siya. Ang bait bait niya talaga sa akin. Makapagreply nga, “Ay wow naman po. Hehe. Okay lang naman po kung usap muna tayo.”

Kalila! Good eve. Si Kuya Jed ito. Pwede ba tayong magkita sa Monday ng uwian? Tayong dalawa lang dapat. May importante kasi akong sasabihin sa ‘yo eh. Ge, good night. Hala! Ano naman kaya ‘yun? Kinakabahan ako. Hindi kaya ako ang crush ni Kuya Jed at hindi si Aiel? Naku. Erase! Masyado akong nag-aassume, “Okay po. Good night.”

Best friiieeend. Good night. Mwa! See you on Monday. Paturo sa Chem ah. Ty! Sows. Hindi kasi nakikinig kay Ma’am tapos kung kailan may quiz sa Monday, doon magpapaturo. Babaeng ito talaga, oo. Tsk. “K, good night. Aral ka din.”

“Nak, pwede ba kung magtetext ka, huwag mo nang sabihin ang mga nirereply mo? Ang lakas masyado ng boses mo, inaantok na ako eh. Saka para kang baliw diyan,” biglaang sabi ni nanay. Gising pa pala siya. O nagising ko lang? Luh, sorry naman daw. Eh sa nakasanayang sabihin habang tinatype e. Hahaha.

“Sorry Nay, good night,” sagot ko. Matapos ang sampung minuto, dalawa lang ang nagreply, si V at si Oliver. Ang tagal magreply ha, inantok na tuloy ako, in fairness! Tapos sabay pa.

Uy? Hindi ka na nagreply. Haha, good night na? AY. Engot lang. Hintay ako ng hintay ng reply mula kay V, hindi naman pala ako nakapagreply sa kanya kanina. Ehh... Sensya naman. “Ay, sorry! Akala ko nakapagreply na ako.”

Slr, tinapos ko lang ‘yung assignment sa English. Gising ka pa? Wow, Sabado ngayon pero gumagawa pa rin siya ng assignments. Bait naman. “Opo. Pero inaantok na po ako eh.”

Haha. Halatang inaantok ka na, bangag eh. Good night na nga, Kalila. Sweet dreams. I’ll see you on Monday. See you? Sige lang, V! Mahuhuli rin kita! Hahanapin ko ‘yung lalaking laging titingin sa akin. Sigurado, ikaw ‘yun! “Sige, good night na rin sa ‘yo, V.”

Ay ganun? Sige, good night, Kalila. See you on Monday. Isa pa ‘to. Haha. Sana naman wala siyang gawing magpapakilig na naman sa akin. Baka bigla nalang ako magkagusto talaga kay Oliver, at ayaw ko ‘yun. Kasi nga boyfriend siya ni Jessa, kaya naman kahit anong mangyari, hanggang konting kilig at crush lang ako sa kanya! At siyempre, kay Maven pa rin ako. Hindi magbabago ‘yun! “Good night rin po, Oliver.”

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon